8 Health benefits ng pagkain ng banana flower na hindi alam ng karamihan

Lingid sa kaalaman ng nakararami na halos ang lahat ng parte o bahagi ng puno ng saging ay nagtataglay ng mga mabubuting benepisyo at pakinabang taliwas sa kaalaman ng iba patungkol dito.

Sa katunayan, ang bulalak ng saging ay kilala dahil sa napakaraming kagamitan nito pagdating sa larangan ng medisina at maari rin itong isama sa iba’t ibang klase ng mga lutuin at maari itong kainin. Sa kabilang banda, starchy at mapait ang lasa na taglay nito ngunit kapalit naman nito ang mayamang antas ng Vitamin C at A na siyang makakatulong upang maibsan at mabawasan ang ilang uri ng sakit sa katawan.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga health benefits na inyong makukuha mula sa pagkonsumo ng banana flower. Bukod pa riyan, amin ding ibabahagi kung paano ito mas magandang kainin upang mas maging epektibo ang pagkonsumo dito at makamtam ang mga natural na bitamina na taglay nito.

Narito ang mga health benefits ng banana flower:

  • Ito ay mayroong kakayahan na bawasan ang hypertension

Ang mga bulaklak na siyang mayroon ang saging ay kilala dahil ito ay mayaman sa tannins, acids, flavonoids at iba pang mga uri ng antioxidants na siyang sinasabing mabisa na panlaban sa mga free radicals at upang maayos ang mga pagkasira na siyang resulta ng oxidative language na maaring magdulot ng kanser at ilang uri ng sakit sa puso nang hindi inaasahan. Ang pagkonsumo ng bulaklak na nagmula sa saging ay maari ring makapagbigay ng tulong upang madepensahan ang kalusugan ng puso ng tao at upang maiwasan din ang sobrang taas ng blood pressure o mas kilala bilang hypertension sa ingles.

  • Ito ay nakakapagpalakas ng uterus

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, nakakatulong ang bulaklak ng saging upang maiwasan ang mga problema na siyang konektado sa uterus ng tao. Upang mas mapasigla lalo ang uterus, ang mga bulaklak ng saging ay maaring dagdagan o haluan ng turmeric powder, peppercorns at cumin seeds. Ang kinakailangan lamang na gawin ay pakuluan ang mga bulaklak na mayroong kakaunting dami ng peppercorns at cumin seeds, mahigit ¼ na kutsara ng turmeric at maging ½ ng asin ay maari ring ihalo rito. Hindi mo mamalayan na maalis lahat ng sakit o ano mang uri ng problema sa uterus sa tuwing iniinom mo ito.

  • Ito ay nakakatulong sa mabuting paggana ng mga bato o kidneys

Ang bulaklak ng saging ay kilala mula pa noong unang panahon bilang isang epektibong panlunas sa mga sakit na mayroong kaugnayan sa bato o para sa mga kidney stones. Maari mo lamang lutuin ang mga bulaklak na ito kasama na rin ang tangkay nito bilang pagkain katulad na lamang ng sopas at kainin mo ito sa loob ng dalawang linggo upang makita agad ang magandang epekto. Ito ay lubos na makakatulong upang matunaw ang mga kidney stones. Maari mo ring kainin ang mga bulaklak bilang isang preventive method o para sa iba pang uri ng mga sakit na mayroong kaugnayan sa bato at maging sa pag-ihi.

  • Ito ay may kakayahan na labanan ang anemia at diabetes

Ang mga pasyente na siyang mayroong sakit na diabetes ay nirerekomenda na kumain ng bulaklak ng saging na siyang pinakuluan o maging ang hilaw na anyo nito upang mas mapababa ang antas ng blood sugar at maitaas naman ang antas ng hemoglobin sa loob ng katawan. Ito ay kilala dahil sa mayamang amount ng fiber at iron na taglay nito na siyang nakakatulong upang mas mapabuti ang produksyon ng red blood cells. Maari ninyong lutuin ang bulaklak ng saging kasama ang turmeric powder upang matulungan kayong malabanan ang anemia at maging ang diabetes.

  • Ito ay maaring makatulong sa pagkontrol ng menstrual cycle

Ang remedy na siyang gawa sa bulaklak ng saging ay kilala na mabisa para sa menstrual cramps na nararanasan ng mga kababaihan. Ito rin ay maaring gamitin bilang panlunas sa sobrang dami na daloy ng regla. Ang pagkonsumo ng niluto na bulaklak ng saging na mayroong kasama na isang tasa ng curd ay mayroong kakayahan upang mapataas ang produksyon ng progesterone na siyang makakatulong ng lubos sa pagkontrol ng sobrang pagdurugo tuwing ikaw ay mayroong regla.

  • Ito ay nakakabuti para sa lactation

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, ang bulaklak ng saging ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng benepisyo, lalong lalo na sa mga kababaihan, partikular na sa mga buntis at mga batang ina. Ito ay mayroong kakayahan na mapanatili ang mabuting kalusugan ng uterus at maging lunasan ang sobrang pagdurugo na nararanasan tuwing menstrual cycle. Nakakadagda din ito sa supply ng gatas sa suso ng mga nanay na nagpapadede. Sa panahon naman ng pagbubuntis, ito ay maaring gamiting bilang panlunas sa constipation.

  • Ito ay maaring gamitin bilang panlunas sa problema sa tiyan 

Nakakatulong din ito para sa mga problema na mayroong kaugnayan sa sikmura katulad na lamang ng ulcer dahil ito ay mayroong kakayahan na mabalanse ang gastric juices at mabawasan ang iritasyon na nararamdaman ng tiyan na siyang nangyayari dahil sa ulcer. Para naman sa mga tao na constipated, ang sopas na siyang gawa mula sa bulaklak ng saging ay maaring magamit bilang natural na laxative. Magagawan din nito ng lunas ang paglobo na siyang nararanasan ng tiyan sa pamamagitan ng madalas at palagiang pagkonsumo nito.

Dapat tandaan: Kinakailangan muna na magpakonsulta sa doktor bago kainin ang kahit na anong natural na bagay na iyong natututunan mula sa internet. Magpakonsulta kung maari mo ba itong subukan dahil depende ito sa iyong sitwasyon. Mas mabuti na mas maging maingat bago sumubok ng kahit na anong bagay.

Paano mo ito gagawin?

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang makagawa ng isang resipe mula sa bulaklak ng saging. Kinakailangan mo lamang na maglagay ng mahigit kumulang dalawang (2) kutsara ng mantika at ilang mustard seeds sa isang kawali at hayaan mo itong uminit.

Pagkatapos ay idagdag mo rito ang sliced onions at maging ang green chilies, iprito moa ng mga ito at ilagay mo na ang bulaklak ng saging. Pagkatapos ay ilagay mo na rin ang turmeric, curry leaves, asin, coriander at kakaunting amount ng tubig. Takpan mo muna ang kawali at hayaan mo ito hanggang sa kumulo sa loob ng ilang minuto. Sa huli, idagdag mo ang dinurog na laman ng niyog at haluin mo ang lahat ng sangkap ng mabuti.

Pagkalipas ng ilang minuto ay maari mo ng kainin ito. Magugulat ka na lamang sa epekto na idudulot nito sa paglipas ng panahon.

You may also like...