8 gamot na nakakasira sa ating mga kidney na kailangan nyong malaman

Sa panahon ngayon, talagang mahirap nang iwakan ang pagkakasakit kahit gaano pa ang pag-iingat mo sa iyong kalusugan. Minsan kahit palagi ka namang nageehersisyo, hindi ka naman umiinom o naninigarilyo, at puro masusustansyang pagkain ang kinakain mo, tatamaan at tatamaan ka pa rin talaga kahit simpleng lagnat lang. Sa mga ganitong pagkakataon, karaniwang ginagawa ng tao ay magpatingin sa doktor upang maibsan ang kanilang nararamdaman. Kumukonsulta sila sa mga propesyunal sa larangan ng medisina upang mabigyan sila ng gamot para sila ay gumaling.

Pagkatapos magpa-check up, karaniwan ay nireresetahan tayo ng doktor ng gamit na angkop sa ating kondisyon. Ang mga prescribed medicine ay talaga namang nakakatulong upang mapagaan ang ating nararamdaman, lalo na kapag sinusunod natin ang sinabi ng doktor kung ilang beses natin itong iinumin at tuwing anong oras. Mas epektibo ito sa ganitong paraan. Kapag uminom ka ng gamot, lalo na kung hindi naman ganun kalala ang iyong sakit, madalas ay gumagaling ka kaagad pagkalipas ng isa hanggang tatlong araw. Minsan nga kapag nilalagnat ka at uminom ka ng gamot sa umaga, pagsapit ng gabi ay mas bumuti na ang iyong pakiramdam. Totoong nangyayari ito. Isa itong patunay na talagang napakahalaga ng gamot sa panahong ito.

May mga tao naman na umiinom ng gamot bilang kanila nang maintenance o gamot na kailangan nilang inumin s amatagal na panahon. Kadalasan ay mga taong may edad na ang may kailangan dito. Sila kasi yung kadalasang mayroon karamdaman na hindi na gagaling kaya kailangan na nila ng maintenance na tutulong sa kanila upang hindi na lamang lumala ang kanilang kondisyon.

Mayroon din namang mga gamot na iniinom upang palakasin ang kalusugan ng isang tao. Tinatawag ang mga ito na vitamins at mga supplements. Kadalasan naman ay mga bata ang umiinom nito. Bakit? Kasi mahihina pa ang resistensya o immune system nila kaya kailangan pa nila ng mga gamot na ito upang mapatatag ang kanilang katawan at makaiwas sa mga karamdaman. Maliban sa mga bata, may ibang mga tao rin na umiinom pa rin ng vitamins kahit sa kanilang paglaki.

Ano man ang dahilan ng tao sa kaniyang pag-inom ng gamot ay isa lang ang ating masasabi. Talagang parte na ng buhay ng tao ang pag-inom ng gamot. Ano’t ano man ang mangyari ay imposible nang maalis ito sa buhay ng tao. Lalo na kung mabuti naman ang naidudulot nito sa atin, walang masama kung palagi natin itong gagamitin. Subalit, alam niyo ba na kahit mga gamot ay maaari pa ring makasama sa atin? Oo, tama ang inyong nabasa. Kahit ang mga gamot na inimbento upang pagalingin ang karamdaman ng taoay posibleng maging dahilan ng pagkakasakit nito. Paano ito pwedeng mangyari? Heto at alamin pa natin.

Ang mga gamot ay may kaniya kaniyang gamit depende sa kung anong sakit ang ang kaya nitong gamutin. Subalit, hindi porket alam mo na kung para saan ang isang gamot ay pwede mo na itong inumin nang hindi man lang sumasangguni sa doktor. Ito kasi ay isang pangkaraniwan, ngunit maling gawain ng maraming tao. Nagtitiwala sila sa kanilang sariling pasyaat hindi na humihingi ng tulong sa mga eksperto sa larangang ito. Bakit ito masama? Dahil hindi naman lahat ng gamot ay pwede sa isang tao. May iba;t ibang mga kemikal itong taglay na baka pwedeng makasama sa isang tao kung basta basta na lamang siya iinom ng gamot. Baka allergic siya sa isang compound, o kaya naman baka immune siya dito kaya kahit anong inomng gamot ay hindi ito tumatalab. Posible itong mangyari.

Maraming pwedeng mangyari kung basta basta ka na lamang iinom ng gamot ng walang reseta ng doktor. maaaring mapinsala nito ang iyong kalusugan. Halimbawa na lamang ay ang pagkasira ng mga kidney o bato ng tao. Ang mga kidney mga body organ ng tao na may tungkuling alisin ang mga toxins mula sakatawan sa pamamagitan ng urination o pag-ihi. Mahalaga ang mga ito dahil kung wala sila ay mapupuno ng dumi ang katawan na magiging sanhi ng paghina ng kalusugan nito. At sa pinakamalalang sitwasyon, pagkamatay. Ang mga kidney ay ilan lamang sa mga body organ na direktang maapektuhan kung iaasa mo sa iyong sarili lamang ang pag-inom ng gamot.

Upang maiwasan nating makagawa ng pagkakamali na tiyak nating pagsisisihan, naririto ang ilan sa mga gamot na hindi dapat inumin ng walang reseta ng doktor upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa bato. Narito at ituloy mo lamang ang pagbasa upang ikaw ay mabigyan ng karunungan.

  1. ACE Inhibitors. Siguro ay maraming nakakakilala sa mga gamot na ito, lalo yung mga taong may sakit sa puso. Ang ACE Inhibitor kasi ay mga gamot na ginagamit ng mga may alta-presyon o hypertension at iba pang mga komplikasyon sa puso nakaugnay nito. Halimbawa na nito ay ang Lisinopril at Ramipril. Sa pag-inom ng mga ito, kailangan ay may pahintulot ng doktor, dahil kung hindi ay maaari itong makaapekto sa iyong kidney. Lalong dapat mag-ingat ang mga dehydrated o kulang ng fluids sa katawan, dapat ay hindi rin sila uminom ng mga ganitong gamot kapag sila ay nasa ganoong kondisyon.
  2. Analgesics. Ang mga gamot naman na ito ay karaniwang ginagamit para sa mga karaniwang nararamdaman ng tao gaya na lamang ng lagnat, menstrual pain, at arthritis. Popular na panlunas dito ang advil at ibuprofen, at iba pang mga nonsteirodal anti-inflammatory drugs o NSAIDs. Subalit, dapat ay siguraduhing may reseta pa rin ng doktor bago inumin ang mga ito dahil baka makaranas ka ng komplikasyon at mapigilan ang mga dugong dumadaloy sa iyong mga bato o kidney.
  3. Diuretics. Kilala ang mga diuretics bilang mga gamot na may kakayahang alisin ang mga toxins sa katawan, pati na rin ang pagsasala ng mga body fluids upang maalis ang mga sobrang sodium at water na maaaring makasama sa kalusugan. Inirerekomenda din ang mga gamot na ito sa mga may karamdaman sa puso at hypertension. Ngunit, kailngan pa rin na maging maingat sa pag-inom ng mga gamot naito dahil nadidisturba nito ang natural na proseso na ginagawa ng kidney upang alisin ang mga toxins sa katawan.
  4. Antibiotics. Ang mga ganitong gamot ay ginagamit bilang pamuksa ng mga maliliit na organismong sumisira sa kalusugan ng tao. Halimbawa nito ay ang neomycin, tobramycin, at streptomycin. Bagamat mabuti ang layunin nila, posible pa rin nilang mapinsala ang mga kidney sa pamamagitan ng pagbuo ng isang uring ng sakit sa bato na tinatawag na nephrotoxicity. Kaya naman, dapat ay resitado ito ng doktor bago mo ito inumin.
  5. Jardiance. Kidney failure naman ang iyong aabutin kung basta basta ka na lamang iinom ng mga ganitong gamot. Ang jardiance ay mga uri ng gamot na karaniwang inirereseta sa mga pasyenteng may diabetes. Mabingat na karamdaman na nga ang diabetes, huwag na sanang dagdagan pa ng kidney failure dahil lang nagkamali ka ng pag-inom ng gamot.

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, dapat ding mag-ingat sa pag-inom ng mga gamot para sa high blood pressure tulad na lamang catopril, infliximab, at phenytoin.  Huwag kang magdesisyon sa iyong sarili na uminom ng isang gamot lalo na kung hindi ka sigurado. Kung may nararamdaman ay magpatingin kaagad sa doktor. Tandaan na bawat sakit ay may angkop na gamot, kapag nagkamali ka ng inom ay baka mas madoble pa ang sakit na iyong nararamdaman. Manghingi ng reseta mula sa doktor upang tiyak na mapangalagaan ang iyong kalusugan.

You may also like...