12 Paraan para labanan ang mataas na BP gamit ang mga herbs at spices na ito

Ibabahagi naming sa inyo ang ilan sa mga herbs at spices na maaari ninyong ihalo sa inyong pang araw araw na pagkain upang makontrol ang inyong blood pressure. Maaari ka ring komunsulta sa isang Ayurvedic doktor o isang experienced herbal practitioner bago mo tuluyang gamitin ang mga herbal medicines na ito upang matulingan nila kayo kung papaano ninyo ito gagamitin ng tama at ilang dosage ang tama para sa inyo.

Narito na ang ilan sa mga herbs at spices na makakatulong sa inyo:

Thyme

mga eksperto ay nagsasabi na ang thyme ay nakatutulong din sa pagpapakalma sa mga muscles at blood vessels ng katawan. Bukod pa riyan, ayon sa isang animal study, hindi lamang nito tinutulungan ang blood pressure ngunit nagdadala pa ito ng nakakamanghang pagbabago sa pagganda ng biochemical at damages sa arteries na may kauganyan sa hypertension. Kaya maglagay ka ng thymes sa iyong mga soups at stews upang mapasarap at matulungan ka rin sa iyong kalusugan.

Sweet Basil

Ang sweet basil ay noon pa man nirerekomenda ng traditional na Chinese medicine upang bigyan ng lunas ang mga problema sa puso at sa panahon ngayon, ito ay binackupan na ng ilang mga pagaaral.

Hibiscus

Ang mga tao na mayroong mataas na antas ng blood pressure bago pa sila gumamit ng hibiscus tea bilang gamot ay nagpapakita ng magandang resulta. Kaya dapat lamang na uminom ka ng mahigit tatlong tasa ng hibiscus tea upang hindi na mamoblema pa.

Phyllanthus 

Ang isang pagaaral na siyang isinagawa sa mga hayop ay nadiskubre na ang katas na mula sa dahon ng phyllanthus amarus ay mayroong kakayahan na mapababa ang antas ng blood pressure ng isang tao.

Indian Snakeroot

Ang herb na ito ay matagal ng ginagamit sa Ayurveda upang lunasan ang iba’t ibang klase ng mga kondisyon. Ang presensiya ng alkaloid na kilala bilang reserpine ay nakapagbibigay ng isang malakas na hypotensive property.

Ashwagandha 

Ang dalawang gm ng ashwagandha root powder ay maaaring inumin kahalo ng gatas sa umaga ng mga taong may hypertension sa loob ng tatlong buwan, at makakakita sila ng magandang resulta sa parehas na systolic at diastolic pressure. Bago mo ito gawin, kausapin mo muna ang iyong doktor patungkol sa remedy na ito.

Garlic

Walang katulad ng garlic pagdating sa pagpapasarap ng kahit na anong uri ng lutuin at lingid sa kaalaman ng nakararami na nakakatulong din ito pagdating sa mataas na antas ng blood pressure.

Cardamom

Ito ay isang pangkaraniwang sangkap na matatagpuan sa Scandinavian, Middle Eastern at mga Indian na lutuin. Ito ay mayroong positibong epekto para sa hypertension.

Ginger

Ang ginger ay isang pang spice na nakakatulong din sa pagpapababa ng blood pressure. Tumutulong ito sa pagbabawal sa voltage-dependent calcium channels.

Cinnamon

Ang maanghang at matamis na cinnamon na ito ay maaaring makatulong sa paglaban sa mataas na antas ng blood pressure. Isang pagaaral ang siyang nagpakita na ang resulta mula sa tatlo pang pagaaral ay nadiskubre na ang cinnamon ay nakapagpapababa ng systolic at diastolic blood pressure.

Saffron

Ang safranal at crocin na flavonoids na mayroon ang saffron ay mayroong positibong epekto para sa tao. Kailangan mo lamang na magdagdag ng saffron sa ilang lutuin upang gumanda ang iyong kalusugan.

Turmeric

Ang turmeric ay isang golden yello na spice na nagbibigay kulay sa curry at nakakatulong din para sa sakit na hypertension. Ang ilang lab studies ay nagpapakita na pinipigilan nito ang angiotensin converting enzyme.

You may also like...