15 Sintomas na sobrang acidic na pala ng katawan natin at kung papano ito maiwasan

Isa ka ba sa napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi maging saan mang sulok ng mundo na siyang nakakaranas ang acidity o hyperacidity? Ang pagiging acidic ay nangangahulugan lamang na hindi malusog ang iyong pangangatawan. Kapag ang iyong katawan ay acidic, madali itong madadapuan ng napakaraming uri ng mga sakit at maaring manirahan ang iba’t ibang klase ng mga bacteria rito.

Ayon sa datos na siyang nakuha mula pa noong taong 2014, halos nasa 25% ng mga Pilipino ang siyang nakakaranas ng hyperacidity o ang matinding pangangasim ng sikmura na siyang dulot ng sobrang acid sa loob ng tiyan ng tao. Ang acid ang siyang responsable sa pagtunaw ng mga pagkain na siyang kinonsumo ng tao upang mas madaming ang sustansiya na siyang makukuha ng kaniyang katawan. Mayroong mga pagkakataon na kung saan tumataas ang level ng acidity ng katawan ng tao ng dahil sa iba’t ibang klase ng factors kagaya na lamang ng stress, paninigarilyo, paginom ng gamot, pagkain ng mga maaanghang na pagkain at mga mamantikang pagkain at maging ang labis o sobrang katabaan.

Maari rin itong maging dahilan ng kakulangan ng mga minerals ng mga importanteng organs at buto ng tao kagaya na lamang ng potassium, calcium, sodium at magnesium na siyang maaring magresulta at magsulot ng kondisyon na siyang tinatawag na acidosis.

Ang acidosis ay hindi dapat isawalang bahala at hindi pansinin. Kung tutuusin, hindi rin tiyak kung ano ba ang mga sintomas na mayroon ito kaya wala karing magagawa para sa kalagayan mo na ito.

Narito ang ilang mga impormasyon ukol sa asido sa loob ng tiyan:

  • Nilalabanan ng acid sa loob ng sikmura ang mga microorganism na katulad na lamang ng bacteria at ng mga virus na siyang pumapasok sa loob ng katawan sa pamamagitan ng pagkain.
  • Ang pH level ng acid sa loob ng tiyan ay dapat nasa pagitan lamang ng 1 at 3. Ang ganitong klase ng pH level ay mayroong kakayahan na makatunaw ng isang razor blade o kahit na anong klase ng manipis na metal.
  • Sa loob ng isang buong araw, nasa mahigit kumulang 1.5 na litro ng acid ang siyang tinataglay ng sikmura.
  • Ang kakaunting antas ng stomach acid ay maaring magresulta at magdulot ng indigestion at mataas na posibilidad na magkaroon ng food-borne diseases.
  • Sa kabilang banda, ang sobrang asido naman sa loob ng tiyan ay maaring magdulot ng heart burn, pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at maging ang pagkaroon ng stomach ulcer.

Ang MILD ACIDOSIS o Poor pH Balance ay maaring magdulot ng mga sumusunod:

  1. Immune deficienct
  2. Stiff neck, sciatica at lumbago
  3. Cavities at inflamed sensitive gums
  4. Respiratory issues at coughs
  5. Fatigue at low energy levels
  6. Heart issues
  7. Bladder at kidney problems
  8. Osteoporosis
  9. Nausea, vomiting at diarrhea
  10. Headaches, sleepiness at confusion
  11. Allergies at acne
  12. Joint pain at aching muscles
  13. Premature aging
  14. Weight gain at obesity
  15. Yeast fungal overgrowth

Ang dairy, grains, karne at maging sugar ay kilala bilang mga acid forming na mga pagkain. Ang mga pagkain na ito ay ang madalas na kainin ng mga tao sa almusal, tanghalian at maging sa hapunan. Kapag umaandar na ang metabolic process ng isang tao, gumagawa ng acidic waste products ang katawan na siyang kailangan malinis at mailabas kaagad mula sa loob ng katawan ng tao. Upang maging possible at magawa ang bagay na ito, kinakailangan ng tao ng mga alkaine foods na siyang makakatulong sa proseso na ito.

Ang kasalukuyang antas ng acidity ng katawan ng tao ay maaring malaman sa pamamagitan ng pH testing. Ang wasto at tamang antas nito ay sinasabing nasa mahigit kumulang 6.75 hanggang sa 7.25. Kung baba rito ay kulang ang iyong acid at kung tatataas naman ay sobra ang iyong acid sa loob ng katawan.

Upang mapabuti ang alkalinity ng katawan at upang mabawasan ang acidity ay nararapat lamang na tandaan ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang pagkain ng mga pagkain na siyang kilala bilang acidic foods.
  • Uminom ng maraming baso ng tubig. Nasa walong (8) baso ang nirerekomenda na tubig sa isang araw, uminom ng higit pa sa bilang ng baso na ito.
  • Araw araw mong tignan ang iyong pH levels at suriin ang mga pagbabago nito.
  • Dalasan mo na ang pagkain ng grean leafy vegetables.
  • Bawasan mo na rin ang pagkain ng mga red meats at processed foods.
  • Palitan mo na ang madalas mong paginom ng soda at ng kape ng herbal tea at green drinks.
  • Subukan ang coconut milk o ang almond milk sa halip na gumamit ka ng tradisyunal na dairy milk.

Gamot para sa Hyperacidity

Ang madalas at karaniwang iniinom na gamot kapag ang isang tao ay nakakaranas ng hyperacidity o sobrang acid sa loob ng tiyan ay ang Antacid. Ito ay mayroong kakayahan na matigil ang asido sa loob ng tiyan. Ngunit sa kabilang banda, maari rin itong makapagdulot ng diarrhea kapag naparami ang inom nito. Mainam na uminom ng antacid na mayroong magnesium hydroxide at aluminum hydroxide.

Kapag hindi nakatulong ang iyong pag inom ng antacid, ang pinaka mabisa at pinaka magandang bagay na dapat mong gawin ay ang pumunta sa iyong doktor at magpakonsulta sa kung anong gamot ba ang dapat mong inumin at kung ano ba ang mga bagay na nararapat mong gawin sa ganitong klase ng kondisyon sa lalong madaling panahon.

Ingatan mo ang iyong sarili lalong lalo na ang iyong kalusugan. Bukod pa sa mga bagay na dapat mong tandaan na siyang nabanggit sa itaas, nararapat lamang na kumain ka ng mga masusustansiyang pagkain, katulad na lamang ng mga prutas at gulay. Iwasan mo na rin ang pagpupuyat at simulan na ang pagkakaroon ng sapat at may kalidad na tulog. Damihan mo ang tubig na iyong iniinom sa pang araw araw. Dalasan mo na rin ang pageehersisyo tuwing umaga sa pang araw araw upang maging aktibo ang iyong katawan. Iwasan mo na rin ang iba’t ibang klase ng mga bisyo kagaya na lamang ng paninigarilyo at paginom ng alak. Dalawin mo ang iyong doktor para sa iba pang impormasyon na kailangan mong malaman.

You may also like...