11 Natural at epektibong home remedies para maalis lahat ng surot o bed bugs

Ang mga bed bugs ay kilala bilang mga parasitiko na siyang nabibilang sa pamilya ng Cimicid. Ito ay mga maliliit, hugis itlog at nagtataglay ng kulay na kayumanggi na mga insekto na ang natatanging kinakain ay dugo ng tao o hayop. Ang mga bed bugs na ito ay kadalasang hindi napapansin ng mga tao dahil sila ay talagang maliliit at kahit na pa sinisipsip na nila ang dugo ng tao ay hindi pa rin alam ng mga tao na nagagawa na nila ito.

Kahit na sinasabi na mas aktibo ang mga bed bugs sa gabi, ay hindi sila nocturnal na uri ng hayop. Ang babae na bed bug ay kayang magsilang ng isang daan na itlog sa kaniyang buong buhay. Ang mga itlog na ito ay karaniwang kasing laki lamang ng alikabok at maaring makapasok sa loob ng bahay kasama ang mga adults na kasangkapan, damit at marami pang iba. Sa kabilang banda, ang mga ito ay walang kakayahang makalipad. Gayunpaman, mabilis silang nakakakilos sa sahig, sa pader at maging sa kisame. Mayroong ilang uri ng mga sakit at karamdaman ang maaring maidulot ng kagat bed bugs kagaya na lamang ng skin rashes, allergic symptoms at kahit pa ang ilan sa mga psychological issues. Ang mga bed bugs ay nakapagdadala rin ng mga nakakahawang mga sakit.

Marami na bang bed bugs sa loob ng inyong bahay?

Ang isa sa mga pinakamatinding indikasyon na mayroon ng maraming bed bugs sa loob ng iyong bahay ay kapag sobrang nangangati na ang iyong katawan sa paggising mo sa umaga. Ang mga makating bahagi ng iyong balat ay parang mga mapupulang bukol. Maaring mayroong kakaunting mantsa rin ng dugo sa iyong kama at sa iyong unan maging ang kakaibang amoy na ito ay maaring senyales na kumakalat na talaga ang mga bed bugs sa loob ng iyong bahay.

Dahil sa maninipis na katawan ng mga bed bugs na ito, mas madali para sa kanila ang magtago sa mga maliliit na butas sa kama, box springs, bed frames at maging sa headboards. Wala naman silang kakayahan na makagawa ng pugad ngunit mahilig silang magkumpl-kumpol. Sa paglipas ng panahon, mas sosobra pa ang kanilang pagdami sa loob ng iyong kwarto at maari pa silang kumalat sa iba pang konektadong kwarto sa loob ng iyong bahay.

Narito ang ilan sa mga paraan upang tuluyan mo ng mapuksa ang mga bed bugs na ito sa loob ng inyong bahay:

Kung ikaw ay sigurado na mayroong bed bug sa loob ng iyong bahay ay maiisip mo na kaagad kung paano ka makakahanap ng mga paraan upang agarang maalis ang mga ito. Hindi ito magiging madali at kinakailangan mo ng mahabang pasensiya at matinding preparasyon upang maging matagumpay sa pagalis sa mga ito.

Upang masimulan mo na ang pagtanggal sa mga ito sa loob ng iyong bahay ay kinakailangan mo munang linisin ang mga lugar kung saan sila maaring manirahan. Marami kang gagawin dito tulad na lamang ng paglaba sa iyong mga kumot, kurtina at maging iyong mga damit gamit ang isang mainit na tubig habang sinisigurado mo rin kung wala talaga itong bed bugs. Pagtapos naman ay ang heavy duty na vacuuming ang nararapat mong gawin at madalas mo dapat itong ginagawa sa mga kasangkapan na mayroon ka sa loob ng inyong bahay. Sunod naman ay ilipat mo ang laman ng vacuum cleaner bat at itapon mo ito sa basurahan sa labas ng inyong bahay.

Ang isa pang paraan ma maaring gawin upang mapuksa ang mga ito ay sa tulong ng sobrang lamig. Maari nilang matiis ang malamig na kwarto sa buong taon ngunit ang sobrang baba na temperature kagaya na lamang ng 17°C sa tagal na mahigit dalawang oras ay magagawa silang mapatay nito.

Sa kabilang banda, ang steam o ang pagpapausok ay isa ring mabisang paraan upang maalis ang mga ito sa loob ng iyong bahay. Ang steam ay mayroong kakayahan na pumasok maging sa mga maliliit na butas at mga hiwa kaya wala takas ang mga bed bugs na ito. Ang steam cleaning ay kinakailangan na nasa magigit 140°F o 60°C upang mapuksa maging ang mga itlog nito at upang wala na itong masisira na kahit na anong gamit sa iyong paligid.

Narito ang ilan sa mga home remedies na maari mong magamit upang tuluyang mapuksa ang mga bed bugs:

Maari mong subukan ang ilan sa mga natural na insect repellant upang tuluyan ng matanggal ang mga bed bugs na ito sa loob ng inyong tahanan pati na rin ang kanilang mga itlog. Para dito, ang mga essential oils na siyang galling sa halaman ay maari mong magamit bilang natural na pesticide. May market value ang mga produkto na ito na siyang umaabot sa mahigit $700 million. Ang kabuuang produksyon ng mga oils na ito sa buong mundo ay maabot ng halos 45,000 na tonelada. Ang mga essential oils na ito ay mayroong kakayahan na maapektuhan ang cell membranes ng mga insekto na ito na siyang nagdudulot ng cytotoxic effects. Ang katangian nilang ito ang siyang ginagamit bilang panlaban sa kahit na anong uri ng bug infestation sa bahay o maging sa tao. Bukod pa riyan, ang mga essential oils na ito ay natuklasang nakakalason para sa insekto na ito ngunit ligtas naman para sa kalusugan ng tao.

Narito na ang ilan sa mga natural na essential oil based na mga pesticides:

  • Lavender Oil Spray

Ang lavender essential oil ay maaring magamit bilang isang natural na pesticide para sa mga bed bugs. Ito ay mayroong kakayahan na sirain ang mga itlong ng insekto na ito. Kaya rin nitong patayin ang amoy na kanilang taglay. Ang pinakamaganda sa lahat ay gumagana ito bilang cytotoxic na siyang delikado para sa kanila.

Paano mo ito gagawin?

Upang makagawa ng isang spray na siyang gamit ang lavender oil, kinakailangan mo lamang ihalo ang hindi kukulang sa 10 hanggang sa 15 patak ng oil na ito sa mahigit 50ml ng tubig. Paghaluin mo ang mga ito ng mabuti bago mo tuluyang ilipat sa isang spray bottle. Gamitin mo ito sa mga lugar na kung saan madali mong makikita ang infestation. Maari ka ring gumamit ng lavender soap o powder para sa spray. Ang isang pang paraan na maari mong gawin ay ang paglalagay ng isang sariwang dahon ng lavender o bulaklak nito sa paligid ng mga infested areads upang tuluyang ng mapuksa ang mga bed bugs na ito at hindi na makaperswisyo pa.

  • Tea Tree Oil Spray

Ayon sa ilang pagaaral, ang tea tree oil ay isang mabisang pesticide laban sa mga bed bugs. Ang essential oil ng tea tree ay mayroong kakayahan sirain ang permeability barrier ng cell membranes ng mga insektong ito na siyang nagdudulot ng kawalan ng chemiosmosis control at nagdudulot ng kanilang pagkasawi. Ang membrane damaging na siyang taglay ng tea tree oil ang isa sa mga dahilan kung bakit isa itong mabisang pesticide. Maari rin itong magamit para sa mga homemade spray na siyang madaling maabot ang mga lugar na madalas nilang pagtaguan kagaya na lamang ng mga biyak, awang at ilang konesyon sa mga kasangkapan.

Paano mo ito gagawin?

Upang makagawa ng isang natural na pesticide sa tulong tea tree oil, kinakailangan mo lamang ihalo ang dalawang kutsara nito sa halos 50 ml ng tubig. Isalin mo ito sa isang spray bottle at ihalo ang laman nito ng maigi. Pagkatapos ay maari mon a itong gamitin sa mga lugar na kung saan alam mong madalas na pinamamahayan ng mga insektong ito. Gawin mo ito sa pang araw araw hanggang sa tuluyan ng mawala ang mga ito.

  • Eucalyptus Oil Spray 

Ang berde at matitibay na puno ng eucalyptus ay maaring makita sa halos lahet ng parte ng buong mundo. Ang essential oul na ito ay makikita sa dahon nito at ito ay madalas na ginagamit sa mga pagkain, maging bilang lunas, bilang pabango at marami pang iba. Ito rin ay ginagamit bilang mabisang pesticide. Ang eucalypts ay nagpapakita ng isang ovicidal activity at ito ay mayroong kakayahan na puksain ang mga bacteira, fungi, insekto, mga damo at maging ang mga nematodes at anay.

Paano mo ito gagawin?

Upang ikaw ay makagawa ng sarili mong spray sa tulong nito, kinakailangan mo lamang ihalo ang halos 30 na patak ng eucalyptus sa mahigit isang ounce ng tubig at 1.5 ounces ng with hazel o ng vodka. Paghaluin mo lang ang mga ito ng mabuti bago mo tuluyang isalin sa isang spray bottle. Maari mo itong gamitin sa mga apektadong lugar sa loon ng dalawang oras. Magugulat ka na lamang at mawawala na ang mga bed bugs na ito.

  • Citronella Spray

Ang citronella o mas kilala rin bilang lemongrass ay isang uri ng essential oil na nagtataglay ng kakayahan na pigilan ang pagkalat ng mga bed bugs at maging ang mga itlog nito sa loob ng inyong tahanan. Ito ay mayroong kakayahan na pataasin ang acidic condition sa loob ng katawan ng mga insektong ito. Kagaya na lamang ng lavender, ang amoy ng citronella ay mayroong kakayahan na patayin ang mga insektong ito.

Paano mo ito gagawin?

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng mahigit 10 patak ng citronella essential oil sa isang maliit na bowl na puno ng tubig. Pagkatapos ay ilipat mon a ito sa isang spray bottle. Paghaluin ito ng mabuti bago tuluyang gamitin para sa mga apektadong lugar.

  • Neem Oil Spray

Sa mga nakalipas na panahon, ang neem oil ay madalas na ginagamit bilang panlunas at maging bilang isang epektibong insect repellant. Ang puno, at maging ang buto nito ay ginagamit din bilang panlunas sa mga karamdaman. Ipinapakita ng ilang pagaaral na siyang isinagawa na mayroong kaugnayan dito, lalo na ang cold pressed neem oil ay nagtataglay ng mataas na toxicity at anti-feedancy na mayroong kakayahan na makapuksa ng maraming uri ng insekto.

Paano mo ito gagamitin?

Upang ikaw ay makagawa ng sarili mong spray na gamit ang neem oil, kinakailangan mo lamang ihalo ang isang ounce ng concentrated neem essential oil sa ¾ ounces ng tubig. Dagdagan mo pa ito ng ½ teaspoon ng sabon upang bumula ang solusyon. Paghaluin mo ang mga ito ng mabuti. Pagkatapos ay maari mo na itong gamitin bilang spray sa iyong kama, kumot, pader at maging sa mga bitak na bahagi na siyang madalas na pagtaguan ng mga bed bugs na ito. Gawin mo ito ng mahigit tatlong beses sa pang araw araw sa unang tatlong araw bago gamitin mo naman pagkalipas ng 18 na araw.

  • Essential Oils of Orange

Ang orange oil ay kilala na gawa sa d-limonene na siyang itinuturing na isang insecticide. Kilala ito bilang isang nerve toxin na siyang nagtataglay ng kakayahan na patayin ang mga insekto na siyang naninirahan sa inyong tahanan sa loob lamang ng isang minuto.

Paano mo ito gagawin?

Kinakailangan mo lamang gumawa ng isang spray sa tulong nito. Ipaghalo mo ng mabuti ang isang tasa ng compost tea sa isang ounce ng blackstrap mollaes at 2 ounces ng orange essential oil sa apat na litrong tubig. Ilipat mo ito sa isang spray bottle bago tuluyang gamitin para sa mga apektadong bahagi ng bahay.

  • Bean Leaves

Kinakailangan mo lamang na ikalat ang mga dahon na ito sa loob ng iyong bahay, lalong lalo na sa mga apektadong lugar. Maari mo rin itong ilagay sa ilalim ng iyong unan o kumot. Maghintay ka lamang ng ilang araw bago mo ito tuluyang alisin o palitan ng panibagong sariwang dahon sa pang araw araw. Dahin hindi na makakagalaw ang mga ito kung napunta sila sa mga dahon kaya kapag tinapon mo na ito ay hindi na rin makakabalik ang mga insekto na ito sa loob ng iyong tahanan.

  • Sweet Flag

Ang sweet flag ay kilala rin sa pangalan nitong acorus calamus na isang kakaiba, semi-aquatic at perennial na halaman na madalas na matatagpuan sa Eurasia at America. Pinahahalagahan ito ng lubusan ng dahil sa rhizome at fragrant oils na mayroon ito na siyang ginagmit bilang lunas sa mga sakit at maging insect repellant. Mayroon din itong taglay na antifungal at antibacterial na katangian na siyang mabisang gamitin upang tuluyang mapuksa ang mga bed bugs.

Paano mo ito gagawin?

Upang makagawa ng isang spray, kinakailangan mo lamang na pakuluan ang mahigit 100 grams ng sweet flag at halos 50 grams ng turmeric powder sa isang litro ng tubig. Pakuluan mo ito ng isang oras at pagkatapos ay itago mo pansamantala ang solusyon na ito sa tulong ng isang nakatakip na lalagyan sa loob ng isang araw. Kinabukasan, salain mo ito upang mapalabnaw ang solusyon na siyang gamit ng 10 beses gamit ang tubig. Isalin mo ito sa isang spray bottle at gamitin sa mga apektadong lugar.

  • Clove

Pinaniniwalaan ng nakararami na ang acidic pH na siyang taglay ng cloves at maging ang matapang na amoy nito ang siyang dahilan kung bakit mabisa itong gamitin bilang pagpatay sa mga bed bugs.

Paano mo ito gagawin?

Simple lamang, kailangan mo lamang na ihalo ang isang kutsara ng clove essential oil sa isang tasa ng tubig. Ilipat mo ito sa isang bote ng spray at gamitin mo ito sa mga apektadong lugar.

  • Thyme

Ang thyme oil o mas kilala bilang thymol concentrate ay talagang mabisa na gamitin bilang bed bugs pesticide. Ito rin ay epektibo upang maalis ang mga itlog ng insektong ito pati na rin ang mga itlog ng anay.

Paano mo ito gagawin?

Ibalot ang isang thyme stick sa isang tela na siyang gawa sa cotton at sunugin mo ito malapit sa apektadong lugar o sa loob ng kwarto. Ang isa pang paraan na maari mong gawin ay ang paglagay ng dahon ng thyme sa net bags at ilagay mo ito sa paligid na kung saan madalas manirahan ang mga ito. Siguraduhin mo lang na palitan ang mga ito sa pangatlong araw. Ipagpatuloy mo lang ito sa loob ng isang buwan hanggang sa mawala na ang lahat ng mga insekto na ito.

  • Diatomaceous Earth

Ang diatomaceous earth o mas kilala bilang DE ay isang uri ng nontoxic na insecticide na siyang magagamit para sa proteksyon ng mga nakatagong produkto upang makontrol ang pagkalat ng mga insekto na ito sa loob ng bahay at hardin. Hindi ito nakasasama para sa kalusugan at katawan ng isang tao. Maari rin itong gamitin sa kahit na saan lalo na sa mga bitak na parte ng pader at iba pang mga lugar na mahirap abutin. Ang DE  ay maaring makuha sa anyo ng pinong crystalline powder. Hindi ito nakakairita para sa mata ngunit mabisa ito upang tuluyang mapuksa ang mga bed bugs na ito.

Paano mo ito gagawin?

Wisikan mo lamang ng DE ang iyong kama, ang sahig, maging ang mga bitak at mga lugar na kung saan madalas na naninirahan ang mga insekto na ito. Pagkatapos ay pabayaan mo lamang ito ng hindi kukulang sa tatlong araw bago mo ito tuluyang linisin sa tulong ng walis o vacuum. Maari mo rin itong magamit para sa mga insekto na ito ang baking at boric powder. Ang boric powder ay medyo toxic ngunit sa kabilang banda, ang baking powder naman ay ligtas gamitin at hindi nakakasama para sa kalusugan ng tao.

You may also like...