Ang inumin na ito ay kayang sirain ang buto natin pero marami parin ang umiinom nito araw araw

Kapag malapit na ang summer ay nandiyan na naman ang napaka tinding init ng panahon. Para bang kahit makailang ligo ka ay hindi mo maiiwasang mag kamot. Talagang mapapakamot ka kamapag mainit ang pahahon! Kaya naman, sa ganiyang klase ng panahon, naghahanap tayo ng inumin gaya ng tubig o kaya juice, maging ang mga malalamig na conyelo at ice cream.Bukod sa mga ito ay isa ring alternatibo na pantawid uhaw ang soft drinks. Alam niyo ba na sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto ay napag-alamang ang mga Amerikano ay mas gusto pang uminom ng soda kesa sa iba pang mga inumin. Marahil sa sa Estados Unidos ay sikat at talaga namang kalat ang inuming ito sa kahit saan mang mga tondahan ay may mabibili ka nito kaya naman mas kombinyente silang uminom nito.

Ang mga ganitong inumin kasi ay puno ng phosphoric acid na pumapatay sa calcium at magnesium, mga nutrients na mabuti sana para sa operasyon ng ating immune system. Kaya naman ayos sa mga pag aaral at mga eksperto,pinatunayan na rin na angsobrang pag-inom ng soda at iba pang soft o carbonated drinks ay hindi masustansya at may masamang maidudulot sa ating kalusugan.. Isa pa ay mataas din sa fructose corn syrup ang ilang soft drinks kaya naman nagtataglay din sila ng mataas na lebel ng free radicals na nakasisira ng tissues ng ating katawan. Ang free radicals din ay sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng diabetes at cancer.

Maging ang packaging o mga boteng pinaglalagyan sa kanila ay hindi rin maganda ang idudulot sa ating katawan.  Ayon sa ilang pag aaral ng mga eksperto ang mga plastic bottles na karaniwang pinaglalagyan ng mga carbonated drinks, pati na rin ng mga mineral water ay nagtataglay ng kemikal na tinatawag na bisphenol A o BPA. Gamit ng ilang kemikal sabote, hahalo ito sa atininumin at mag dudulot ng hindi magandang epekto sa ating pangangatawan.

Masasabi na karamhan sa atin mga tao ay uiinom ng softdrinks, ngunit lingi sa atin kaalaman ang magiging epekto ng sobrang pag inom ng softdrinks sa ating katawan. Kaya naman sa tulong ng artikulong ito, ilalahad ko sa inyo ang ilan sa mga masasamang epekto ng softdrinks.

Una na ang pagkakaroon ng problema sa atay o liver. Maarinating sabihin na ang softdrinks ay masarap at sobrang refreshing, ngunit sa totoo lang, kabaliktaran nito ang naidudulot nito sa ating katawan lalo na sa ating mga atay o liver. Sa dami ng mga kemikal na taglay nito ay siguradong hindi makakaligtas ang inyong atay sa iba’t ibang komplikasyon. Kaya naman kung ayaw niyong danasin ito ay maiging umiwas iwas na kayo sa mga soft drinks bago pa may mangyaring masama sa inyo.

  1. Osteoporosis. Alam naman natin na ang calcium ang pangunahing nutrient na nagpapalakas sa mga buto kaya naman kung hindi ito maa-absorb ng katawan ay siguradong magkakaroon ng problema ang mga buto, halimbawa na lamang ng osteoporosis. Ang soda at iba pang carbonated drinks ay nagtataglay ng mataas na level ng caffeine at phosphoric acid. Kapag nasobrahan sa konsumo nito ang isang tao ay pwedeng bumaba ang kaniyang BMD o bone mineral density, na siyang sumusuporta sa maayos na struktura ng ating mga buto. Paano ito nangyayari? Kapag kasi maraming phosphorus sa katawan ay napipigilan nito ang natural na proseso ng pag-absorb ng calcium. Ito ay dapat mas pagtuonan ng pansin ng mga kababaihan dahil mas mataas ang kanilang tyansa na makaranas nito kung sosobra sila sa konsumo ng soft drinks.
  2. Problema sa oral health. Isang matinding kaaway ng oral health and soft drinks.Ito ay lalo na sa mga bata na siyang madalas kumonsumo dito. Kapag ang isang tao o bata ay madalas uminom ng soda at hindi agad nalinis ang kaniyang bibig sa pamamagitan ng pagmumumog o pagsisipilyo ay mananatili ang mga kemekal doon na pwedeng maging sanhi ng pagkabaho ng hininga. Bukod diyan ay posible ring masira ang enamel ng mga ngipin dahil sa taas ng acidity ng soft drinks. Mas nakakasira pa nga ito ng ngipin ng mga bata kaysa pagkain ng matatamis na pagkain at candy!
  3. Obesity. Ito ang hindi normal na pagtaas ng timbang. Hindi normal dahil hindi akma ang iyong timbang sa iyong height at edad. Masasabi ding mataas din sa carbs ang mga soft drinks kaya naman kaunting inom lang nito ay kailangan mo nang magpapawis ng sobra upang matunaw ito. Kaya naman, kung napapansin niyo na parang tumataba na kayo, suruin niyo muna ang inyong sarili baka sobra kayong umiinom ng soda. Hindi rin makakatulong ang pag-inom niyo ng mga diet soda dahil marami itong taglay na artificial sugar na mas makakadagdag sa inyong timbang. Isa pa, magdudulot din ito ng problemang saykolohikal at hormonal na magiging dahilan ng mas pagtaba ng tao, obesity o sobra sobrang timbang.
  4. Problema sa bato o kidney. Ang labis na pag-inom ng soft drinks ay posibleng maging dahilan ng pagkabuo ng kidney stones kaya hangga’t maaari ay dapat itong iwasan. Dahil bukod sa atay ay maaapektuhan din ang kalusugan ng kidney kung sakaling sosobra sa konsumo ng soft drinks ang isang tao. Gaya ng nabanggit na, ang mga ganitong inumin may mataas na phosphoric acid, isang kemikal na masama sa urinary tract.

Pero bukod sa masamng dulot nito, mayroon din namang mabuting nadudulot ang softdrinks. Masasabi ring mayroon din itong pakinabang sa tao. Isa na dito  ang caffeine content nito ay kayang pasiglahin ang puso at maganda rin sa maayos na pag-function ng central nervous system. Mas nagiging responsive din ang tao dahil sa dito at mas nagiging active ang kaniyang isipan kung siya’y iinom ng carbonated drinks. Bukod pa sa mga ito ay pinauunlad din ng soft drinks ang metabolism process kaya maayos ang nagiging pagtunaw ng pagkain. Kita niyo na, ang soft drinks naman ay hindi talaga ganoong kasama. Huwag lamang sosobra sa pag inom, laging isipin ang salitang limitasyon

Kaya nararapat na lagi nating pakatatanandaan na ang kahit na anong ‘labis’ ay mayroong hindi magandang epekto sa ating sarili. Masasabi nga namang mayroong natutulong na maganda ang softdrinks, ngunit tandaan natin na dapat ay mayroon itong limitasyon. Kapag sumobra ka sa pag inom nito, ang kabutihang dulot nito ay mapapalitan ng masamang epekto sa ating pangangatawan.  Ang ilan sa mga ito ay Pagpapawis, palpitations, hirap na paghinga, insomnia, pati na rin ang pagkakaroon ng migraine, maaari mo itong maranasan kung hindi mo didisiplinahin ang iyong sarili. Mabuti na iyong nandun lang tayo sa tamang pagkonsumo at enjoyin ang health benefits nito. Tandaan, hindi ibig sabihin nito na huwag na tayong uminom ng soft drinks kundi limitahan na lamang natin at mas piliin ang pag inom ng tubig. Tandaan, 8 to 10 glasses a day.

You may also like...