Ang 3 paraan na pwedeng gawin sa bahay para maalis ang mga daga

Ayon sa Wikipedia, isang malayang ensiklopedya, ang isang malaking daga o kilala sa ingles bilang “rat” ay isang malaking bubuwit ngunit ito ay bahagyang mas maliit kung ikukumpara sa iba pang mga klase ng daga na kabilang sa pangkat na tinatawag na Rodentia.

Ang mga daga na ito ay kilala bilang omniborong mamalya na kumakain ng kahit na anong uri o mukhang pagkain na kanilang masisilayan. Bibihira lamang na umabot sa timbang na 500 gramo ang mga daga na ito. Sila ay karaniwang nabubuhay sa loob ng dalawa hanggang sa limang mga taon.

Karaniwang tingin ng mga tao sa ganitong klaseng hayop ay isa lamang peste lalo na kung sila ay masisilayan sa loob ng tahanan. Ang ganitong klaseng hayop kasi ay may kakayahang makasira ng gamit, mga damit at kumain ng mga pagkain na hindi naman nakalaan para sakanila. Madalas ay puro perwisyo lamang ang kanilang naidudulot.

Sa kabila ng mga negatibong kumento patungkol sa mga daga, mahirap mang isipin at bihirang marinig ngunit mayroon ding iilang mga tao sa mundo na itinuturing ang mga malalaking daga na ito bilang kanilang alagang hayop na kung saan sila ang nagpapalaki at nagpapakain sa mga ito. Sa hindi malamang dahilan, sila ay nakakahanap ng saya at nakabubuo ng relasyon sa ganitong klaseng hayop.

Wala ng higit na sasama pa sa pagsakop, pagdami at paglaki ng napakaraming bilang ng mga daga na ito sa iyong tahanan lalo na kung hindi ka parte ng kakaunting mga tao na nagaalaga nito. Ang mga daga na ito ay madalas naninirahan sa mga maruruming lugar sa loob man o labas ng tahanan at natural na sakanila ang pagiging kilala bilang mapanirang nilalang at lubhang delikadong klase ng hayop kaya marahil ito ay naging kilala bilang isa sa mga pesteng hayop na meron ang bawat tahanan sa buong mundo.

Ang mga daga na ito ay kilala dahil sa kanilang normal na gawain na pagdumi o pagihi sa kahit saang parte ng lugar o tahanan na mayroong taglay na nakalalasong kemikal para sa tao. Bilang resulta, ang mga dumi na kanilang nailabas ay nagdudulot ng iba’t-ibang uri ng mga sakit na lubhang malala at ito ay maaari ring magdulot ng kamatayan kung hindi agarang mabibigyan ng pansin at lunas. Kung mapapansin, ang mga duming ito ay lubhang hindi maganda at mabuti para sa kalusugan ng mga bata at pati na rin ng ilang mga alaga.

Ang lahi ng mga dagang ito ay dumarami ng napakabilis at hindi man lang mamalayan ng kahit na sino. Sa totoo lamang, ang isang babaeng daga ay may kakayahang makaroon ng 15 hanggang 22 na bilang ng mga anak kada taon na mayroon at kapag hindi nabigyan ng agarang solusyon at pansin ang kanilang mabilis na pagdami, maaaring magkaroon ng daang-daang bilang ng mga daga sa loob ng iyong tahanan na sobrang nakakasama sa kalusugan.

Karamihan sa mga tao na nakararanas ng ganitong sitwasyon ay madalas tumawag ng mga exterminators na kilala sa kanilang pambihirang kakayahan at abilidad na makapatay at tuluyang alisin ang mga peste na mayroon sa loob ng bahay ngunit sa kasamaang palad, ito ay isang pang matagalang klase ng trabaho na lubhang magastos at napaka delikado. Mayroon ding mga pagkakataon na ito ay hindi ganoong kaepektibo na kasalungat sa inaasahang resulta. Sa kabilang banda, mabuti na lang at mayroong mga natural at organic na mga pamamaraan upang malunasan ang ganitong klaseng problema.

Kaya nasabing lubhang delikado ang mga pamamaraan ng mayroon ang mga exterminators upang tuluyang maalis ang mga daga na ito ay marahil sa kanilang paggamit ng iba’t-ibang klaseng mga kemikal na hindi maganda para sa kalusugan ng tao, lalo na sa mga bata at alagang hayop. Mayroon pa ngang mga pagkakataon na kailangan munang lisanin ng pamilya ang kanilang tahanan ng ilang mga araw kapag nasimulan ng ang proseso ng paggamit sa mga delikado at mapanirang kemikal. Gayunpaman, kapag na tapos na ang proseso ay mayroon paring iilang natitirang mga maliliit at kakaunting desetso na nagmula sa kemikal sa loob ng iyong tahanan na may posibilidad na magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan mo at ng iyong pamilya.

Dahil sa pangyayaring ito, marapat lamang na iyong sundin at gawin itong mga natural na pamamaraan na aming ibabahagi upang tuluyan ng mapaalis ang mga pesteng daga sa loob ng iyong tahanan:

  • Soda

Ang soda ay isang klase ng inumin na may kakayahang magbigay ng hangin sa loob ng tyan na dahilan ng pagdighay ng mga tao dahil sa tulong ng mga ingredients na ito ay gawa. Ang kailangan mo lang gawin ay maglagay sa lugar na madalas puntahan o daanan ng mga ng isa o mahigit pang mga mangkok na mayroong soda sa loob. Sa ganitong paraan, maaring inumin or kainin ng mga daga ang soda, sa kabila ng kanilang walang kakayahang makapagdighay na katulad sa tao. Pagkatapos ng ilang oras, sila ay mamatay dahil wala silang kakayahan na mailabas ang hangin na mayroon sa loob ng kanilang tyan.

  • Plaster

Ang kailangan mo lang gawin ay gumawa ng isang timpla na mayroong pinaghalong harina, asin at plaster. Pagkatapos ay maaari mo na itong ilagay sa lugar na kung saan madalas mamalagi o dumaan ang mga pesteng daga na ito. Katulad na nga lang ng aming ibinahagi kanina, ang mga daga ay mayroong kakayahan na kumain ng kahit anong klase ng pagkain, kasama na rito ang iyong ginawang timpla. Dahil sa alat na tinataglay ng timplang iyong ginawa, uuhawin ang mga daga na ito at kapag sila ay nauhaw, sila ay maghahanap ng tubig upang punan ang uhaw na kanilang nararanasan, at kapag sila ay tuluyang ng uminom ng tubig, ang plaster sa loob ng kanilang katawan ay dahan dahang titigas at ito ang magiging dahilan ng kanilang pagkamatay.

  • Tsokolate at plaster

Ang pamamaraang ito ay lubhang epektibo katulad na lamang sa mga nauna naming nabanggit na mga solusyon. Dahil ang mga daga na ito ay walang kakayahang tiisin ang tsokolate, maaari mo itong gawing pain upang sila ay tuluyan mo ng mapatay at malason.

Bukod sa aming mga nabanggit na pamamaraan, mayroon pang iba’t-ibang klase ng mga natural na pamamaraan na maari mong gawin upang tuluyan ng lisanin ng mga daga na ito ang inyong tahan at hindi na magdulot pa ng kung ano anong klase ng mga sakit. Sundin mo lamang ito at tuluyan mo na ring makikita ang epektibo at mabilisang pagalis ng mga dagang ito. Maari mo rin itong ibahagi sa iyong mga kapit-bahay at mga kamag-anak upang matulungan din sila sa kanilang problema na katulad na lamang nito.

You may also like...