8 Natrual na panlunas para maalis ang uric acid cystal sa ating kasukasuan

Sa ating pagtanda ay makakaranas tayo ng iba’t ibang pagbabago sa aspetong pisikal. Kukulubot ang ating balat, puputi na ang mga buhok, lalabo na ang mga mata, hihina ang pandinig, at magkakaroon ng iba’t ibang karamdaman. Ang mga ito ay bunga ng panghihina ng ating katawan dahil sa tayo ay nagkaka-edad na kaya hindi ito dapat katakutan at takasan. Ang tanging magagawa lamang natin ay alagaan ng mabuti ang ating sarili habang tayo ay bata upang malusog tayo pagdating ng panahon at hindi tayo pahirapan masyado ng mga “signs of aging” na ito.

Pagdating din ng araw ay mahihirapan na rin tayo sa pag-akyat at pagbaba ng hagdan, at iba pang gawaing pisikal dahil hihina na rin ang ating mga buto. Magsasakitan na an gating mga kasukasuan at baka nga magkaroon pa tayo ng mga sakit sa buto tulad ng arthritis at osteoporosis. Ganyan talaga kapag nagkaka-edad na, hindi maiiwasan ang mga bagay na ito. Subalit, sa panahon ngayon ay hindi na lamang sina lolo at lola ang nakakaranas ng pananakit ng kasukasuan. Pabata na ng pabata ang nakakaranas nito, katunayan na marami ang walang “healthy lifestyle”. Baka nga naranasan mo na ito, yung minsang naglalakad ka lang at pagkatapos ay bigla na lang manghina ang ating mga tuhod.

Dahil nga hindi naman normal sa mga taong nasa edad 20-40 ang pananakit ng mga buto, ay talagang nakababahala ang bagay na ito. Isa itong repleksyon sa kung ano ang lifestyle ng mga tao sa panahon ngayon. Karaniwang tinatamaan ng kondisyon na ito ay ang mga mahihina ang immune system. Bakit ba humihina ang immune system ng isang tao? Dahil iyan sa hindi rin niya pangangalaga sa kaniyang sarili. Baka hindi masusustansya ang kaniyang kinakain, baka hindi siya kumikilos ng aktibo parati o nag-eehersisyo kahit paminsan minsan.

Kapag ganito ay hindi malayong makaranas nga ng pananakit ng kasukasuan ang isang tao. Ngunit hindi ito arthritis o osteoporosis na karaniwang nararanasan ng mga matatanda, ang kondisyong ito ay tinatawag na “gout”. Para rin itong rayuma subalit hindi ito bunga ng pagtanda kundi ng purines. Ang purines ay natural na mayroon sa loob ng ating katawan ngunit mayroon din sa mga hindi masusustansyang pagkain. Kapag sumobra ang purine sa katawan dahil sa pagkonsumo sa mga pagkaing ito ay maaaring makabuo ng mga uric acids, at bumara sa pagitan ng mga buto o sa mga joints. Ito ang dahilan kung bakit ka nakakaranas ng pananakit sa bahaging iyon ng katawan.

Kaya naman kung gusto mong makaiwas sa maagang pananakit ng mga buto at kasukasuan, ay siguraduhing iregula ang pagkonsumo ng mga pagkaing may mataas na level ng purines. Kapag ipinagwalang-bahala mo ito ay malaki ang magiging singil sa iyong kalusugan dahil ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng idney stones ang isang tao. Bukod sa gout ay maaari pang mapinsala ang iyong mga kidney kung hindi ka mag-iingat. Sa artikulong itoay ituturo naming sa inyo kung ano ano ba ang mga pagkain at inumin na dapat ninyong iwasan upang hindi niyo sapitin ang mga kondisyong ito, maging ang lunas na makakataulong sa iyo sa paggamot dito. Ituloy mo lamang ang pagbasa at alamin kung ano ang mga ito.

Una sa lahat ay dapat kang umiwas sa mga processed foods na ginamitan ng maraming preservatives, samakatuwid ng sodium o salt. Alam naman natin na ang sobra sobrang sodium sa katawan ay masama sa ating kidney at makababara sa urinary tract. Kapag nangyari ito, bunga ng mga nabuong kidney stones, ay magiging masakit o mahapdi ang urination process mo. Bukod pa riyan, alam mo ba na ang sodium ay mataas rin sa purine content? Kaya rin nitong palakasin ang produksyon ng purine sa katawan. Kung magkagayon ay hindi ka na dapat pang magtaka kung bakit tila nahihirapan kang kumilos o lumakad dahil sa pananakit ng mga kasukasuan.

Maliban dito, dapat din ninyong tandaan na ang pag-inom ng tubig ay napakahalaga upang maiwasan ang gout. Kapag palagi kang umiinom ng tubig ay may posibilidad na matunaw ang mga uric acid at mailabas ito sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Kung minsan ay nagsawa ka na sa tubig ay pwede kang uminom ng mga juice mula sa mgacitrus fruits tulad ng orange, lemon, kiwi, atbp. Mabisa silang pamalit sa tubig at masustansya pa, hindi kagaya ng mga carbonated drinks na masama sa kalusugan. Ugaliin ang pag-inom ng mga nabanggit at palaging maging “hydrated”.

Marami pang paraan upang maalis ang sobrang purine sa katawan maliban sa palaging pag-inom ng tubig. Isa na diyan ay ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pagkakaroon ng healthy lifestyle. Halimbawa na lamang, maglagay ka ng mga gulay sa iyong ulam sa tanghalian, o kaya naman ay kumain ng prutas pagkatapos. Sabi nga nila, “an apple a day keeps sa doctor away”. Ang pagkain ng prutas ay malaki ang maitutulong upang panatilihin kang malusig. Dapat ay masanay ka rin na nag-eehersisyo kahit ilang minuto lang paggising mo sa umaga. Malaki rin ang maitutulong kung gagawin mong aktibo ang iyong katawan.

Mayroon ding mga resipe na maaari ninyong subukan upang gumawa ng mga panlaban sa gout. Una, pwede kayong magpakulo ng kalahating sibuyas, 50 gramong repolyo, at tatlong string ng parsley sa isang kalderong tubig. Matapos ang labinlimang (15) minute ay palamigin ito, salain, at saka inumin. Kung gusto mo ay pwede itong ihalo sa isang baso ng lemon juice, at inumin tuwing bago kumain ng pananghalian. Sa kabilang banda ay maaari rin kayong magpakulo ng 30 gramong cranberry sa isang litrong tubig. Palamigin at salain ito makalipas ang limang minute at saka inumin. Para sa pinakamagandang resulta ayugaliing inumin ito araw araw.

Pwede rin kayong gumawa ng ‘smoothie’ gamit ang pineapple juice, isang mangga, apat na carrots, at 30 gramo ng strawberry. Paghaluin mo lamang ang mga ito sa blender at saka inumin bago ka kumain ng kahit ano tuwing pagkagising mo sa umaga. Isang recipe ng smoothie na pwede ninyong subukan ay kailangan ng dalawang tangkay ng celery, isang cucumber, isang slice ng lemon, at isang kutsarita ng grated ginger root. Paghaluin mo lang din ang mga sangkap na ito gamit ang blender, at inumin araw araw sa iyong pagkagising sa umaga. Tiyakin na hindi ka pa kumakain ng kahit ano bago mo ito inumin.

Dapat ay ugaliin natin na kumain ng tama at mabuhay ng aktibo upang makaiwas tayo sa mga karamdaman. Ingatan natin ang ating sarili upang hindi natin maranasan kaagad ang mga sakit na dapat sana ay sa matatanda lamang. Kung gagawin natin ito ay tiyak rin na hindi tayo masydong mahihrapan at magkakasakit sa ating pagtanda.

 

You may also like...