7 Nakakagulat na benepisyo ng pagkain ng talaba na dapat nating malaman

Isa ka ba sa mga tao na nagsasawa na sa pagkain ng karne? Kung ganon, mayroong isang alternatibo ang maari mong gawin, ang pagkain ng mga pagkain na siyang nagmula sa dagat o mas kilala bilang seafoods. Mayroong iba’t ibang uri ng mga pagkain na siyang nagmula rito na maaring kainin ng tao, kagaya na lamang ng mga hipon, alimango, napakaraming uri ng mga isda at kahit na mahal ang ilan sa mga ito, mababawi mo naman ang pera na iyong ginastos ng dahil sa sarap ng mga ito.

Ang isa sa mga sikat na pagkain na ito ay kilala bilang oyster sa ingles o talaba sa tagalog. Itinatago ng matigas na shell nito ang kaniyang karne sa loob at ang pagkain na ito ay gustong gustong kainin ng napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Lingid sa kaalaman ng nakararami na hindi lamang ito masarap kainin bagkus ito ay nagtataglay ng mga pakinabang na siyang nakabubuti para sa kalusugan ng tao. Ito ay mayroong vitamins, zinc, minerals at itinuturing din bilang isang biyaya para sa mga tao.

Ang zinc na siyang taglay nito ay kilala bilang isang matibay na nutrient na siyang nangangasiwa sa kalusugan ng iba’t ibang sistema ng katawan, kagaya na lamang ng central nervous system at ng immune system. Kung ang isang tao ay nakakaranas ng zinc deficiency, siya ay maghihina at hindi magiging maayos ang pagtakb ng system ng kanilang pangangatawan.

Hindi lamang nakabubuti para sa kalusugan ng tao ang pagkonsumo ng talaba sapagkat magagamit din ito ng mga kalalakihan bilang isang uri ng mabisang “aphrodisiac” o pampalibog. Ito ay nangyayari sa tulong ng zinc na mayroong kasama na vitamin C na siyang mabuti para sa libido ng mga lalaki.

Nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga pakinabang at tulong para sa kalusugan ang talaba at sa tulong ng artikel na ito, ibabahagi naming sa inyo ang ilan sa mga ito maging ang kahalagahan ng seafood para sa mga tao.

  • Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang Anemia

Para sa mga kababaihan, ang pagkakaroon ng period ay isa sa mga dahilan kung bakit karamihan sa mga babae ay mayroong anemia, sapagkat nawawalan sila ng dugo kapag sila ay mayroon. Kung gusto mong maiwasan ang sakit na ito, dalasan mo ang iyong pagkain ng talaba kapag mayroon ka ng period. Ang mga seafood, katulad na lamang ng talaba ay nagtataglay ng iron na siyang makakatulong sa katawan upang labanan ang anemia. Ang iron deficiency ay maaring magdulot ng pagkatamlay, pagkahilo at matinding pagkapagod.

  • Mabuti ito para sa kalusugan ng Puso 

Hindi lahat ng uri ng taba ay nakakasama para sa kalusugan ng tao. Ang polyunsaturated fatty acids na siyang matatagpuan sa mga talaba ay sinasabing mabuti para sa kalusugan ng puso. Bukod pa dito ay mayroon itong amino acid lysine na siyang nakakatulong para sa pagpapalakas ng produksyon ng carnitine. Ito ang responsible sa wastong antas ng cholesterol sa katawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng ano mang uri ng sakit na siyang konektado sa puso.

  • Nagpapalakas ng Immune System

Ang zinc na siyang taglay ng talaba ay kilala bilang isang mabisang antioxidant na isang pangunahing panlaban sa iba’t ibang klase ng mga impeksyon at sakit. Kasama ang PUFA o mas kilala bilang polyunsaturated fatty acid at zinc sa pagpapalakas ng immune system upang malabanan ng katawan ng tao ang pamamaga at iba pang klase ng mga sakit kagaya na lamang ng common cold, flu at sipon.

  • Mayaman sa Vitamin B

Ang grupo ng B vitamins na ito ay lubhang mahalaga para sa magandang pagtakbo ng utak at maging ng nervous system. Dahil sa Vitamins B6 at B12, makakayanan ng katawan ng tao na makapagpakawala ng enerhiya mula sa mga pagkain na kanilang kinain. Ang pagkonsumo ng talaba ay sinasabing isang natural na pamamaraan upang makakuha ng Vitamin B at hindi na kinakailangan pang gumamit ng mga food supplements na siyang madalas na nirereseta ng mga doktor. Ang uri ng seafood na ito ay mayaman sa parehas na Vitamins B2 at B3 na mayroong kakayahan na suportahan at tulong ang mga tao sa kanilang isinasagawang diet.

  • Nakakatulong sa pagbawas ng timbang 

Ang talaba ay kilala rin na mayaman sa protina. Kapag ito ay kinakain, mas mabilis na nabubusog ang mga tao at maiiwasan ang sobrang pagkain na siyang karaniwang nagdudulot ng pagtaas ng timbang at pagbigat ng katawan. Bukod pa dito, ang mga protein rich foods ay mayroong kakayahan na makatulong sa metabolic process ng katawan at dinadagdagan din nito ang muscle mass. Ito ay ang pangunahing dahilan kung bakit sadyang nakakatulong ito para sa mga taong may kagustuhan na mabawasan ang kanilang timbang at magkaroon ng magandang pangangatawan.

Ito rin ay nagtataglay ng calcium na siyang makukuha mula sa kanilang shell o kabibi. Mayroong ilang bilang ng mga pananaliksik at pagaaral na siyang nakatuklas na ang oyster shell supplement ay mas mabisa upang malabanan ang osteoporosis kaysa sa paggamit ng calcium carbonate supplements. Kinakailangan mo lamang ng isang table (1) ng oyster shell supplement sa isang araw.

Narito ang mga paraan kung papaano kakainin ang talaba:

Mayroong iba’t ibang klase ng mga pamamaraan upang makain mo ang talaba. Maari mo itong kainin ng hilaw o habang ito ay sariwa pa at kakagaling lamang sa dagat. Sa isang Chinese cuisine, mayroong silang tinatawag na dried oyster. Mayroon ding ilang gumagawa ng smoked oysters sa loob ng kanilang bahay o bumibili lamang ng ganito sa mga tindahan. Sa kabilang banda, ang mga nabibilang smoked oysters ay napagalaman na hindi mabuti para sa kalusugan ng tao dahil ginagamitan ito ng mga preservatives. Kaparehas lamang ito ng mga canned oysters na siyang nagtataglay ng mataas na antas ng sodium kaya wala pa ring tatalo sa mga health benefits na siyang makukuha mula sa hilaw na mga oysters.

Kung ikaw naman ay kakain ng hilaw na talaba, nararapat lamang na tiyakin mo na malinis ang mga ito at talagang ligtas kainin. Kinakailangan mong itong gawin dahil sa polusyon sa tubig na madalas na nagiging dahilan kung bakit nagiging kontaminado at delikado kainin at upang maiwasan na rin ang shellfish poisoning. Maliban sa mga pollutants na kagaya na lamang ng lead, ang talaba rin ay maaring pamahayan ng napakaraming uri at bilang ng mga bacteira na siyang nakakasama para sa kalusugan ng tao kapag ito ay nakain. Kung kinain moa ng talaba ng hilaw at ikaw ay biglaang nahilo, nagkaroon ng diarrhea at stomach cramps ay maaring may norovirus ang nakain mong talaba. Kaya nararapat lamang talaga na linisan mo ito ng mabuti at kung maari ay lutuin ng maayos.

Narito ang ilang tips upang maiwasan ang mga contaminated oysters:

  • Siguraduhin na lubos na nakasarado ang oyster shells na iyong binili. Iwasan ang pagbili ng mga nakabukas na kahit kakaunti na oyster shells.
  • Sa kabaligtaran, itapon ang hindi bumubukas ang shells habang niluluto ito.
  • Pakuluan ng hindi kukulang sa limang minute upang makasigurao na malinis ang mga ito at patay ang lahat ng mga bacteria na siyang naninirahan dito.
  • Iwasan ang cross-contamination sa paghiwalay sa mga luto na talaba at sa mga hilaw.

You may also like...