10 Paraan kung papano gamitin ang balat ng saging na ikagugulat mo

Matapos nating magpakabusog sa ating tanghalian, may mga pagkakataon na naghahanap pa tayo ng panghimagas o dessert upang tuluyan tayong masiyahan sa ating kinain. Karaniwan ay gusto nating kumain ng matamis kaya ang hinahap natin ay chocolates, at kung malamig naman ang gusto ay ice cream o kaya halo halo ang madalas pagpilian. Ngunit, ang pagkain sa mga ito ay hindi nating masasabi na gaanong masustansya, kaya naman may mga tao rin na ang gustong panghimagas ay mga prutas.

Mansanas, hinog na mangga, orange, grapes, at iba pa. Ilan lamang ang mga ito sa mga pinakapaboritong prutas ng nakararami na madalas kainin pagkatapos ng tanghalian. Masasarap ang mga ito at may mabuti pang dulot sa ating kalusugan kaya naman marami ang tumatangkilik ditto. Sino ba naman ang ayaw kumain ng masarap at maging malusog kasabay nito, hindi ba? Iyan ang itatampok namin sa artikulong ito, isang prutas na paborito nating kainin bilang dessert. Isang prutas na mahaba, kulay dilaw, at talaga namang masarap – ang saging.

Ang puno ng saging ay isa sa pinakamalaking “herbaceous flowering plant”. Sa katunayan nga ay madalas itong mapagkamalan bilang isang punong kahoy, at hindi bilang punong nagbubunga. Bukod sa pagiging panghimagas, ang prutas na saging ay maaari rin lutuin sa ibang paraan. Halimbawa na lamang sa Pilipinas, sinasahog ito sa iba’t ibang mga pagkain, maaari ring itong gawing meryenda kung piprithin ito at hahaluan ng asukal. Marami ring benepisyong medikal ang makukuha rito gaya na lamang ng mga bitamina, mineral, at antioxidant. Tunay nga at napakasustansya ng saging, ngunit hindi lamang ang mismong prutas nito ang dapat nating tangkilikin at mahalin, kundi maging ang balat ng saging.

Tama, ang bahagi ng prutas na ito na karaniwan nating tinatapon ay may pakinabang din. Maraming tao ang di nakakaalam nito, marahil nga ay isa ka sa mga ito. Kaya naman, ituloy mo lamang ang pagbasa upang matuklasan kung ano ano nga ba ang maitutulong ng balat ng saging sa aspetong medikal maging sa araw araw nating buhay.

Una sa lahat, alam niyo ba na mabisang gamitin ang balat ng saging sa pagpapahupa ng pangangati at pantal na mula sa mga kagat ng insekto o kaya naman sa mga halamn? Ipahid mo lamang ang ito sa bahagi ng katawan na apektado at asahang mababawasan ang iritasyon sa iyong balat. Subalit, tandaan na bagamat napapahupa nito ang mga pantal at pangangati ay wala itong kakayahang gamutin ang iba pang problemang dulot ng mga insekto o halamang ito.

Nakakainis ang mga bigla bigla na lamang tumutubo na kulugo sa katawan, subalit hindi niyo na ito kailangan pang problemahin dahli kayang kaya ng balat na saging na alisin din ito kaagad agad. Sa katunayan nga ay kasing bias ito ng mga gamut na nabibili sa mga botiko, o baka nga mas epektibo pa. ang kailangan mo lamang gawin ay patungan ang kulugo ng balat ng saging at pagkatapos ay talian ito upang hindi malaglag. Kapag tinanggal naang pagkakatali ay madali mon a ring matatanggal ang nakakainis na kulugong iyan.

Maging ang pananakit ng ulo ay kayang gamutin ng balat ng saging. Ito ay dahil sa potassium na tinataglay din ng bahaging ito prutas. Kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit ng ulo ay maglagay ka lamang ng balat ng saging sa iyong noo maging sa iyong batok upang ibsan ito.

Ang matagal na pagkabilad sa araw ay nakakasira sa ating balat na nagiging sanhi ng psoriasis. Ang UV rays mula sa araw ay nakakasira sa mga skin cells kaya naman para maiwasan ito ay lagyan ng balat ng saging ang apektadong bahagi ng katawan. Ang “healing effect” na ito ay nagmumula sa mga mineral at antioxidant na taglay ng balat ng saging. Epektibo rin ito sa panggagamot sa kondisyong eczema.

May mga pagkakataon kung saan nahihirapang dumumi ang tao kaya naman nasosobrahan sila sa pag-ire. Dahil dito ay nagkakaproblema ang mga ugat sa puwetang bahagi, na nagiging sanhi naman ng hemorrhoids o almoranas. Sakit at hapdi ang dulot ng kondisyong ito at mahihirap kang umupo kaya naman agaran itong dapat gamutin. Isang mabisang paraan ng panggagamot dito ay ang paghihibo ng balat ng saging ditto dalawang beses sa isang araw sa loob ng animnapung Segundo. Sandaling panahon lamang ang itatagal ng kondisyon na ito kaya naman inirerekomenda na araw arawin ang paggawa ng hakbanging ito upang mas mapabilis ang iyong paghilom.

Sa pagkain naman ng isda, minsan ay hindi talaga maiwasan na ikaw ay matinik, lalo na kung bangus o matinik na isda ang kinakain mo. Sakit sa lalamunan at magkanda- ubo ubo na ang taong natinik, hindi na malaman kung gaano karaming tubig ang kailangan niyang inumin upang humupa na ito. Ngunit, alam ba ninyo na mas madaling gamitin ang balat ng saging sa pagkakataong ganito? Isubo moa ng balat ng saging at sikaping ipatong sa bahagi ng lalamunan na natinik at panatilihin ito s loob ng lima hanggang sampung minute. Ingatan lamang na huwag malulon ang balat ng saging, paglalagay ng tape o tali dito ay mainam na paraan upang mahawakan itong mabuti at hindi mo makain.

Bukod sa mga benepisyong medikal ay mayroon ding maitutulong ang balat ng saging sa pang- araw araw nating pamumuhay. Halimbawa na lamang, kung kailangan mong pakintabin ang iyong mga sapatos ay ito ang mga sapatos ay maaari mong itong gamitin. Pwede itong gawing shoe polisher ng mga sapatos na may takong at mga balat na sapatos o leather shoes. Aakalain mo ba na dahil ito sa potassium na taglay nito?

Kung ikaw ay nag-iisip ng paraan kung paano mo muling mapapakintab ang mga silverware at dishware tulad ng kutsara’t tinidor, bakit hindi mo subukan ang pagpahid ng balat ng saging sa ito? Imbis na gumamit ka ng mgs produktong nabibili na may halong kemikal, dito ka na lang sa alternatibo at natural na paraan. Ihalo mo lamang ang mga balat ng saging sa malinis na tubig at mayroon ka nang mixture na pwede mong ipahid sa iyong mga alahas upang pakintabin silang muli. Ganito rin ang gawin mo kung ipapahid mo naman ito sa mga kubyertos, siguraduhin lamang na mabanlawan mo itong mabuti pagkatapos at saka punasan ng malinis na tela.

Tunay nga’t kamangha mangha ang saging dahil hindi lamang ang mismong prutas nito ang may benepisyo, kundi maging ang balat nito. Kaya naman sa susunod na kakain ka ng saging, huwag mo sanang basta itapon na lamang ang balat nito, isipin mo muna kung kailangan mob a ito gaya ng mga nabanggit sa artikulong ito. Salamat sa iyong pagbabasa!

You may also like...