13 Sikretong paraan ng paggamit ng baking soda para sa na nakaka-akit na buhok at balat

Ang baking soda o mas kilala bilang sodium bicarbonate ay isang popular na isang mabisa na uri ng kagamitan na siyang nakatutulong bilang panlunas sa napakaraming uri ng mga sakit at karamdaman. Maliban pa riyan, ito rin ay maaring magamit sa ilang lutuin at maging sa paglilinis sa mga kasangkapan sa loob ng bahay. Ngunit alam mo ba maari mo rin itong gamitin bilang pampaganda ng pareho mong buhok at balat?

Ang maganda sa sangkap na ito ay hindi ito mahal at napakamura lamang, ito rin ay mabilis mo lang na makikita at mabibili sa mga pamilihan at malapit na grocery stores. Talagang mapapakinabangan mo ito ng lubos dahil sa taglay nitong napakaraming uri ng gamit sa kahit saan sa inyong bahay.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga bagay na maari ninyong gawin sa tulong at gamit ng baking soda at mamangha ka sa ilan sa mga ito.

Paano mo gagamitin ang Baking Soda?

Method 1: Pampaputi ng mga ngipin

Isa ito sa mga kilalang pamamaraan kung paano mo magagamit ang baking soda. Madali lamang nitong matatanggal ang mga mantsa sa iyong ngipin. Kung ikaw ay nagaalala na baka masira nito ang iyong gums at iyong mga ngipin, maari kang gumamit ng coconut oil kasabay nito upang mas dumulas ang pagsisipilyo mo.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 2 kutsara ng baking soda
  • 2 kutsara ng coconut oil

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng dalawang kutsara ng baking soda sa isang bowl. Lagyan mo rin ito ng dalawang kutsara ng coconut oil. Paghaluin mo ang mga sangkap na ito ng mabuti hanggang sa ikaw ay makagawa ng isang malagkit na paste.

Paano mo ito gagamitin?

Kinakailangan mo lamang na ilipat ang pinaghalo mong mga sangkap sa isang mahigpit na lalagyan upang maitago mo at magamit mo pang muli. Gamitin mo ito bilang toothpaste o pansipilyo ng ngipin sa loob ng dalawang minuto. Pagkatapos ay magmumog ka ng tubig upang tuluyang linisin ang iyong mga ngipin.

Method 2: Panlunas para sa acne

Epektibo mong magagamit ang baking soda sa iyong mga acne, lalong lalo na sa mga tao na mayroong malangis o oily na mukha. Ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng exfoliation at deep cleanse, maari rin nitong tanggalin ang mag dumi, sebum, at dead skin cells na maaring bumabara sa iyong mga skin pores.

Dahil nakapagbibigay ng nakatutuyong epekto ang sangkap na ito sa iyong balat, maari mo itong sabayan ng coconut oil upang maiwasan ang masama at hindi inaasahang reaksyon o epekto nito. Sa kabilang banda, ang antibacterial na siyang katangian ng coconut oil ay maaring makatulong upang matanggal ang mga acne sa iyong mukha.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 1 kutsarita ng baking soda
  • 1 kutsara ng virgin coconut oil

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng isang kutsarita ng baking soda sa isang bowl at dagdagan mo ito ng isang kutsara ng coconut oil. Paghaluin mo ang mga sangkap na ito ng mabuti hanggang sa ikaw ay makagawa ng isang malagkit na paste.

Paano mo ito gagamitin?

Maari mo itong ipahid sa isang manipis na layer ng paste na ito sa iyong mukha, lalong lalo na sa mga bahagi na siyang maraming acne sa tulong ng cotton ball. Pabayaan mo lamang ito ng ilang minuto upang matuyo bago mo tuluyang hugasan sa tulong ng malamig na tubig. Gawin mo ito ng hindi kukulang sa isang beses sa isang araw sa loob ng isang linggo. Magugulat ka na lamang sapagkat mabilis mong mapapansin ang mga pagbabago pagkalipas lamang ng ilang araw na paggamit mo nito.

Method 3: Pampaputi ng balat

Ang pinaghalong lemon juice, coconut oil, baking soda at tea tree oil makakatulong upang mapaputi ang maitim na balat. Ito rin ay mayroong kakayahan na matanggal ang mga peklat na siyang gawa ng acne, dark spots at mga blemishes. Maari rin nitong mapabuti ang iyong skin tone. Ang baking soda ang siyang magtatanggal sa mga dead skin layer habang ang lemon naman ang magtratrabaho bilang natural na toner at bleach. Sa kabilang banda, ang parehong coconut oil at tea tree oil naman ang magbabalik sa moisture ng balat at makakatulong din ang mga ito upang mapabuti ang kalusugan ng iyong balat at maiwasan ang mga posibleng problema na mayroong kaugnayan dito.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 2 kutsara ng baking soda
  • 1 kutsara ng lemon juice
  • 1 kutsarita ng coconut oil
  • 5 hanggang 6 na patak ng tea tree oil

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng dalawang kutsara ng baking soda sa isang bowl at isalin mo rito ang isang kutsara ng lemon juice. Pagkatapos ay maari mo ng ilagay ang isang kutsarita ng coconut. Lagyan mo ng lima hanggang anim na patak ng tea tree oil ang bowl. Paghaluin mo ang mga ito ng mabuti hanggang sa ikaw ay makabuo ng paste. Isalin mo ito sa isang mahigpit na lagayan upang maitago at magamit pang muli.

Paano mo ito gagamitin?

Madali lamang ang kailangan mong gawin para rito. Gumamit ka ng kaunting piraso ng paste na ito para sa bahagi ng balat na nais mong mapaputi. Pabayaan mo lamang ito ng ilang minuto bago mo marahang kuskusin sa tulong ng iyong mga daliri. Hugasan mo ito gamit ang maligamgam na tubig. Gawin mo ito ng dalawa hanggang sa tatlong beses sa isang buwan upang mas maging mabisa ang resulta.

Method 4: Pangtanggal ng hindi kaaya ayang amoy sa katawan

Pagdating sa pabango, ang baking soda ay talagang mabisa rin para rito. kung ikaw ay isa sa mga tao na siyang nahihirapan na tanggalin ang mabahong amoy na siyang taglay ng katawan, gumamit ka lamang ng pinaghalong baking soda at cornstarch. Ang cornstarch ay maaring makatulong upang mapatuyo ang balat at upang hindi na dumami pa ang mga odor causing bacteria.

Sa kabilang banda, ang baking soda naman ay mayroong kakayahan na higupin ang mag mababahong amoy mabisa rin itong gamitin upang mapabango ang mga masikip na lugar kagaya na lamang ng maleta at pridyer.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • ¼ cup ng baking soda
  • ¼ cup ng cornstarch

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng ¼ ng parehas na sangkap sa isang lalagyan. Paghaluin moa ng mga ito ng mabuti sa tulong isang pirasong kutsara.

Paano mo ito gagamitin?

Maari mong itago ang DIY body odor removal na ito sa isang luma na talcum powder jay upang mas madali mo itong makita at magamit. Maari mo itong gamitin sa iyong kilikili at iba pang mga parte ng katawan na siyang pinapawisan ng sobra upang matanggal ang mabahong amoy na inilalabas nito.

Method 5: Upang maging mapaliit ang malalaking skin pores

Ang malalaking pores na siyang makikita sa mukha ay hindi kaaya ayang tignan. Mas nagiging malaking problema pa ang mga ito ng dahil sa langis na siyang inilalabas ng balat na siyang ikinababara ng mga sebum at pagdurumi ng pores na siyang nagreresulta sa pagkakaroon ng napakaraming acne. Sa katunayan, walang permanentong solusyon para rito ngunit kinakailangan ng iyong mukha ng isang exfoliation at deep cleaning sa tulong ng baking soda.  

Paano mo ito gagamitin?

Simple lamang ang dapat mong gawin, lagyan mo ng baking soda ang isang maliit na bowl at buhusan mo rin ito ng kakaunting dami ng maligamgam na tubig upang makagawa ng isang paste. Gamitin mo ito sa mga apektadong parte ng iyong balat. Masahihin mo rin ito sa tulong ng iyong mga daliri. Pagkatapos ay hugasan mo ito gamit ang malamig na tubig upang lumiit ang mga pores. Patuyuin mo ito gamit ang light moisturizer.

Maari mong gawin ang method na ito ng hindu kukulang sa isang beses sa isang araw sa buong linggo. Kapag nakontrol mo na ang sitwasyon. Maari mon a itong ulitin ng isa o dalawang beses sa isang linggo upang hindi magbara ang iyong mga pores.

Method 6: Gumamit ng heat rash treatment

Maraming bilang ng mga tao ang siyang nagkakaroon ng heat rashes ng dahil sa mainit na panahon at dahil dyan maari mong magamit ang baking soda upang mapalamig ang iyong pakiramdam. Ito ay mayroong kakayahan na tanggalin ang bara ng pawis sa mga pores at maging puksain ang mga kumakalat na bakterya sa rashes. Maari rin nitong alisin ang mga pangangati na nararamdaman.

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng hindi kukulang sa dalawang kutsara ng baking soda sa dalawang tasa ng tubig. Paghaluin mo ng mabuti ang mga ito hanggang sa tuluyan na malusaw ang baking soda sa tubig.

Paano mo ito gagamitin?

Ibabad mo ang isang malambot na tiwalya sa tubig na ito at alisin mo ang sobrang tubig. Ipatong moa ng basang tuwalya sa ibabaw ng iyong balat na siyang naapektuhan ng heat rash. Pabayaan mo lamang ito na gumana sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos ay ibabad mo muli ang tuwalya sa tubig at simulang gawin lahat. Maari mo itong ulitin ng apat hanggang limang beses sa pang araw araw upang mawala ang mga pantas ng dahil sa sobrang init.

Method 7: Para matanggal ang whiteheads

Ang baking soda ay talagang epektibo sa pagtanggal ng mga whiteheads ng dahil sa kakayahan nitong alisin ang mga bumabara sa pores kagaya na lamang ng sebum, dumi at kahit pa ang mga dead skin cells.

Sa kabilang banda, ang lemon naman ay nagtratrabaho bilang toner at cleanser, habang ang honey naman ay makatutulong sa pagpapaginhawa at paghyhydrate sa balat.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 2 kutsara ng baking soda
  • 1 kutsara ng honey
  • 2 kutsarita ng lemon juice

Mga preparasyon na dapat gawin:

Simple lamang ang dapat mong gawin, maglagay lamang ng dalawang kutsara ng baking soda sa isang bowl. Pagkatapos ay idagdag mo rito ang isang kutsara ng honey at maging ang dalawang kutsarita ng lemon juice. Paghaluin mo ang mga sangkap na ito ng mabuti at maari mo itong isalin sa isang lalagyan upang maitago.

Paano mo ito gagamitin?

Maari mo itong gamitin sa iyong balat, lalong lalo na sa apektado ng whiteheads sa loob ng ilang minuto. Pabayaan mo lamang ito hanggang sa matuyo at tsaka mo hugasin ng tubig. Gawin mo ito ng dalawa hanggang sa tatlong beses sa loob ng dalawang linggo upang tuluyan ng matanggal ang mga whiteheads na ito.

Method 8: Upang matanggal ang mga blackheads

Ang mga blackheads ay madalas na hindi nakakasira ng balat ngunit ng dahil sa mga ito, ang mukha ay kadalas nagmumukhang madumi at panget. Gumamit ng baking soda at sugar based na exfoliation upang matanggal ang mga sebum, dumi at maging ang mga dead skin cells na siyang bumabara sa skin pores na madalas na kikita bilang blackheads.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 2 kutsara ng baking soda
  • 2 kutsara ng granulated sugar
  • 4 na kutsara ng tubig

Mga preparasyon na dapat gawin:

Maglagay ka lamang ng dalawang kutsara ng parehas na baking soda at asukal sa isang bowl. Pagkatapos ay ilagay mo na rin ang apat na kutsara ng tubig. Paghaluin mo ang lahat ng mga ito upang makabuo ng paste at ilipat mo ang paste na ito sa isang lalagyan.

Paano mo ito gagamitin?

Maari mo itong gamitin at imasahe sa mga parte na mayroong blackheads na hindi kukulang sa dalawa hanggang sa tatlong minuto bago mo tuluyang hugasan at patuyuin. Maari mo itong gamitin ng dalawang beses sa isang linggo sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong linggo upang tuluyan mong matanggal ang mga ito.

Method 9: Gumawa ng isang bath bomb

Nakakatuwa ang mga bath bombs na siyang nakakapagbigay ng kakaunting kasiyahan sa tuwing ikaw ay maliligo. Kung gusto mong makagawa nito, maari kang maglagay ng baking soda sa tubig na iyong pangligo, ang citric acid na taglay nito ay magkakaroon ng reaksyon at makakapagdulot ng isang malamig na fizzling effect.

Maari ka ring gumamit ng almonds, niyog, apricot at maging ng avocado oil sa halip na olive oil para sa resipe na ito. Maari ka ring gumawa ng sarili mong bath bombs na mayroong mabangong amoy at magandang kulay. Magagamit moa ng mics, clays at iba pang mga natural na sangkap sa halip na food coloring.

Bukod pa riyan, magagamit mo rin ang baking soda upang makagawa ng isang vicks shower para sa ikagiginhawa ng iyong pakiramdam mula sa congestion.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 1 cup ng baking soda
  • ½ cup ng citric acid
  • ½ cup ng Epsom salt
  • ½ cup ng corn flour
  • 2 kutsara ng tubig
  • 2 kutsara ng olive oil
  • 10 hanggang 12 patak ng essential oil
  • Food color
  • Measuring spoon
  • Maliit na spray bottle
  • Mold

Mga preparasyon na dapat gawin:

Simple lamang ang kailangan mong gawin upang makagawa ng bath bombs. Ilagay mo lamang ang baking sodo sa isang babasagin na mixing bowl. Ilagay mo rin dito ang ½ na tasa ng Epsom salt at corn flour. Ihalo mo rin dito ang citric acid. Maari kang gumamit ng whisk upang mahalo ang mga ito ng mabuti. Pagkatapos ay ilagay mo ang dalawang kutsara ng ng tubig at olive oil sa isang maliit na spray bottle. Idagdag mo rito ang 10 hanggang sa 12 patak ng essential oil na iyong gusto. Patakan mo rin ito ng napili mong food coloring. Ibalik mo ang takip ng spray bottle at paghaluin mo ang lahat ng ito ng mabuti.

Paano mo ito gagamitin?

Maari mo itong magamit bilang spray sa mga tuyo na sangkat at paghaluin moa ng mag ito ng mabuti. Unti unti mong ibuhos ang tubig upang hindi magkaroon ng pamumuo. Pagkatapos nito ay maari mo ng pagsamahin ang buong resipe. Pigain ang kakaunti dami nito sa iyong palad. Kapag namuo na ang mga ito ay maari mo na itong ilagay sa molds. Pumili ka ng nais mong hugis at gumamit ng kutsara upang mahigpitan ang pagkakalagay mo rito. pilisin ang dalawang hati nf mold upang ito ay tuluyang magdikit. Pagkatapos ay tanggalin mo ang sobrang moisture na mayroon ang gilid ng mold sa tulong ng iyong mga daliri. Pabayaan mo ito sa loob ng ilang sandal hanggang sa tuluyang matuyo. Marahan mo lamang itong tapikin upang kumawala ang bath bomb. Patuyuan mo ito sa isang mahangin na lugar ngunit malayo sa moisture na hindi kukulang sa isa hanggang sa dalawang araw. Balutin mo ito ng mahigpit sa tulong ng plastic wrap at itago sa isang air-tight container. Kapag ito ay naitago mo na, maari itong tumagal ng apat hanggang sa limang buwan.

Method 10: Gamitin bilang face wash

Maari mo itong gamitin kaysa sa mga nabibiling face wash sa mga pamilihan. Maari kang gumawa ng isang face wash gamit ang baking soda upang mas makamura at makakasiguro ka rin na ito ay ligtas at natural, hindi nagtataglay ng mga kemikal kagaya sa ilang produkto.

Ang parehong baking soda at coconut oil ay popular ng dahil sa taglay nitong skin cleansing properties. Ang coconut oil ay mayroong kakayahan na mapanatili ang moisture ng balat kung sasabayan ng paggamit sa baking soda.

Sa kabilang banda, ang essential oils naman ay nakakatulong upang mapasigla ang balat at ito ay mag taglay na antimicrobial at anti-inflammatory properties na siyang makakatulong upang ikaw ay magmukhang bata.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 3 kutsara ng baking soda
  • 1 kutsara ng coconut oil
  • 8 hanggang 10 patak ng tea tree essential oil
  • 3 hanggang 4 na patak ng lemon essential oil

Mga preparasyon na dapat gawin:

Ilagay mo lamang ang isang kutsara ng coconut oil at tatlong kutsara ng baking soda sa isang bowl. Idagdag mo rin dito ang walo hanggang sampung patak ng tea tree oil at ang tatlo hanggang sa apat na patak ng lemon essential oil. Paghaluin mo ang lahat ng ito ng mabuti at isalin sa isang mahigpit na jar.

Paano mo ito gagamitin?

Kinakailangan mong gumamit ng isa hanggang sa dalawang kutsarita para masahihin ang iyong mukha ng paikot ikot habang mayroong taglay na ganitong resipe.  Maari mo itong gamitin ng mas madalas.

Method 11: Gamitin bilang isang facial scrub

Maari kang gumamit ng baking soda na mayroong halong green tea at oatmeal upang mabigyan ka ng isang kumpletong exfoliation. Ang baking soda ay nakakatulong sa pagtanggal ng mga bara sa pores, samantalang ang oatmean naman ay marahan na nakapagbibigay ng exfoliation sa balat at ang green tea ay nakakatulong sa paghydrate sa balat.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • 2 kutsara ng baking soda
  • ¼ cup ng powdered oatmeal
  • ¼ cup ng green tea

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na maglagay ng dalawang kutsara ng baking soda sa isang bowl at idagdag mo na rin dito ang ¼ na tasa ng powdered oatmel at maging ang ¼ na tasa ng tsaa. Paghaluin mo ang mga ito ng maigi at isalin sa isang jar.

Paano mo ito gagamitin?

Maari mong gamitin ang facial scub na ito ng hindi kukulang sa isa o dalawang beses sa isang linggo hanggang sa tuluyan ng kuminis ang iyong balat sa mukha.

Method 12: Para maiwasan ang greasy hair

Ang baking soda ay maaring makatulong sa pagtanggal ng grease sa buhok at ang kahit na anong uri ng pagkabuo ng mga dumi upang magmukha itong maganda at bagong tubo.

Mga preparasyon na dapat gawin:

Kinakailangan mo lamang na ilagay ang baking soda sa isang bowl na mayroong kakaunting tubig at paghaluin mo ang mga ito ng mabuti hanggang sa makabuo ka ng isang paste. Gamitin mo ito para sa iyong anit gamit ang hair dye brush. Hayaan mo ito sa loob ng ilang minuto bago tuluyang hugasan ng tubig. Gawin mo ito ng dalawang beses bawat linggo upang matanggal at maiwasan ang greasy hair.

Method 13: Gamitin bilang isang dandruff treatment

Kapag pinaghalo ang baking soda at lemon juice, ito ay makakagawa ng isang mabisang lunas laban sa dandruff. Maari nitong mapigilan ang pagbalik ng fungal growth sa scalp na siyang nagdudulot ng dandruff.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • Baking soda
  • Lemon

Paano mo ito gagamitin?

Lagyan mo ng baking soda ang isang maliit na bowl at pigain mo ang isang piraso ng lemon dito. Kapag tapos na ang pagbubua nito, maari mo na itong haluin ng mabuti upang makagawa ng paste. Maari mo itong gamitin sa iyong anit sa tulong ng cotton balls. Pabayaan mo lamang ito sa loob ng ilang minuto bago mo tuluyang hugasin ng tubig. Gawin mo ito ng hindi kukulang sa isang beses sa isang araw bawat linggo sa loob ng isang buwan.

Tips:

  • Siguraduhin mo na wala kang allergy sa kahit na anong sangkap na siyang gagamitin sa iyong balat.
  • Kapag ikaw ay gagamit ng mga method na mayroong kasamang lemon, dapat kang gumamit ng sunscree dahil mas nagiging sensitibo ang balat sa araw ng dahil sa lemon juice.
  • Gumamit ng babasagin na bowl at hindi plastic upang hindi mangamoy ang mga ito.

You may also like...