9 Nakakagulat na dahilan kung bakit kailangan natin kumain ng celery bago matulog

Mayroong napakaraming bilang ng mga tao ang siyang kumakain ng kintsay o mas kilala bilang celery sa ingles at ito rin ay karaniwang inihahalo sa iba’t ibang klase ng mga ulam upang makagawa ng putahe ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang gulay na ito ay nagtataglay ng napakaraming tulong at benepisyo para sa katawan at kalusugan ng isang tao.

Ang kintsay o celery ay mas naging popular at kilala na noong unang panahon pa lamang ng dahil sa taglay nitong anti-hypertensive properties. Ito ang epektibo para sa kalusugan ng cardiovascular system. Ayon sa ilang mga pangkasalukuyang pag aaral na siyang isinagawa ng mga eksperto at mananaliksik, ang celery ay nagtataglay ng katangian na kagaya ng antioxidant at anti-inflammatory na siyang makatutulong ng higit upang mapabuti ang blood pressure, makontrol ng maayos ang cholesterol levels at mapigilan ang pagkakaroon ng sakit sa puso at ilan pang sakit na siyang konektado rito.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibahagi sa inyo ang ilan sa mga bagay na siyang maitutulong ng celery para sa inyong kalusugan at pangangatawan. Bukod pa riyan, narito rin ang siyam (9) na dahilan kung bakit dapat mong kainin ang gulay na ito tuwing gabi bago ka tuluyang matulog.

Bakit dapat kang kumain ng celery?

  • Ito ay mayroong kakayahan na mabawasan ang bad cholesterol sa loob ng katawan ng isang tao

Ang kintsay o celery ay nagtataglay ng butylphthalide na siyang may kakayahan na mabawasan ang antas ng kolesterol sa loob ng katawan ng isang tao. Kinakailangan mo lamang kumain ng mahigit dalawang (2) tangkay ng celery upang mapababa nito ang iyong LDL o mas kilala bilang sa pangalan na bad cholesterol ng mahigit kumulang pitong porsyento (7%). Gawin mo ito ng madalas upang hindi na mamoblema pa sa antas ng iyong kolestorol at maiwasan ang mga sakit na mayroong koneksyon dito.

  • Ito ay maaring makatulong upang mabawasan ang pamamaga 

Kapag isa ka sa mga tao na siyang mayroong sakit na arthritis o madalas mang sumakit ang iyong mga kasukasuan at ikaw ay nakararamdam ng pamamaga, kinakailangan mo lamang na kumain ng gulay na ito upang ikaw ay matulungang maibsan ang iyong nararamdaman. Ang kintsay ay mas naging kilala ng dahil sa taglay nitong polyphenols at antioxidant na siyang makatutulong ng higit sa ganitong klase ng mga sitwasyon. Ito rin ay nakatutulong at epektibo para sa mga tao na mayroong sakit na asthma.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mapababa ang antas ng blood pressure

Ang celery ay nagtataglay ng isang active na compound na siyang kilala sa pangalan na phthalides na mayroong kakaibang klase na kakayahan na mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa loob ng katawan ng isang tao sa mahigit kumulang labing apat na porsyento (14%). Ang madalas na pagkain sa gulay na ito ay makakatulong upang mapababa ang stress hormones na mayroon ang dugo.

  • Ito ay nakatutulong sa pagpapatibay ng digestion at nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng pagkain 

Ang gulay na ito ay nagtataglay ng napakaraming amount ng parehong tubig at fiber na siyang makatutulong ng lubos para sa mabuti at mabilis na digestion. Ayon sa ilang doktor at eksperto, ito rin ay maaring maging isang mabisang diuretic ng dahil sa cleansing property na siyang taglay nito.

  • Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang stress at sobrang pagiisip 

Ang isang daan (100) milligrams ng gulay na ito ay mayroong laman na mahigit kumulang na labing isang (11) milligrams ng magnesium. Ito rin ay makatutulong upang mabawasan ang stress na siyang nararamdaman ng isang tao at maging ang sobrang pagiisip sa mga bagay bagay. Ito rin ay nagtataglay ng mataas na antas ng langis kaya kung ikaw ay madalas na kakain ng gulay na ito, ang iyong mga nerves sa loob ng iyong katawan ay kalaunang makakaramdaman ng kaginhawaan at dahil dyan, maari ka ng makatulong ng mahimbing at nasa tamang oras ng hindi na namomomblema sa kahit na anong bagay.

  • Ito ay nakatutulong para sa mabilis na pagpapapayat 

Ang celery ay nagtataglay ng mahigit kumulang na sampung (10) calories lamang at ang natitirang porsyento ay gawa na sa tubig. Sa tulong ng pagkain ng gulay na ito, mabilis ka lamang mabubusog at ito pa ay makakapagbigay ng napakaraming benepisyo para sa iyong katawan at kalusugan.

  • Ito ay nakakatulong upang ikaw ay ganahan sa pakikipagtalik 

Ang kintsay ay kilala na nagtataglay ng dalawang (2) kilalang sex pheromones na siyang tinatawag sa pangalan na androstenone at androstanol. Sa tulong ng dalawang (2) hormones na ito, mas napapalakas ang iyong gana sa tuwing ikaw ay makikipagtalik sa iyong asawa.

  • Ito ay mayroong kakayahan na labanan ang sakit na kanser 

Napatunayan ng mga eksperto at mananaliksik na ang gulay na ito ay mayroong kakaiba at kamangha manghang kakayahan na mapigilan ang pagkakaroon ng sakit na breast cancer. Ito rin ay makatutulong upang mapigilan ang paglaki ng parehong cancer tissues at cancer cells sa pancreas at maging sa colorectal areas. Ito ay kaniyang nagagawa ng dahil sa taglay nitong mataas na antas ng flavonoid na mas kilala rin sa pangalan na luteolin.

  • Ito ay mayroong kakayahan na balansehin ang antas ng alkaline sa loob ng  iyong katawan 

Ang pH levels na siyang taglay ng iyong katawan ay maaring mapanatili sa wasto nitong antas at kalagayan kung ikaw ay madalas na kakain ng gulay na ito. Maari rin nitong mabawasan ang antas ng acid na siyang taglay ng iyong katawan at maiwasan ang mga komplikasyon na siyang konektado rito.

Ano pa ba ang hinihintay mo? Matapos malaman ang lahat ng mga tulong at benepisyo na siyang hatid ng kintsay o celery para sa iyong katawan, magdadalawang isip ka pa ba na kainin ito? Sa madalas na pagkain ng gulay na ito, ikaw ay magiging malusog, masigla at maiiwasan mo pa ang napakaraming bilang ng mga sakit na maaring magpaikli ng iyong buhay. Kaya nararapat lamang na simulan mo na ang pagkonsumo sa gulay na ito bago pa man mahuli ang lahat at ng makuha mo na rin ang lahat ng benepisyo na taglay nito.

You may also like...