12 Benepisyo na makukuha natin pag kumain tayo ng langka na hindi alam ng karamihan

Ang lanka o mas kilala sa ingkes bilang jackfruit ay naging kilala ng dahil sa sarap na lasa na siyang taglay ng prutas na ito. At bukod pa riyan, ito rin ay punong puno ng mga nutrisyon at health benefits na siyang kinakailangan ng katawan upang magkaroon ng magandang kalusugan. Ang prutas na ito ay mayaman sa vitamins, minerals, phytonutrients, carbohydrates, electrolytes, fiber, fats at maging ng protein na siyang kinakailangan ng katawan ng tao. Ito rin ay nagtataglay ng calories ngunit sa kabilang banda, ito naman ay walang cholesterol o saturated fats. Ang madalas na pagkain ng uri ng prutas na ito ay lubhang makakatulong sa pagpapabuti ng iyong kalusugan at pagpapalakas ng iyong katawan.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga taglay na health benefits at ilan pang mga benepisyo na maari ninyong makuha sa madalas na pagkonsumo sa prutas na ito.

Narito na ang mga health benefits na inyong makukuha mula sa pagkain ng langka:

  • Ito ay makakatulong upang mapabilis ang pagtubo o ang paghaba ng buhok

Ang buto na siyang taglay ng prutas na ito ay kilala dahil mabisa itong nagagamit upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng tao at para makatulong sa pagpapabilis ng pagtubo o ng paghaba ng mga buhok.

  • Ito ay tamang tama para sa kalusugan at kagandahan ng balat 

Ang mga buto na siyang taglay ng prutas na ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng masigla, maganda, malusog at perpektong balat. Kinakailangan mo lamang ibabad ang mga buto nito sa pinaghalong gatas at pulot. Pagkatapos ay durugin mo ang mga ito upang ikaw ay makagawa ng isang paste na maari mong gamitin at ipahid sa iyong mukha. Hintayin mo lamang itong matuyo pagkatapos ng ilang minute at mapapansin mo na kaagad ang bago, sariwa at makinis na balat sa iyong mukha. Gawin mo ito ng madalas upang mapanatili ang ganda ng iyong balat.

  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang sakit na kanser 

Ang langka ay mayroong taglay na antioxidants, phytonutrients at flavonoids na mayroong kakayahan na mapigilan ang pagbuo ng mga cancer cells. Ang antioxidant na siyang taglay ng jackfruit ay maaring makatulong upang maprotektahan ng maayos ang katawan laban sa pagkasira na siyang hatid ng free radicals at iba pang toxins.

Ang katawan ng isang tao ay nagkakaroon ng free radicals ng dahil sa stress. Kapag ikaw ay nasa ilalim ng malaking stress at problema, ikaw ay maaring magkaroon ng free radicals na siyang sisira ng mga healthy cells mo sa loob ng iyong katawan na siya ring nagiging dahilan ng pagkabuo ng cancer cells.

Sa kabilang banda, mabuti na lamang at ang antioxidant ay mayroong kakayahan na sirain at tuluyang puksain ang mga ito na siyang proprotekta sa iyong DNA mula sa pagkasira. Ang langka ay mayroon ding kakayahan na proteksyunan ang iyong colon at ang iyong baga at higit sa lahat kaya rin nitong pigilan ang pagkakaroon ng oral cavity cancer.

  • Ito ay mayroong taglay na Vitamin A

 Ang prutas na ito ay kilala ng dahil sa mayaman nitong taglay na Vitamin A na siyang nakatutulong sa pagbibigay ng isang masigla at magandang buhok. Bukod pa riyan, ito rin ay mayroong kakayahan na mapigilan ang pagiging tuyo at maging ang pagkasira ng buhok.

  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang colon cancer

Ang jackfruit ay nagtataglay ng dietary fats na mayroong kakayahan na linisin ang mha toxins na maaring makita sa colon. Ito rin ay mayroong kakayahan na tanggalin ang epekto ng mga toxins na ito sa colon at nakakapagbigay din ito ng proteksyon laban sa sakit na colon cancer.

Ang antioxidants na siyang taglay ng prutas na ito ay maaring makapagbigay ng proteksyon sa katawan upang malabanan ang iba’t ibang uri ng cancer, maging ang mabilis na pagtanda at ilang mga degenerative na mga sakit. Kaya nararapat lamang na kumain ka nito ng madalas upang matulungan mo ang iyong katawan at upang ikaw ay maging malusog.

  • Ito ay epektibo para sa sakit na asthma

Ang prutas na ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng kaginhawaan para sa mga tao na siyang mayroong sakit na asthma. Nakapagbibigay ito ng magandang pakiramdaman at maiwasan ang pagatake ng sakit na ito.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mapanatili ang wastong antas ng blood pressure

Ang langka ay nagtataglay ng potassium na siyang makakatulong upang mapanatili ang tamang antas ng sodium sa loob ng katawan ng isang tao. Ang mataas na antas ng sodium ay importane upang mapanatili ang tamang level ng fluid sa loob ng katawan at upang mabalanse ang mga electrolytes. Bukod pa riyan, ito ay talagang nakakatulong upang mapigilan ang pagkakaroon ng sakit na kagaya ng high blood pressure, stroke at maging ang atake sa puso.

  • Ito ay nakakatulong para sa mga taong malabo ang paningin 

Ang antioxidant na siyang laman ng prutas na ito ay makatutulong ng lubos upang mapalinas ang paningin at makapagbigay ng proteksyon laban sa mga problema sa mata kagaya na lamang ng katarata at macular degeneration. Bukod pa riyan, ito rin ay mayroong vitamin A na siyang mabuti rin para sa kalusugan ng mga mata.

  • Ito ay mayroong kakayahan na kontrolin ang antas ng blood sugar

Ang mataas na antas ng blood sugar sa katawan ng isang tao ay madalas na nangyayari ng dahil sa kakulangan ng manganese sa katawan. Mabuti na lamang at mayaman sa manganese ang jackfruit na siyang talagang makatutulong sa pagkontrol ng tamang antas ng blood sugar sa loob ng katawan ng isang tao.

  • Ito ay mabisa para sa sakit na anemia

Ang prutas na ito ay mayaman sa mga vitamins na kagaya na lamang A, B6, C, E at maging K, niacin, folate, pantothenic acid, copper, manganese at magnesium na siyang kinakailangan ng katawan ng tao para sa isang maganda at maayos na produksyon ng dugo. Ito ay mayroong kakayahan na mapalakas ang absorption ng iron ng katawan at upang mapigilan at magawan ng lunas ang sakit na anemia.

  • Ito ay makatutulong para sa mga tao na mayroong sakit na ulcer

Ang jackfruit ay mayroong malakas na anti-ulcerative na kakayahan na siyang makatutulong ng lubusan para sa ikagagaling ng mga taong mayroong sakit na ulcer at ilan pang uri ng sakit na mayroong kaugnayan dito.

  • Ito ay mayroong kakayahan na bawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso 

Ang langka ay mayroong taglay na vitamin B6 na siyang makatutulong upang mabawasan ang homocysteine levels sa dugo at upang mas mapabuti pa ang pagdaloy nito sa puso na siyang makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso at ilang pang sakit na siyang may koneksyon dito.

You may also like...