6 Masamang epekto sa ating katawan ng hindi pagkain sa tamang oras

Skipping meals o ang hindi pagkain ng isang meal o ang pagsailalim sa detox ay parehong nangangailangan na tubig lamang ang iyong inumin para sa isang araw, at mukha naman itong magandang pamamaraan. Ngunit ano ba ang nangyayari sa katawan ng tao sa tuwing sila ay hindi kakain ng isang meal? Ito ay maganda para sa kanila? Kahit ang dahilan pa ng paggawa mo nito ay maging malinis ang iyong katawan o pumayat at magbawas ng timbang, ipapakita naming sa inyo kung ano ang nangyayari sa loob ng iyong katawan sa tuwing hindi ka kumakain.

Ang hindi pagkain ng isang meal o ang fasting ay maaaring ibahin ang takbo ng iyong katawan. Marami ang dahilan kung bakit maaari mo itong subukan kung paminsan, ngunit mahalaga rin na malaman mo ang mangyayari sa iyo kapag ito ay iyong sinubukan. Sa kabilang banda, mas magiging maganda kung ikaw na lang ay magwowork out kung gusto mong pumayat kaysa gawin ang bagay na ito. Kung ikaw naman ay mayroong tyansa na magkaroon ng diabetes o insulin resistance, o humahanap ka ng paraan para pumayat, ang pagskip sa pagkain ang pinakahuling bagay na dapat mong gawin.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mo ito dapat itry at bakit hindi:

  • Ito ay maaaring maging lunas sa iyong asthma

Ang mga matatanda na mayroong asthma na siya ring overweight ang mas nagakakaroon ng pahinga mula sa mga sintomas nito sa tuwing sila ay nagsskip ng ilang pagkain. Isang pagaaral ang sumunod sa isang meal skipping plan na siyang nangangailangan na sundin ng mga matatandang overweight na mayroong mild asthma na hindi kumain ng isang meal sa isang araw o sinasabing aabot lamang dapat sa 400 hanggang sa 500 na calories ang kanilang kakainin sa isang araw at babalik na sa dati kinabukasan. Bukod sa pagpapakita ng magandang resulta sa mga konektasong sintomas ng asthma kagaya na lamang ng paghinga, nakitaan din ang mag participants ng pagkabawas sa antas ng oxidative stress at kabuuang kabawasan sa pamamaga.

  • Ito ay nakatutulong sa pagbaba ng pamamaga o inflammation

Ang fasting ay isang tradisyunal na pamamaraan na siyang isinasagawa ng napakaraming cultura at rehiyon, at maaaring makakuha ng benipisyo sa pamamaraang ito para sa magandang pagtratrabaho ng utak, para sa pamamaga o inflammation at para na rin sa metabolism system. Ayon sa ilang pananaliksik na mula pa sa Salk Institute, kapag ikaw ay nagfast, kain pa na isang meal lang ang hindi mo kinain, maaari nitong matulungan ang mga problema na mayroong kaugnayan sa pamamaga kagaya na lamang ng arthritis, inflammatory bowel disease at kahit pa ba ang sakit na kanser. Kahit pa ba kinakailangan pa ng mas malalim na mga pagaaral, ang mga resulta na pinapakita ay talagang magaganda.

  • Fast at Exercise: Oo at Hindi!

Pagdating sa parehong fasting at pageehersisyo, maaari itong magresulta sa parehong positibo at negatibo. Sa kabilang banda, kung ikaw ay mageehersisyo ng walamang laman na kahit ano ang iyong tiyan, maaari kang makabawas ng mas mataas na antas ng calorie. Ang isang pagaaral ang siyang nagpakita na halos 20% na mas mataas na fat ang siyang nawawala kapag ang isang tao ay nagwowork out ng walang laman ang tiyan. Gayunpaman, ang teorya na ito ay maaaring maganda lamang sa mga tao na talagang nagwowork out sa umaga at mayroong maganda at balanced na pagkain kinagabihan ng araw ng iyon.

Sa kabilang banda, maaari ka namang maubusan ng enerhiya kung walang laman ang iyong tiyan habang nagwowork out. Maaaring bumaba ang antas ng iyong enerhiya dahil wala namang laman ang iyong tiyan at maaari ka ring mahirapan kung itutuloy mo ito kahit pa ba mayroon kang inspirasyon na gawin ang bagay na ito.

  • Ito ay maaaring makatulong sa pagtaas ng antas ng cortisol

Mayroong dahilan kung bakit ang mga tao na madalas magdiet ang siyang pinakamasaya sa mundo. Maaari mong isipin na ang dahilan sa likod nito ay ang mababang antas ng sugar ngunit ang talagang dahilan ay ang hindi kilalang pakiramdam ng pagiging “hangry” o ang galit na anyo ng gutom na nangyayari dahil sa stress hormone balance. Sa tuwing ikaw ay hindi kumakain ng isang meal, tumataas ang antas ng stress hormone na kilala bilang cortisol at ginagawa itong normal. Dahil ang cortisol at ang normal na antas nito ang siyang kailangan upang maayos mong matugunan ang stress, ang sobra naman nito ay maaaring gawing mahina ang iyong immune system, guluhin ang iyong endocrine system at patagalin ang paggaling.

  • Ito ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang ngunit nakakadagdag ng belly fat

Kung ang pagkakaroon ng mababang timbang ang iyong pinaka layunin, ang pagskip ng isang pagkain ay hindi isang pangmatagalang solusyon para sa iyo. Kahit pa ba maaari ka nitong matulungan na mabawasan ang iyong timbang sa maikling panahon, maaari mo namang silang makuha pabalik kapag ikaw ay bumalik na sa iyong normal at regular na diet. Ayon naman sa pananaliksik, maaari ka ring magkaroon ng belly fat na dati namang wala pagkatapos mo sa skipping meal plan na ito. Ito ay nangyayari dahil ang pagkawala ng iyong timbang ay resulta rin ng pagkawala ng iyong mga kalamnan o muscles. Ng dahil dyan, maaari nitong maapektuhan ang iyong metabolism at mas makapagdulot ng pagbuo ng mas maraming taba. Kaya weight loss solution ang iyong kailangan at hindi ang skipping meal plan.

Isang pagaaral na mga hayop ang ginagamit na participants ang siyang nagkadiskubre na sa tuwing sila ay hindi kakain ng isang meal sa mga unang araw ng pagaaral at kalaunan ay sumailalim na sa normal na diet ay nakabuo ng pagkain ng mas marami at sobra sobra kaysa sa dapat. Nakakain nila ang kabuuang pagkain sa buong araw sa loob lamang ng apat na oras kaya nabalewala lamang ang fasting na kanilang ginagawa sa loob ng dalawampung araw. Bukod pa riyan, mas nadagdagan din ang timbang ng mga hayop na ito. mas naging aktibo rin ang genes na siyang nagtatago ng mga taba lalo na sa abdominal region. Kaya talagang mas mabisa ang weight loss plan kaysa sa skipping meal plans.

  • Dapat kang maging alerto sa insulin resistance at mababang tolerance ng glucose

Kapag madalas kang hindi nakakain ng isang meal sa pang araw araw, nakakabuo ka ng hindi inaasahang abdominal fat na ayon sa mga mananaliksik ay mayroong koneksyon sa pagkakaroon ng sakit sa puso at maging ang type 2 diabetes. Ang fasting ay nagiging dahilan ng pagbaba ng insulin ng isang tao. Kapag walang insulin na siyang magpapagana sa atay at magsisilbing signal nito, ang katawan ng tao ay hindi magagawang pigilan o tigilan ang pagdami ng glucose na siyang nagreresulta sa biglaang pagbaba at pagtaas ng antas ng blood sugar sa katawan ng tao. Sa isang pagaaral na siyang isinagawa sa mga middle-age na mga lalaki at babae, gumamit sila ng skipping meal plan at kumain lamang ng isang malaking meal sa loob ng isang araw at sa loob lamang ng dalawang buwan, nagkaroon ng problema sa kanilang glucose tolerance, naantala ang response ng insulin at tumaas ang antas ng fasting glucose. Gayunpaman, ang resultang ito ay maaaring maging baliktad. Sa ibang salita, kapag ikaw ay bumalik na sa normal at regular mong diet pagkatapos sumailalim sa skipping meal plan, maaaring bumalik ang iyong tolerance sa glucose, maaari ring bumalik ang response ng iyong insulin at bumalik sa normal ang antas ng iyong fasting glucose.

You may also like...