Alamin ang kailangan gawin para maalis ang tinik sa ating lalamunan

Ang fish meat ay kilala bilang isa sa mga pinaka magandang pampalusog na pagkain ng dahil taglay nitong omega 3 fatty acid at protina na siyang nakakatulong sa pagpapaganda ng kalusugan ng iyong buong katawan. Gayunpaman, ang hindi tamang pagkonsumo sa fish meat ay maaring makapagdulot ng pagkakaroon ng tinik sa lalamunan. At kung iisipin, napakaraming bilang ng mga isda ang nagtataglay ng maraming tinik kagaya na lamang ng bangus o milk fish.

Ang isa sa mga bagay na dapat mong tandaan upang hindi ka matinik habang kumakain ay ang tignan ng mabuti at maging magingat bago mo ito tuluyang kainin. Ngunit kung hindi naman sinasadya at nakakain ka ng tinik ng isda at ito ay napunta sa iyong lalamunan, mayroong ilang mga natural na pamamaraan na maari mong gamitin upang mabilis mo itong matanggal at hindi na mahirapan pa. Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga madaling pamamaraan na maari ninyong gawin upang matanggal ang tinik ng isda na siyang napunta sa iyong lalamunan.

Narito na ang ilan sa mga pamamaraan na maari mong gawin upang matanggal ang tinik sa iyong lalamunan:

  • Saging o Banana

Ang pamamaraan na ito ay ang pinaka sikat at pinaka kilala na siyang ginagamit na noong unang panahon pa. Kinakailangan mo lamang na kumuha ng isang malaking piraso ng saging at hayaan mo lamang ito sa loob ng iyong bibig ng ilang minuto hanggang sa makuha nito ang laway sa loob nito. Pagkatapos ay lunukin mo ito ng buo kasabay ng paginom ng isang baso ng tubig upang tuluyan ng matanggal ang tinik sa loob ng iyong lalamunan kasabay ng pagbaba ng saging papunta sa iyong tiyan.

  • Pagubo o Coughing

Kung hindi naman talaga malalim ang pagkakabaon ng tinik sa iyong lalamunan, maari mo itong alisin sa tulong ng pag–ubo. Ang pag-ubo ay isa pang pamamaraan na maari mong gamitin upang matanggal ang tinik na ito sa loob ng iyong lalamunan. Kaya sa susunod na ikaw ay matitinik, tandaan mo lamang na ang simpleng pag-ubo ay maaring makatulong ng higit upang matanggal ang tinik na ito dahil ito ay isang natural na bagay na siyang ginagawa ng katawan ng tao.

  • Asin at Tubig o Salt and Water

Kapag ikaw ay kumakain ng isda at hindi sinasadyang nakakain din ng tinik at ito ay tumusok sa iyong lalamunan, ang kinakailangan mo lamang gawin ay kumuha ng isang baso ng tubig at lagyan mo ito ng kakaunting dami ng asin. Pagkatapos ay inumin moa ng pinaghalo na ito upang makatulong sa pagtatanggal ng tinik sa loob ng iyong lalamunan sa mabilis na oras lamang.

  • Marshmallow

Ang marshmallow ay parang saging lamang. Ito ay malagkit na uri ng pagkain ay mayroon din itong spongy na texture na talagang makakatulong sa tuluyang pagtanggal ng tinik sa loob ng iyong lalamunan. Kinakailangan mo lamang na kumain ng ilang piraso ng marshmallow hanggang sa kaya mo at lunukin mo ito ng sabay sabay na may kasamang tubig. Ituloy mo lang ang paginom ng tubig hanggang sa tuluyang bumaba ang mga marshmallow hanggang sa iyong tiyan kasabay ng tinik.

  • Kanin o Rice

Ang simpleng pagkain ng kainin ay maari ring makatulong upang tuluyang matanggal ang nakabarang tinik sa iyong lalamunan na nakapagdudulot ng sakit sa bawat paglunok na iyong ginagawa. Simple lamang ang dapat mong gawin, kumain ka lamang ng isang malaking serving o kutsara ng kanin at lunukin mo ito ng buo ng hindi ngumunguya at maari ka ring uminom ng tubig upang hindi ka mahirapan.

  • Olive Oil

Kinakailangan mo lamang uminom ng olive oil sapagkat maari ka nitong matulungan ng dahil sa madulas na pakiramdam na taglay nito. Magugulat ka na lamang dahil unti unting mawawala ang tinik na siyang nakabaon sa loob ng iyong lalamunan. Kasabay ng pagkawala nito ay ang pagkawala rin ng sakit na iyong nararamandaman.

 

  • Basang Tinapay o Wet Bread

Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang isa sa mga pinaka maganda at mabisan solusyon na maaring gamitin ng kahit na sino sa tinik na nakabaon sa lalamunan ng isang tao ay ang paglunok sa isang basang tinapay na siyang nakatutulong ng dahil sa malagkit na texture na mayroon ito. Ang kinakailangan mo lamang gawin ay kumuha ng isang malaking piraso ng tinapay at ibabad mo ito sa gatas o tubig o kaya ay sa mantika bago mo ito tuluyang lunukin. Sa paglunok mo rito, magugulat ka na lamang sapagkat matatanggal na ng tuluyan ang tinik sa iyong lalamunan. Isa ito sa mga pinakalumang pamamaraan na siyang ginagamit sa pagtanggal ng tinik sa loob ng lalamunan kagaya na lamang ng paglunok ng saging.

  • Magpakonsulta sa Doktor o See a Doctor

Kung ginawa mo na ang lahat ng mga pamamaraan na kaya at maari mong gawin at hindi talaga matanggal ang tinik sa loob ng iyong lalamunan, at kapag napansin mo rin na mayroong kakaunting dugo na siyang lumalabas mula sa pagkakabaon ng tinik, wala ka nang iba pang dapat gawin kung hindi pumunta at humingi ng tulong sa iyong doktor upang mabigyan ka ng mabilis at kinakailangang lunas. Dapat mo itong gawin upang maiwasan ang ano mang komplikasyon at upang hindi na rin lumala pa ang sitwasyon. Ang doktor na ang bahala sa kung paano niya tatanggalin ang tinik na ito sa lalong madaling panahon.

Kinakailangan mo lamang itatak sa iyong isipan ang lahat ng mga simple at natural na pamamaraan na ito upang magamit mo ito sa mga panahon na iyong kailangan, ikaw man o kahit na sino sa iyong mga kasama ang natinik habang kumakain. Maari ka nitong matulungan at hindi ka na mahihirapan pang magisip ng mga pamamaraan dahil narito na ang lahat. Maari mo rin itong ibahagi sa iba pang tao upang matulungan din sila sa mga ganitong pagkakataon, lalong lalo na ang mga mahal mo sa buhay, ang iyong mga kaibigan at maging ang iyong kapitbahay. Ano pa ba ang hinihintay mo? Ishare mo na ang artikel na ito upang makatulong sa iba.

You may also like...