7 Nakakamanghang benepisyo ng Ice cream sa katawan natin na hindi natin alam

Panahon na naman ng tag-init at sa pagkakataong ito ay mga paraan kung saan makakaramdam ng lamig ang mga tao ang pinaka-hinahanap. Gusto natin na mapreskohan an gating pakiramdam kaya naman may mga ginagawa tayong mga actibidad para dito. May ilan na pumupunta sa mga malalamig na lugar, ang iba naman ay pumupunta sa mga resort at dagat upng mag-swimming, mayroon ding mga pumapasyal sa airconditioned na mga mall para lang sila aymakatakas sa init ng panahon. At siyempre, hindi mawawala ang pagkain ng mga malalamig na pagkain kagaya ng halo halo at ice cream.

Marami ang mahilig sa ice cream, lalo na ang mga bata. Bakit naman hindi? Masarap ito at may iba iba pang lasa dahil samu’t sari ang mga flavour na pwedeng pagpilian. Ngunit minsan kung nasosobrahan sa ice cream ay inuubo okaya sinisipon tayo kaya dapat ay nababantayan ang pagkain natin ng ice cream. Subalit, alam niyo ba na hindi lamang lamig, ubo, o sipon ang pwedeng ibigay ng ice cream? Mayroon din itong magagandang benepisyo na tiyak na gugustuhin ninyo. Sa artikulong ito ay ipapaliwanag naming sa inyo kung ano ano ang magandang maidudulot ng pagkain ng ice cream.

  1. Bitamina at Mineral. Ang ice cream ay nagtataglay ng maraming bitamina at mineral na kailangan ng katawan upang malabanan ang iba;t ibang mga karamdaman. Kung ikaw ay kakain nito ay tiyak na hindi ka lamang masasarapan kundi makikinabang din sa mga taglat nitong Bitamina A, B6, B12, C, D, at E. Bukod dito ay may maliit na bahagi ng Bitamina K din na taglay ang ice cream na mabuti sa ating dugo at pumipigil sa pormasyon ng mga blood clot. Mayroon din itong calcium at phosphorus kaya naman totoong masustansya ang pagkaing ito.
  2. Pampalakas ng Resistensya. Bukod sa mga mineral at nutrients na nabanggit na, ang ice cream din ay may taglay na cytokines at lactoferrin na kailangan ng katawan upang lumakas ang resistensya. Ang malakas na resistensya ay nangangahulugan na ang katawan ay malayo sa mga sakit na dulot ng mga virus at bacteria. Halimbawa ng mga ito ay ang HIV virus, na kapag hindi naagapan ay maaaring mauwi sa AIDS, at Influenza virus. Ang mga sakit na ito ay mahirap lunasan kaya naman mas mabuting mag-ingat sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga pangontrang pagkain.
  3. Para sa Gustong Mabuntis. Para sa mga babae na hirap mabuntis, makakatulong sa iyo ang pagkain ng ice cream. Napatunayan na kasi mula sa mga pag-aaral na ang pagkain ng ice cream,  o anomang produkto ng gatas na mayroon fat ay makakatulong upang tumaas ang tyansa ng pagbubuntis ng isang babae. Ito ay pinatunayan nan g mga eksperto mula sa Harvard School of Public Health sa Boston kaya naman siguradong ito ay nakabatay sa mga pananaliksik.
  4. Paglaki ng Fetua. Napatunayan din sa mga isinagawang pag-aaral na ang pagkain ng ice cream ay may malaking maitutulong din sa paglaki ng detus sa sinapupunan ng isang ina. Kung an gang isang buntis ay kakain ng ice cream, tiyak na matutulungan niya ang kaniyang anak na maka-develop ng malalakas at malulusog na mga buto. Sa normal na pagkakatao ay may limitado lamang sa mga sustansyang nakukuha ng fetus mula sa kinakain ng kaniyang ina ang kaniyang magiging development. Subalit, kung dadagdagan ito ng pagkain ng ice cream ay tiyak na magiging healthy ang mga buto ni baby.
  5. Pang-tanggal ng Stress. Kapag ang isang tao ay stressed na stressed na mula sa mga problema at isipin sa buhay, o kaya naman sa napakaraming gawain sa trabaho at paaralan, madalas ay naghahanap siya ng comfort food para gumanda ang kaniyang mood. Isa sa mga kadalasang kinakain ng tao sa mga pagkakataong ganito ay ang ice cream, at pagkatapos ay tila refreshed na ulit tayo at handa na muling sumabak sa buhay. Ito ay dahil ang ice cream ay humihikayat sa pormasyon ng “thrombotonin hormone” sa ating katawan na siyang nakaaapekto sa ating mood, Ito ang dahilan kung bakit pagkakain natin ng ice cream ay tila masaya at recharged.
  6. Pampataas ng Libido. Para sa mga mag-asawa, minsan ay nagiging problema kung walang gana sa pakikipagtalik si mister o si misis. May mga pagkakataon na ito pa ang nagiging sanhi ng kanilang malaking pagtatalo. Para masolusyunan ito, makatutulong kung sila ay kakain ng ice cream upang makaramdam ng “excitement” sa activity na ito ng mag-asawa. Kung bakit nangyayari ito ay dahil sa taglay na calcium at phosphorus ng ice cream na nagbibigay ng enerhiya sa mga muscles. Kung sa disors ng gabi ay buhay na buhay ang iyong katawan at punong puno ng energy, isang paraan upang gamitin ito ay ang pakikipagtalik sa kapareha.
  7. Nakakabuti ito sa Utak. Marami nang mga isinagawang pag-aaral upang alamin kung ano ano ba ang mga mabuting maidudulot ng ice cream sa kalusugan ng tao. Isang pag-aaral mula sa Institute of Psychiatry of London ang nagpatunay na may magandang benepisyo ang pagkain ng ice cream sa ilang bahagi ng utak ng tao. Isa na dito ang magandang epekto nito sa “orbitofrontal cortex”, ang bahagi n gating brain na responsible sa pag-aanalyze. Kung napapatalas nito ang kakayahan ng tao na mag-isip at mag-analyze ay mas napapaunlad din ang critical thinking ng isang tao kaya naman siya ay mas nakauunawa ng higit sa kung anong ipinahihiwatig ng isang bagay o pangungusap sa unang tingin.

Ilan lamang ang mga ito sa mga napatunayan nang benepisyo ng ice cream. Isipin mo iyon, ang inaakala nating dessert na para lang aliwin ang ating sweet tooth, o kaya naman bigyan tayo ng malamig na pakiramdam ay hindi lang basta para sa mga ito. Mayroon ding taglay na mga benepisyong medikal ang ice cream na gugustuhin nating pakinabangan. Subalit, alalahanin na dapat ay maghinay hinay pa rin sa pagkain ng ice cream dahil kahit na anong sobra ay makasasama sa katawan. Ang reguladong pagkain ng ice cream ay siyang magbibigay sa atin ng mga benepisyo, at hindi ng sakit ng ngipin.

You may also like...