Ang 8 benepisyo ng pagkain ng luya arawa arwa sa loob ng 1 bwan

Ang luya o mas kilala bilang ginger sa ingles ay isang pangkaraniwang sangkap na siyang madalas na ginagamit sa parehas na Asian at Indian cuisine, ngunit alam mob a na mas matagal na itong ginagamit noong unang panahon pa lamang dahil sa kanyang taglay na kakayahan bilang isang gamot? Ang luya ay mayroon ng mahabang kasaysayan pagdating sa pakinabang na ito, lalong lalo na sa kalusugan ng tao at ito rin ay madalas na ginagamit bilang panlunas sa iba’t ibang klase ng mga sakit na katulad na lamang ng pagkahilo, ilang digestive issues at mga kirot sa maraming parte ng katawan.

Ang madalas na ginagamit na parte ng halaman na ito ay ang kaniyang ugat o ang underground stem na siyang kilala rin at tinatawag bilang rhizome. Ito ay maaring kainin ng tao bilang hilaw, maari rin itong pinuhin upang maging powder, bilang dried spice o madalas ding ginagamit bilang oil o juice.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi ang ilan sa mga dahilan kung bakit mo dapat gamitin ang ginger sa pang araw araw at kung ano rin ang mga magagandang bagay na maaring idulot nito para sa iyong kalusugan maging ang mga benepisyo na taglay nito para sa iyong pangangatawan.

Narito na ang walong (8) dahilan kung bakit dapat mong palaging gamitin ang ginger sa loob ng kusina:

  • Ito ay maaring makatulong bilang panlunas sa digestive problems

Ang phenolic compounds na siyang madalas na matatagpuan sa loob ng luya ay natuklasan ng mga mananaliksik na mayroong kakayahan upang makatulong na maibsan ang sakit na siyang nararamdaman ng dahil sa gastrointestinal tract. Maraming kakayahan ang luya katulad na lamang na kaya nitong palakasin ang saliva at bile production, pinapabuti rin nito ang daloy ng parehas na tubig at pagkain sa gastrointestinal tract. Sa isang pagsusuri na ginawa sa bente kwartong (24) malulusog na tao, ang pagkain at pagkonsumo ng mahigit 1.2 grams ng ginger powder bago kumain ay mayroong kakayahan na mapabilis ang pagtunaw ng mga pagkain at dahil dito ay binabawasan nito ang indigestion sa mahigit 50%.

  • Ito ay maaring gamitin bilang remedyo sa pagkahilo 

Ang paginom ng ginawang ginger tea o maging ang pagkain ng hilaw na luya ay kilala bilang isang pangkaraniwan at ligtas nan a natural na remedyo para sa pagkahilo o nausea, lalo na sa cancer treatment, pagbubuntis at maging ang morning sickness. Isang pagaaral na siyang ginawa sa mahigit 1,278 na buntis na mga kababaihan ay napag alaman na ang pagkonsumo ng mahigit kumulang 1.1 hanggang 1.5 grams ng ginger ay mayroong malaking maitutulong sa mga taong madalas na manghina at makaranas ng pagkahilo.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mapahupa ang sakit ng katawan 

Isang pagaaral na siyang isinagawa sa University of Georgia ang nakatuklas at nakadiskubre na ang pang araw araw na paggamit ng ginger ay mayroong kakayahan na mababa ang sakit sa kalamnan ng mahigit 25%. Ito rin ay kilala na mabisa sa pagbawas ng sakit na siyang nararamdaman habang ikaw ay nasa ilalim ng menstrual cycle. Napagalaman din ng mga mananaliksik na ang ginger ay lubhang epektibo upang mabawasan at maibsan ang patuloy na pananakit ng kalamnan sa pang araw araw.

  • Ito ay makatutulong upang mabawasan ang pamamaga

Ang osteoarthritis ay isang karaniwang problema na siyang nararanasan ng napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo at dahil sa paunti unting pagkasira ng mga buto sa ating kasukasuan, ito ay nagdudulot ng joint pains at stiffness. Sa ginawang pagaaral na siyang isinagawa sa tulong ng mahigit 247 na tao na mayroong osteoarthritis sa tuhod, ang ilan sa mga ito ay hinayaang gumamit ng ginger at sinasabing bumaba ang kanilang sakit na nararamdaman, nabawasan ang pamamaga at nabawasan maging ang pangangailangan nilang gumamit ng medikasyon.

  • Ito ay nakakatulong sa pagbawas ng pangabib sa sakit ng puso 

Sa isang pagaaral na siyang isinagawa kumakailan lamang kasama ang dalawang participants na mayroong sinasabing type 2 diabetes ay napagalaman na ang paggamit ng mahigit dalawang grams ng ginger powder sa pang araw araw ay mayroong kakayahan na mapababa ang antas ng blood sugar at umabot sa mahigit 10% sa kabuuang pagbaba sa loob lamang ng labing dalawang linggo. Ang mataas na antas ng blood sugar sa loob ng katawan ay ang madalas na dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa puso ang maraming bilang ng tao, kaya’t kung maiiwasan ito, mababawasan din ang bilang ng mga atake sa puso.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mabawasan ang cholesterol sa katawan 

Isa pang klase ng pagaaral na siyang tumagal ng mahigit kumulang 45 na araw na kinabibilangan ng 85 na tao na mayroong mataas na natas ng cholesterol ay napagalaman na ang paggamit ng mahigit tatlong grams ng ginger powder sa pang araw araw ay sadyang mabisa upang mapababa ang antas ng cholesterol sa katawan ng tao. Dahil dito, ito ay makatutulong ng malaki upang mapigilan ang pagkakaroon ng sakit sa puso maging ang pagatake ng stroke.

  • Ito ay nagtataglay ng anti-cancer na katangian 

Ang 6 gingerol na siyang matatagpuan sa loob ng ginger ay natuklasan na mayroong mabisang panlunas na taglay para sa ilang uri ng kanser. Patuloy pa rin ang pananaliksik na siyang ginagawa ukol dito ngunit ang isang pagaaral na siyang sinagawa ay napagalamanan na ang paggamit ng mahigit dalawang grams ng ginger extract sa pang araw araw ay mayroong malaking maitutulong sa pagpapababa ng sinasabing pro-inflammatory signaling molecules sa iyong colon at ito rin ay nagtataglay ng anti-cancer components.

  • Ito ay nakatutulong sa pagpapabuti ng isipan 

Ang parehas na oxidative stress at chronic inflammation ay dalawang hinihinalang dahilan kung bakit mas bumibilis ang aging process at ito rin ang sinasabing susi para sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at iba pang klase ng age-related cognitive impairments. Ilang pagaaral na siyang isinagawa ukol dito ang nagsasabi na ang antioxidants at bioactive compounds na siyang taglay ng ginger ay mayroong kakayahan na pigilan ang inflammatory responses sa utak. Sa isa ring pananaliksik na siyang isinagawa sa 60 middled aged nakababaihan na ang paggamit ng ginger extract ay mayroong malaking maitutulong para sa pagpapabuti ng kanilang reaction time at working memory.

You may also like...