16 sintomas na sobrang dami na ng toxins sa ating atay na nakakataba

Napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo ang hindi nakakaalam na ang katawan na pala nila ay puno na ng iba’t ibang klase ng mga toxins na siyang paunti unting sumisira ng kanilang mga organs sa hindi inaasahang paraan, oras at pagkakataon. Nagugulat na lamang sila sapagkat bigla na lamang nagkakaroon ng mga sinyales at sintomas na siyang nagpapakita na ang kanilang katawan ay tuluyan ng apektuhan ng mga toxins na ito.

Ang atay o liver sa ingles ay kilala bilang isa sa mga pinaka importanteng parte ng katawan ng tao na siyang may kakayahan na mabisang magalis ng mga naipong toxins at iba’t ibang klase ng mga dumi sa katawan. Ang pinaka pangunahing tungkulin nito ay gawing dumi ang mga nasabing toxins upang tuluyan na itong maalis sa loob ng katawan tulong ng pagihi.

Ang atay ay may kakayahang gumawa ng sosobra pa sa 400 na iba’t ibang klase ng mga trabaho o tungkulin at kasama na rito ang pagiipon ng mga mahahalagang vitamins at minerals, pagtunaw ng mga fats sa katawan, pagproproseso ng mga nutrients at maging ang pagsira sa alkohol at mga droga. Kung ang iyong katawan ay nakakakuha ng hindi sapat na halaga ng mga mahahalagang nutrients na siyang lubhang kailangan ng katawan ng tao,  maari itong manghina ng dahil lamang dito.

Ang detoxification o ang paglilinis ng katawan ng tao sa tulong ng atay ay siyang ginagawa sa dalawang klase ng paraan. Una sa tulong ng mga enzymes, na siyang may kakayahan upang gawin nitong ligtas ang mga toxins sa kanilang pagbabago ng anyo. Pangalawa, ipinagsasama nito ang mga toxins sa iba pang klase ng mga molecules upang mas mapadali ang pagtunaw ng tubig at mas maging madali rin ang pagalis sakanila sa loob ng katawan.

Gayunpaman, hindi talaga natin maiiwasan ang mga pagkakataon na kung saan tayo ay malalantad sa iba’t ibang klase ng mga toxins na siyang nanggagaling sa ating paligid kagaya na lamang ng mga fabrics, kotse, hangin, plastic, tubig at maging sa mga prabika at napakarami pang iba. Kahit sabihin mo pa na maganda naman ang iyong paraan ng pamumuhay, ikaw ay umiinom ng sapat na halaga at malinis na tubig, ikaw ay kumakain ng organic foods at gumagamit ng mga produkto na hindi naglalaman ng mga toxins, ay hindi ka parin lubos na nakasisiguro sa iyong kaligtasan laban sa mga ito.

Kapag ikaw ay mayroong mahinang atay, magsisimula ng maipon ang mga toxins at ito ay magiging fat tissue. Mas mahirap maalis ang klase ng mga toxins na ito lalo na kapag hindi naibalik ang mabuting pagtakbo ng atay na siyang maaring dahilan kung bakit mayroong mga pagkakataon na kung saan ikaw ay nahihirapang bawasan ang iyong timbang.

Ngunit sa kabilang banda at kagandahang palad, mayroong mga senyales na siyang nakapagsasabi sa iyo na kung kalian nagiging stressed na ang iyong atay, upang makagawa ka ng mga paraan sa pagpapabuti ng kalagayann nito at mapigilan ang mga karadagang pagkasira nito sa hindi inaasahang pagkakataon. At iyon ang ipapakita sa iyo ng artikel na ito.

Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng isang mahinang atay:

  • Palaging napapagod
  • Sobrang pinagpapawisan
  • Biglaan at hindi inaasahang pagbigat ng timbang
  • Hirap sa pagtunaw ng fats
  • Diarrhea, constipation, sakit sa tyan, bloating at gas
  • Negatibong mga emosyon
  • Madalas na paghihina, hindi makagalaw ng maayos at hirap sa pagiisip
  • Migraines, sakit sa ulo at maging sakit sa likod ng mga mata
  • Sakit sa balat o acne
  • Depresyon at pagkakabahala
  • Bahagyang pagsakit ng ulo
  • Hindi maalis na baho ng hininga
  • Hormonal imbalance
  • Removed gall bladder
  • Patuloy na pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan
  • Pagiging sensitibo sa mga kemikal

Kapag isa ka sa mga taong nakararanasan ng ilan sa mga sintomas na siyang nasabi sa taas, dapat mo lamang isaalang alang na kung paano mo magagawang mabago ang paraan ng iyong pamumuhay at pagkain upang maiwasan at hindi na lumala ang kalagayan ng atay mo. Unang una, dapat mong gawin ang mga bagay lamang na siyang makakapagpabuti sa iyong kalusugan at kumain ka ng balanse, magkaroon ng sapat na tulog at magehersisyo araw araw. Dapat mo rin iwasan ang pagkain ng mga processed foods at iba’t ibang klase ng mga produkto na may masasamang epekto para sa inyong katawan.

Ang mga sumusunod ay mga payo para sa iyo na siyang higit na makatutulong para sa iyong atay:

  • Iwasan ang GMO at kumain lamang ng mga natural at organic foods
  • Iwasan din ang pagkain ng refined sugars katulad ng white or brown sugar, beet sugar, cane sugar at maging ang cane juice sugar
  • Bawasan o tuluyan ng tigilan ang paginom ng alkohol
  • Uminom ng maraming tubig
  • Dapat maging balanse ang iyong pagkain at damihan ang healthy fats, fermented foods, mataas na kalidad ng parehas na halaman at animal proteins, seeds, whole foods, sprouted grains at hilaw na mani
  • Dagdagan ang dami ng iyong kinakain ng mga leafy green vegetables dahil ang mga ito ay kilalang mayaman sa Vitamins B at C, folate at maging sa magnesium
  • Ingatan na huwag kumain ng sosobra sa 20 to 25 grams ng fructose or fruit sugar sa pang araw araw
  • Iwasan na rin ang mga kilalang inflammatory oils kagaya ng soybean, vegetable oil, corn, canola, cotton seeds, sunflower at maging safflower
  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa amino acids katulad na lamang ng parsley, beets, cabbage, hilaw na spinach, bone broth, pasture-raised na itlog at manok
  • Kumain ng mga pagkain na masustansiya kagaya ng bawang, kale, sibuyas, broccoli, Brussels sprouts, pasture raised eggs, at maging asparagus para sa iyong sulfur consumption
  • Kumain ng hindi bababa sa 35 grams ng fiber sa pang araw araw na siyang maaring manggaling sa mga pagkain na kagaya ng broccoli, Brussels sprouts, avocado, artichokes, chia seeds at maging golden flax seeds
  • Kumain lamang nga mga masusutansiyang mga pagkain at fats kagaya ng ghee, coconut oil, sustainable red palm oil, grass fed butter, hem at maging avocado

Ang mga pagkain na ibaba ay kilala bilang mainam para maibalik ang magandang pagtakbo ng inyong atay:

  • Milk Thistle

Ang klase ng herb na ito ay may kakayahang magprotekta ng atay. Ang pangunahing sangkap nito ay kilala bilang Silymarin, na mayroong kakayahan at malakas na antiviral, anti-inflammatory, antioxidant at anti-fibrotic na mga katangian at pipigilan ang pagkasira ng atay ng dahil sa droga, alkohol, at maging sa mga virus at toxins.

  • Turmeric

Ang pangunahing sangkap ng turmeric ay kilala bilang Curcumin, na mayroong kakayahang makapagbigay ng napakaramaing pakinabang para sa iyong kalusugan at pinipigilan dinn ito na masira ang iyong atay. Upang mas maging madali ang pagkonsumo nito, ihalo mo ito sa black pepper.

  • Globe Artichoke

Isa itong kilalang myembro ng thistle family at kilala dahil sa epektibo nitong kakayahan sa pagpapabuti ng pagtakbo ng atay. Kaya rin nitong pagandahin ang produksyon ng bile at bawasan ang level ng cholesterol sa katawan. Kahit ito ay nailuto mo na, ito pa rin ay nagtataglay ng mayamang oxidants kumpara sa mga hilaw na bawang, broccoli at maging sa asparagus.

You may also like...