4 Kutsarita lang nito ay malalabanan na natin ang high blood at baradong arteries

Napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo ang siyang namamatay ng dahil sa isang unhealthy diet o hindi masusutansiyang mga pagkain na kanilang kinakain na siyang madalas na nagreresulta sa iba’t ibang uri ng mga sakit at karamdaman kagaya na lamang ng kanser, hypertension, rayuma, pneumonia, sakit sa puso, stroke at napakarami pang iba.

Mayroong isang napakasikat na kasabihan na maari mong madalas na marinig mula sa mga matatanda at maging sa mga telebisyon na sinasabing “health is wealth,” sa tagalog, ang kalusugan mo ang iyong kayamanan. Ang isang mabuti at magandang kalusugan ay ang isa sa mga pinaka mahalagang kayamanan na maari mong makuha dito sa mundo, dahil kahit na ikaw pa ay talagang ubod ng yaman, aanuhin mo naman ito kung ikaw ay mayroong isang malubhang sakit at mahirap malunasan? Kaya mabuti ng salat sa buhay ngunit mayroon namang magandang kalusugan at mahabang buhay.

Isa ka ba sa bilang ng mga tao na madalas na napapagod at nakararanas ng kasamaan ng kanilang pakiramdam? Madalas ka bang nagkakaroon ng sipon sa tuwing malamig ang panahon o kaya ay bumibilis ang tibok ng iyong puso kapag ikaw ay tumatakbo sa loob lamang ng isang minute? Maselan baa ng iyong pangangatawan ng hindi kagaya ng dati at madalas ka rin bang magkaroon ng sakit?

Kung madalas mong nararanasan ang mga bagay na ito, mabilis mo lamang itong mabibigyan ng lunas sa tulong at gamit ng isang simple at napakaepektibong panlunas na aming ibabahagi sa inyo sa artikel na ito. Kailangan mo itong masubukan sa lalong madaling panahon at aming ipinapangako sa inyo na hinding hindi kayo magsisi. Aming ibabahagi sa inyo ang isang mabisang pamamaraan kung mabilis mo lamang na maalis ang bara na iyong mga ugat upang mas mapabuti ang iyong sirkulasyon ng dugo sa loob ng iyong katawan at upang maiwasan mo rin ang biglaang pagkakaroon ng atake sa puso at maging ang high blood pressure o hypertension na maari mong ikamatay ng hindi inaasahan.

Ano nga ba ang High Blood Pressure?

Ayon sa Medline Plus, ang clogged arteries ay maaring makapagdulot ng pagkakaroon ng high blood pressure o hypertension. Ang sakit na ito ay ang puwersa na siyang natatanggap ng mga blood vessels na siyang maaring magpahinto ng pagtibok ng puso ng isang tao. Ang mga sintomas na mayroon ang sakit na ito ay ang pagkapagod, pagdurugo ng ilong, arrhythmia o ang pagbago bago ng bilis ng tibok ng puso at maging ang paglabo ng paningin.

Ano naman ang baradong mga arteries?

Ang baradong arteries o mas kilala sa larangan ng medisa bilang arteriosclerosis o atherosclerosis ay isang uri ng karamdaman sa kalusugan na kung saan ang mga fatty substances o ang kolesterol ay naiipon sa pader ng iyong mga blood vessels. Ayon sa Medline Plus, ang baradong mga ugat na ito ay normal lamang at ito rin ay mayroong koneksyon sa parehong high blood pressure at high cholesterol levels. Ito ay madalas na nagyayari ng dahil sa mga bisyo na kagaya ng paninigarilyo, kasaysayan na siyang kaperahas sa kondisyon ng isang miyembro ng pamilya at isang uri ng high-fat diet na maaring makapagdulot ng atherosclerosis. Ang sintomas na mayroong ang clogged o baradong arteries ay maaring makita sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang tao.

Narito ang ilan sa mga madalas na sintomas na siyang nakakaapekto sa mga paa at braso:

Ayon sa Mayo Clinis, ang clogged o baradong mga arteries sa parehas na braso at mga paa ay maaring makapagdulot ng isang kondisyon na siyang kilala bilang peripheral arterial disease o PAD. Ang ilan sa mga sintomas na ipinapakita ng sakit na ito ay ang pagkakaranas ng muscle cramping sa may bandang balakang, hita at kalamnan ng ng mga binti, lalong lalo na kung ikaw ay umaakyat ng hagdan o kahit pa ba naglalakad lamang. Ang paglagas ng buhok sa mga paa at maging ang pagbabago sa mga kulay ng kuko ng mga ito ay isa pang karaniwang pagbabago na maaring maranasan mula sa karamdaman na ito. Kapag ikaw ay namanhid, naging madalas ang panginginig o ang pagiging malamig ng ilang parte ng iyong katawan ay nangyayari ng dahil din sa sakit sa ito.

Ang pagkasira ng iyong mga ugat ay maaring nangyayari ng dahil sa paglipas ng panahon o katandaan. Ang sobrang pwersa na siyang natatanggap ng mga ito o ang resulta ng pagkakaroon ng sakit na high blood pressure ay maaring makapgdulot ng pagbagal ng tibok ng puso ng dahil sa pagiging makipot ng ugat na siyang napaliligiran ng mga namumuong taba, kolesterol at iba pang mga bagay na siyang nagsisimula ng pagkakaroon ng pagkabuo ng mga plaque. Ang mabagal na proseso na ito ay kilala bilang atherosclerosis.

Sa kabilang banda, dahil ang mga arteries na ito ay tumitigas ng dahil sa pagkabuo buo ng mga plaque, mayroong malaking tyansa na mangyari ang pagkakaroon ng blod clot. Kapag nabara ang artery ng dahil sa pagkaipon ng mga plaque o pagkakaroon ng blood clot, ang daloy ng dugo na siyang papunta sa puso ay maaring mabawasan. Hindi ito makakatanggap ng kinakailangan at sapat na antas ng oxygen at nutrisyon na siyang kinakailangan nito. Ang kaunti o lubos na pagkasira ng kalamnan ng puso o heart muscle ay nangyayari ng dahil sa heart attack o myocardial infarction.

Narito ang tatlong sangkap na maaring makatulong upang malunasan ito:

Narito ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • Apat (4) na centimeter o isa’t kalahating (1.5) inches ng ginger root
  • Apat (4) na piraso ng hindi pa nababalatan na lemon
  • Apat (4) na garlic cloves
  • Dalawang (2) litro ng filtered water

Ang lahat ng mga sangkap na aming ibinahagi sa inyo sa itaas ay maaring makatulong para sa iyong kalusugan at upang mas maging mabisa ang resipe na ito, kinakailangan na gamit mo ito ng sabay sabay. Ito ay kilala bilang isang tradisyunal na German resipe na madalas na ginagamit sa loob ng mahabang panahon upang mapabuti ang kalagayan ng buong kalusugan ng isang tao. Ito ay gawa sa mga sangkap na siyang madali lamang makita kagaya na lamang ng lemon, ginger at garlic. Kapag ang mga ito ay pinaghalo ay maaring makapagbigay ng isang positibong epekto para sa iyong blood pressure at maari ring makatulong upang matanggal ang mga bara sa loob ng iyong arteries. Ito ay talagang natural at ginagamit din bilang panlunas sa iba pang karamdaman kaya na lamang ng sipon, impeksyon at kahit ano pang uri ng kondisyon na mayroong kaugnayan sa puso.

Narito ang mga preparasyon na kailangan mong gawin:

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin, hugasan moa ng mga lemon at hiwain mo ito sa ilang piraso. Tanggalin mo ang balat na mayroon ang parehong ginger at garlic cloves. Pagkatapos nito ay ilagay mo na ang lahat ng mga ito sa isang blender at paghaluin ng mabuti hanggang sa tuluyang maging likido.

Ilagay mo ito sa isang kawali at painitan ng paunti-unti habang nilalagyan mo ito ng kaunting tubig. Haluin mo ito ng maigi hanggang sa tuluyang kumulo. Sa huli, alisin mo na ito sa apoy at iwan ng ilang minuto upang lumamig ng ilan pang sandali. Salain mo ito at ibuhos sa isang babasaging lalagyan at itago mo ito sa loob ng refrigerator upang magamit pa ng ilang araw.

Narito ang paraan ng paggamit na iyong gagawin:

Kinakailangan mo lamang na inumin ang resipe na ito sa pang araw araw ng hindi kukulang sa dalawang (2) oras bago ka kumain sa loob ng dalawang (2) beses sa isang araw. Haluin mo ng mabuti ang lagayan bago mo ito gamitin upang mapunta ang lahat ng luya sa itaas. Huwag kang magaalala sapagkat ang amot ng bawang ay magiging balanse sa tulong parehong lemon at ginger.

Gamitin mo ito ng madalas upang mas mapabuti ang iyong kalusugan at maiwasan ang mga problema na mayroong kaugnayan sa iyong puso. Maari ka ring kumain ng mga masusutansiyang pagkain kagaya ng prutas at gulay. Magehersisyo ka rin tuwing umaga ng mas madalas.

You may also like...