Alamin kung papano matanggal ang mga kidney stones gamit ang simpleng inumin na ito

Napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang sa bansang Pilipinas kung hindi sa buong mundo ang siyang madalas na kumain ng mga pagkain na mayroong maalat na lasa at nagtataglay ng mga preservatives katulad na lamang hotdogs, French fries at napakarami pang iba na isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mga problema na mayroong kaugnayan sa kidney kagaya na lamang ng kidney stones. Dahil nga hindi maiwasan ang pagkain sa mga pagkain na ito dahil sila naman talaga ay masasarap at mura pang nabibili, madalas itong kinokonsumo ng kahit na sino, mapa bata man o matanda kaya lahat ng tao ay prone rin sa sakit na ito.

Akala lamang nila ay wala itong negatibong naidudulot para sa kanilang kalusugan ngunit sa umpisa lamang iyon sapagkat sa paglipas ng panahon, nagbabago ang katawan at kung ano ang iyong tinanim, iyon din ang iyong aanihin. Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan impormasyon patungkol sa kidney stones at kung paano niyo ito maiiwasan o malulunasan sa tulong ng tatlong (3) method maari ninyong gawin sa napakasimple ngunit mabisang pamamaraan.

Ano nga ba ang kidney stones?

Ang mga kidney stones ay kilala bilang mga abnormal at matitigas na mga chemical deposits na siyang nabubuo sa loob ng mga kidneys. Ang kondisyon na kung saan ang kidneys ay nagtataglay ng ganitong mga uri ng chemical deposits ay kilala rin sa tawag na nephrolithiasis o urolithiasis. Hindi madali ang pagkakaroon nito sapagkat ito ay nakapagdudulot ng pananakit at hindi maayos pakiramdam sa isang tao.

Ang mga kidney stones na ito ay karaniwan at madalas na maliliit na pamumuo na parang mga buhangin. Ang ilan sa mga ito ay natatanggal sa tulong ng pag ihi ng walang sakit na nararamdaman at hindi man lang namamalayan. Sa paglipas ng panahon, ito ay lumalala kapag naipon ng sobra at nagsimula na ang pagbuo ng mga microscopic particles sa collecting system ng urinary tract kung kailan at kung saan sila tuluyang lumalaki at mas dumarami. Kapag ang mga ito ay masyado ng lumalaki at dumarami, ang mga ito ay maaring makapagdulot ng matinding pananakit na mahirap indain at talagang mamimilipit ka sa tuwing ikaw ay iihi kaya nararapat lamang na huwag mo ng hintayin na dumating pa sa ganitong sitwasyon bago mo bigyan ng pansin ang iyong kalusugan.

Mabuti na lamang at mayroong mga natural na mga pamamaraan at mga panlunas na maari mong gamitin para sa ganitong sitwasyon bilang panlunas upang makatulong sa pagtanggal sa mga bato na ito na nabuo sa loob ng iyong katawan. Ang ilan kasi sa mga paggamot na maaring gawin upang malunasan ang problema na ito ay kadalasang nagdudulot ng negatibong epekto ng dahil sa nga kemikal na siyang inihalo rito at hindi pa ganoong kaapektibo. Kaya mas nakabubuti pa rin na gamitin ang mag natural na pamamaraan upang mawala ang mga baton a ito. Simple lamang ang dapat mong gawin upang guminhawa ang iyong pakiramdam, kinakailangan mo lamang na gawin at sundin ang mga pamamaraan na siyang ibinahagi sa baba at kumuha ng mga sangkap na siyang kakailanganin para sa mga remedy na ito.

  • METHOD 1: Coke at Asparagus

Ang uri ng pamamaraan na ito ay madalas na ginagawa at ginagamit ng mga tao. Simle lamang ang dapat mong gawin para rito. Ang pamamaraan na ito ay ginagamit ang phosphoric acid na siyang kadalasang makikita sa Coke upang malusaw ang mga kidney stones. Sa kabilang banda, ang asparagus naman ay karaniwang ginagamit para sa solusyon na ito bilang isang epektibo na diuretic.

Kinakailangan mo lamang na uminom ng maraming Coke sa iyong unang pagkain at pagkatapos nito, dapat kang kumain ng kalahati (1/2) na pound ng steamed asparagus na pureed.

  • METHOD 2: Lemon Juice at Olive Oil

Maraming bilang na ng mga tao ang siyang nagpapatunay sa pagkabisa na mayroong ang pinaghalong lemon juice at olive oil pagdating sa paglusaw sa mga kidney stones na ito sa loob ng iyong kidney.

Kinakailangan mo lamang na ihalo ang hindi kukulang sa limang (5) ounces ng olive oil sa lima (5) ring ounces ng lemon juice. Paghaluin mo ang mga ito ng mabuti bago mo tuluyang inumin at pagkatapos at uminom ka rin ng isang (1) baso ng tubig. Gawim mo ang pamamaraan na ito sa pang araw araw sa tuwing ikaw ay gigising sa umaga habang wala pang laman ang iyong tiyan at inumin mo rin ito sa gabi bago ka tuluyang matulog.

  • METHOD 3: Apple Cider Vinegar

Ang ACV o mas kilala bilang apple cider vinegar ay gawa sa citric acid na malaki ang kakayahang itulong pagdating sa paglusaw at paglabas ng mga kidney stones na ito sa loob ng katawan ng isang tao. Ito ay higit na makatutulong upang mapabilis ang pag alis sa kanila at ito rin ay talagang epektibo.

Kinakailangan mo lamang na paghaluin ang hindi kukulang sa dalawang (2) kutsarita ng apple cider vinegar at anim (6) ounces na tubig. Pagkatapos ay maari mo nang inumin ang resipe na ito ng madalas sa buong araw lalo na bago ka tuluyang kumain dahil dito ito mas nagiging epektibo sa paglusaw ng mga kidney stones sa loob ng katawan. Maari mo itong gawin sa pang araw araw upang mas mapabilis at mas maging mabisa ang pagtanggal sa mga ito.

Ngayong alam mo na ang tatlong pamamaraan na maari mong gamitin upang tuluyang matanggal ang mga kidney stones na ito sa loob ng iyong katawan, araw arawin mo ang paggamit sa mga ito upang hindi ka na mahirapan pa. At sa pagsisimula mo sa paggawa nito, simulan mo na rin ang pagkakaroon ng isang malusog na pamumhay. Iwasan mo na ang pagkain sa mga pagkain na masyadong maalat at mamantika. Maari mo rin itong sabayan ng pageehersisyo at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain kagaya na lamang ng mga prutas at gulay. Iwasan mo na rin ang mga bisyo na wala namang magandang maidudulot sa iyong kalusugan katulad ng paginom ng alak at paninigarilyo. Ang lahat ng ito ay magsisimula sa iyo at sa iyong pagdedesisyon na magbago at tulungan ang sarili mo.

You may also like...