22 Kondisyon na maaring malunasan sa pag inom ng tubig habang walang laman ang tyan

Ang tubig ay isa sa pinaka pangunahing pangangailangan na siyang kailangan ng kahit na sinong tao upang mabuhay sa mundo. Kung tutuusin, kakayanin ng isang tao na hindi kumain ng ilang linggo ngunit ang hindi makainom sa loob lamang ng ilang araw ay maari niyang ikamatay. Ang katawan ng tao ay binubuo ng mahigit 50% hanggang 60% ng tubig kaya kinakailangan niya talaga na mabalanse at mapanatili ang antas ng tubig sa ganitong porsyento.

Ang dehydration o ang pagkawa o pagkukulang ng tubig sa loob ng katawan ng isang tao ay isa sa mga matinding problema na siyang kinakaharap ng mundo sa kadahilanang maraming bilang ng mga bansa ang siyang nagkukulang sa mga pasilidad upang makapagbigay ng tamang antas ng malinis at sapat na dami ng tubig para sa mga tao.

Ang tubig talagay ay lubhang mahalaga upang mapanatili ang pH balance ng isang indibidwal, at para rin sa metabolic processes nito, sa pagdala ng mga nutrisyon sa lahat ng bahagi ng katawan at maging ang pagalis ng mga waste products dito. Ito talaga ay importante lalong lalo na sa iba’t ibang mga proseso ng katawan kagaya na lamang ng circulatory, respiratory, excretory at maging ang nervous system. Kasama rin sa mga tungkulin nito ang metabolic reactions, pagpapanatili at pagprepreserba ng mga skin components at ang pagpigil sa napakaraming uri ng mga sakit at karamdaman na maaring dumapo sa katawan.

Kahit ito ay madali lamang talaga makuha ng katawan upang magkaroon ng sapat na hydration ang katawan, ayon sa Institute of Medicine, kanilang nirerekomenda ang pagkonsumo sa hindi kukulang na walong (8) baso o dalawang litro (2) ng tubig sa pang araw araw para sa mga kababaihan at para naman sa mga kalalakihan ay dapat makainom ng mahigit labing dalawang (12) o tatlong (3) litro ng tubig sa pang araw araw. Maaring mauwi sa komplikasyon at dehydration ang hindi pagsunod sa rekomendasyon na ito.

Sa katunayan, hindi naman talaga tubig mismo ang mayroong kakayahan upang maalis ang mga toxins sa loob ng katawan ng tao ngunit ito ang siyang ginagamit ng kidney upang magawa nito ang kaniyang tungkulin. Kung ikaw ay palaging kulang sa antas ng tubig na siyang kinakailangan ng katawan, ang kidney mo ay hindi wastong magtratrabaho dahil wala itong sapat na antas ng tubig upang wasto nitong magawa ang kaniyang trabaho sa pagtatanggal ng mga toxins na siyang naipon sa katawan.

Ang pagkonsumo ng tubig ay hindi naggagarantiya na nakakatulong sa pagpapayat ng isang tao ngunit ito ay nakatutulong higit sa propeso. Ito ay mayroong kakayahan na mapalitan ang ibang mga inumin an siyang nagtataglay ng calories sa iyong diet. Bukod pa riyan, madali lang din itong nakakapagpabusog kaya mababawasan na rin ang iyong kagustuhan ng kumain ng marami. Ang tubig, lalo na ang malamig na tubig ay malaki rin ang magagawa upang mapabuti ang iyong metabolism para sa tama at wastong pagtunaw ng mga pagkain na iyong kinain sa loob ng iyong bituka.

Ang paginom ng tubig ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga health benefits at ang ilan sa mga ito ay ang pagpapanatili ng tamang balanse ng pH sa katawan, pangangasiwa ng temperatura nito, para sa tamang metabolism at paghinga, upang mapigilan ang constipation, heartburn, migraines, gastritis, ulcers, kidney stones, cardiovascular disease, rheumatoid arthritis, backaches at maging ang osteoporosis. Mahalaga rin ang tubig para sa tamang pagtratrabaho ng mga kidneys at maging magandang skin tone.

Hindi maipagkakaila na marami na ang bilang ng mga tao na siyang nakaugalian at nakasanayan na ang paginom ng tubig tuwing umaga sa kanilang paggising habang wala pang laman na kahit ano ang kanilang tiyan. Marami rin ang mga pagaaral na siyang isinagawa na konektado rito at nagpapatunay na malaki ang maitutulong ng paginom ng tubig habang walang laman ang tiyan upang mapabuti ang kalusugan ng isang indibidwal. Gayunpaman, ang ilang bilang ng mga tao na siyang nakakaranas ng mga kakaibang kondisyon ay maaring mapahamak dahil sa sobrang paginom ng tubig. Ang parehong kakulangan at sobra nito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto para sa tao. Pagdating naman sa mga buntis at sa mga ina na nagpapasuso pa ng kanilang anak, nirerekomenda ang paginom ng sapat na antas ng tubig sa pang araw araw. Nararapat lang din na iwasan ang paginom sa mga bote na plastic dahil ang mga ito ay hindi ligtas.

Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang tubig ay maaring gamitin bilang panlaban sa iba’t ibang uri ng mga sakit at karamdaman lalo na ang mga paulit ulit o ang mga chronic diseases. Ang paginom ng tubig sa umaga habang wala pang laman ang tiyan ay talagang makakatulong upang matanggal at malunasan ang mga sakit sa tulong ng artikel na ito.

Narito ang listahan ng mga sakit na maaring malunasan ng dahil lamang sa pagkonsumo ng tubig sa umaga habang wala pang laman ang tiyan:

  • Pananakit ng katawan
  • Pananakit ng ulo
  • Mabilis na pagtibok ng puso
  • Sakit sa puso
  • Taba sa dugo
  • Epilepsy
  • Tuberculosis
  • Bronchitis
  • Sakit sa bato
  • Impeksyon sa urinary tract o UTI
  • Meningitis
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Diarrhea
  • Piles
  • Gastritis
  • Constipation
  • Diabetes
  • Sakit sa uterus
  • Mga komplikasyon o problema sa tenga
  • Menstrual disorders
  • Problema sa ilang at lalamunan

Narito ang maari mong gawin na paraan ng paglunas:

Simple lamang ang dapat mong gawin, paggising mo sa umaga, bago ka magsipilyo o gumawa ng kung ano pa man ay uminom ka ng apat (4) na baso ng tubig na mayroong dami na 160 millilters bawat isa.

Pagkatapos nito ay tsaka mo na linisan ang iyong mga ngipin ngunit huwag ka pa ring kumain o uminom ng kahit na ano sa susunod na 45 minuto. Pagkalipas ng isang oras ay maari ka ng kumain o uminom ng kahit na anong gusto mo.

Para naman sa susunod mong pagkain, lalo na para sa iyong tanghalian at hapunan, huwag kang iinom ng kahit na ano sa loob ng dalawang (2) oras. Pagkalipas ng oras na ito ay maari ka nang kumain o uminom ng kahit na anong gusto mo.

Para naman sa mga tao na mayroong sakit at matanda nararapat lamang na kumonsumo sila ng hindi kukulang sa apat (4) na baso ng tubig habang wala pang laman ang kanilang tiyan. Kung hindi nila ito kakayaning gawin ng diretso ay maari naman nilang inumin ang antas ng tubig ng ito ng paunti unti hanggang sa magawa nilang mainom ang 640ml na kinakailangan.

Ang ganitong klase ng paraan ay lubhang kakaiba ngunit ito naman ay talagang mabisa upang malunasan ang napakaraming uri ng sakit at karamdaman. Sa kabilang banda, mabibigyan din nito ng karagdagang enerhiya ang mga tao na walang sakit at malulusog sa simpleng paggawa sa method na ito.

Ilana ng araw na kailangan para sa treatment na ito?

  • 10 araw para sa constipation
  • 10 araw para sa gastritis
  • 30 na araw para sa high blood pressure
  • 30 na araw para sa diabetes
  • 90 na araw para sa tuberculosis

Kung maari ay gamitin mo itong method na ito habang ikaw ay nabubuhay upang mas humaba pa ang iyong buhay at upang mas lumakas ang iyong katawan. Maari ring mawala ang iyong stress ng dahil sa therapy na ito.

Babala:

Para sa mga tao na mayroong sakit na arthritis o rayuma, ang method na ito ay dapat tumagal lamang ng hindi kukulang sa tatlong (3) araw sa unang lingo, magpahinga ng isang (1) linggo bago ito simulan muli. Ito ay hindi nagtataglay ng kahit anong uri ng side effects ngunit mas dadami lamang ang pagkakataon na kung saan ikaw ay maiihi.

You may also like...