7 Nakakagulat na benepisyo ng purtas na longan sa ating katawan

Ang longan ay isang tropical berry na siyang related sa prutas na lychee. Ito ay mayroong kakayahan na palakasin ang buto sa pamamagitan ng pagiistimulate ng osteoblasts na kilala bilang cells na siyang gumagawa ng buto. Ito rin ay nagtataglay ng malakas na anti-inflammatory at anti-oxidative properties na nakatutulong sa paglaban sa mga malalang sakit at kahit pa ang neurodegenerative na kondisyon. Ang longan ay isang antimicrobial at anti-fungal na epektibo sa paglaba sa staph infection, MRSA at candida. Bukod pa riyan, ang prutas na ito ay maaaring makapagbigay ng enerhiya sa pamamagitan ng pagbawas sa antas ng waste products sa katawan.

Sa Chinese, ang longan ay isinalin sa tawag na “dragon eye.” Hindi mo rin kailangang magaalala dahil hindi mapanganib ang pagkain na ito. Ang tropical fruit na ito ay isang uri ng soapberry na kamukha ng lychee. Ito ay nagmula pa sa South Asia kaya marami kang makikitang ganito sa mga Asian groceries.

Ang longan ay matagal ng ginagamit ng mga Tsino bilang gamot. Ang laman lamang nito ang maaaring kainin, at ang balat at buto naman nito ay maaari mo nang itapon agad. Gayunpaman, napagalaman na ang buto at bulaklak nito ay mayroon ding mga potential para sa kalusugan ng tao. Upang malaman kung paano ka matutulungan ng prutas na ito, ibabahagi naming sa inyo ang pitong health benefits na maaari ninyong makuha mula sa pagkain ng longan.

Narito ang health benefits ng Longan:

  • Ito ay nakatutulong sa pagpapatibay ng mga buto

Kung gusto mong magkaroon ng malusog na buto, huwag lamang calcium at vitamin D ang hanapin mo. Ang longan fruit extract ay mayroong kakayahan na iactivate ang osteoblasts, ang cells na siyang gumagawa ng buto. Ito ay nagiging possible dahil pinapalaki at pinaparami nito ang mga pamamaraan upang maistimulate ang osteoblasts. Ang benepisyo na ito na makukuha sa longan ay nakatutulong para sa mga menopausal at matatandang babae na mayroong malaking tyansa na magkaroon ng bone loss at osteoporosis.

  • Ito ay maaaring gamitin upang labanan ang inflammation o pamamaga

 Mula sa pagkakaroon ng asthma at arthritis, ang pamamaga o inflammation ay maaaring makapagdulot ng napakaraming bilang ng mga malalala at paulit ulit na mga sakit at karamdaman. Ilang problema sa kalusugan ay maaari ring atakihin ang immune system ng isang tao. Maaari namang makatulong ang mga prescripted na gamot upang mabawasan at makontrol ang mga sintomas, ngunit ang longan ay maaaring gamitin bilang isang natural na gamot para rito. Ayon sa Journal of Ethnopharmacology, ang bulaklak, buto at maging ang prutas nito ay mayroong malakas na anti-inflammatory properties.

Ito ay dahil sa antioxidant na phenol at flavonoid na taglay ng longan. Ang mag compounds na ito ang siyang nagaactivate sa NF-Kb, isang uri ng protein complex sa loob ng cell na siyang responsible sa survival ng tao. Pinangangalagaan din nito ang cellular response ng tao sa parehong stress at inflammation. Sa tulong ng longan, maaaring gumana ng maayos ang NF-kb.

  • Ito ay makatutulong sa pagpigil sa cell damage na dulot ng free radicals

Ang benepisyo na maaaring makuha mula sa longan ay kasama ang anti-oxidative abilities nito. Dahil ito ay mayaman sa parehong flavonoids at tannins, ang prutas na ito ay mayroong kakayahan na protektahan ang mga cells mula sa damage na dulot ng free radicals. Ang mga compounds na ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang inflammation o pamamaga at ang huling proseso na kailangan para sa oxidative stress, sinasabi na ang katawan ng tao ay nakakaranas ng oxidative stress kapag hindi nila magawang makasabay sa cell damage na siyang dulot ng free radicals. Bukod pa riyan, katulad ng iba pang mga prutas, ang longan ay mayaman sa vitamin C na siyang makatutulong ng higit sa pagpapalakas ng immune system upang labanan ang mga free radicals na ito.

  • Ito ay may kakayahan na labanan ang mga bacteria

Kahit pa ang buto na taglay ng prutas na ito ay mayroong benepisyo na makakatulong upang magkaroon ng maganda at malusog na kalusugan ang isang tao. Ang extracts mula sa buto nito ay napagalamanan na mayroong kakayahan na labanan ang mga bacteria kagaya ng Staphylococcus aureus na siyang dahilan sa pagkakaroon ng staph infection. Maaari ring itong maging isang gamot laban sa Methicillin-resistant Staphylococcus aureus o MRSA. Ang uri ng bacteria na ito ay sobrang lakas na hindi magagawang magamot ng antibiotic methicillin ngunit sa tulong ng longan seed extract, ito ay maaaring malunasan.

Dahil sa antimicrobial properties na taglay ng longan, maaari itong magamit para sa mga minor infections katulad na lamang nga acne na siyang dulot ng bacteria na Propionibacterium acnes.

  • Ito ay nakatutulong na labanan ang fungal infections

Bilang prutas, ang longan ay punong puno ng mga natural na chemical compounds na kilala bilang polyphenols. Ang substances na ito ay mayroong kakayahan na labanan ang Candida species at Cryptococcus neoformas na isang uri ng fungi. Ang prutas na ito ay epektibo para sa yeast infection at maaaring gamitin bilang gamot laban sa fungi. Sa kabilang banda, maaari ring pigilan ng longan seed extract ang fungal activity. Ito ay mas mabisa at gumagana kapag idinagdag sa oral care products kagaya na lamang ng mouthwash.

  • Ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng brain function

Salamat sa antioxidant properties na mayroon ang longan na siyang makatutulong para sa kalusugan ng utak. Ang Journal of Agricultural and Food Chemistry ay nadiskubre na ang longan flower extract ay mayroong kakayahan na protektahan ang utak laban sa oxidative stress na siyang makapipigil sa neurodegenerative or nerve wasting disease. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Parkinson’s at Alzheimer’s disease. Bukod pa riyan, ang pinakamahala dito ay nagagawang maproteksyunan ng prutas na ito ang buong nervous system.

  • Ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng enerhiya 

Bukod sa nutritional benefits na mayroon ito, maaari ka ring gisingin sa katotohan ng longan. Ang pagkapagod mula sa sobrang paggalaw na siyang nangyayari ng dahil sa pagbubuo ng waste products ay tinatawag na urea nitrogen na nagmula sa atay at lactic acid na nagmula naman sa mga kalamnan o muslces. Ang longan ay mayroong koneksyon sa pagpapababa ng antas ng dalawang ito. Bilang resulta, mababawasan ang iyong madalas na pagkapagod at magkakaroon ka ng natural na enerhiya ng hindi kumakain ng kahit na anong caffeine.

Ligtas ba ang longan para sa mga buntis na kababaihan?

Para sa ibang kultura kagaya ng Hong Kong, sila ay naniniwala na ang longan ay isang “wet-hot” na prutas na siyang naglalabas ng “poisonous energy” na nakapagdudulot ng allergy at skin eruption para sa mga sanggol at dapat talagang iwasan. Sa kabilang banda, ang iba naman ay naniniwala na ito ay isang heat-producing food na maaaring mapalubha ang kondisyon ng constipation sa mga buntis at maaari pang maging dahilan ng pagdudugo. Ngunit kung wala namang ka namang tyansa ng pagkakaroon ng constipation, hindi naman ito magiging manganib kapag kinain sa tamang dami. Gayunpaman, mas magiging maayos kung ikaw muna ay kokonsulta sa iyong doktor bago simulan ang pagkonsumo dito.

Ang longan ay isang prutas na maaaring mabili at makain sa fresh at dried na anyo. Maaari mo rin silang makita sa anyo ng tsaa na siyang gawa sa dried longan. Ang ilang health food stores ay kadalasan ding nagebebenta ng mga extracts mula sa bulaklak o buto nito.

You may also like...