Ang mga magandang epekto sa ating kalusugan ng pagkain ng pipino araw araw!

Ang gulay na siyang tinatawag na pipino o kilala rin sa ingles bilang cucumber ay nagmula pa sa gumagapang na halaman na siyang karaniwang tumutubo sa maiinit na lugar sa mundo at kabilang sa mga lugar na ito ang Pilipinas. Ang pagkain na ito ay kilala dahil sa kanyang pahaba, malaman, makatas at berdeng bunga na siyang paborito ng nakararaming tao at ito rin ay karaniwang pinepreserba o sa ingles ay pickled. Ito ay mayroong maliit na bulakalak na mayroong kulay na dilaw.

Kilala ito hindi lamang dahil sa kanyang panlabas na anyo o katangian kung hindi dahil sa kaniyang posibleng lunas para sa maraming sakit na katulad na lamang ng kanser, ayon sa ilang mga pagaaral na siyang ginawa ng mga mananaliksik at eksperto.

Ang pipino ay isang pampalusog na gulay na mayroong kakaibang klase na kakayahan na alisin ang mga toxins sa loob ng katawan ng tao at maging pagbutihin ang kalusugan ng parehas mong balat at buhok. Napakadali mo lamang na makukuha ang mga pakinabang at benepisyo na mayroon ito para sa iyong kalusugan sa pamamagitan ng pagkain nito o kaya ay idagdag mo ito sa iyong mga side dish sa bawat pagkain na iyong ihahain.

Ang iba’t ibang bahagi ng halaman na ito ay punong puno ng mga sustansiya na siyang kakailanganin ng katawan para sa isang malusog na pangangatawan at narito ang ilan sa mga ito:

  • Ang halaman ng pipino ay nagtataglay ng alkanoids, glycosides, steroids, saponin at maging ang flavonoid at tannin.
  • Sa kabilang banda, ang bunga naman ng pipino ay mayroong dextrose, saccharose at maging langis. Ito rin ay kilala dahil ito ay nagtataglay ng maraming halaga ng mineral na kagaya ng calcium, iron at mayroon pa itong Vitamins B at C.
  • Ang buto naman ng pipino ay mayroong taglay na langis na siyang mayroong oleic acid, linoleic acid, palmitic acid, stearic acid, phytine at maging lecithine.
  • Panghuli, and dahon ng pipino ay mayroong urea at hypoxanthine na kilala bilang isang uri ng alkaloid.

NARITO ANG ILAN SA MGA BENEPISYO NA IYONG MAKUKUHA MULA SA PIPINO O CUCUMBER:

  • Kaya nitong linisin ang toxins at gawing hydrated ang balat

Ang pipino ay kilalang kilala dahil sa mayamang halaga ng tubig na mayroon ito na siyang umaabot sa mahigit 95% water content na malaking ang magagawang tulong at ambag upang mahydrate ang buong katawan at makapagbigay ng mga nutrients na siyang kinakailangan ng katawan ng tao. Ang halaga ng tubig na mayroon ito ay makakayang punan ang uhaw o kakulangan sa tubig sa loob ng katawan ng tao.

  • Maaring pabutihin ng pipino ang digestion at bawasan ang timbang 

Ang pang araw araw na pagkain ng cucumber ay mayroong malaking epekto at pakinabang para sa kalusugan ng tao. Mayroon itong kakayahan na palakasin ang metabolism at makatulong na makasunog at makabawas sa mga fats o taba sa katawan.

Bukod pa rito, ito ay mayroong mga fibers na siyang kilala dahil ito ay nakabubuti para sa digestion. Sa kabilang banda, ang balat ng pipino ay mayroong insoluble fiber na mayroong kakayahan na makatulong sa tao para maayos na makadumi. Nakatutulong ito upang mas mapabilis ang paggalaw ng mga pagkain sa loob ng digestive tract upang mas mabilis ang paglabas ng mga dumi sa loob ng katawan.

  • Nakatutulong sa mga taong may mabahong hininga

Ang bad breath o ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay isa sa mga natural na problema ng milyong milyon na bilang ng mga tao sa buong mundo.

Upang malunasan ang klase ng problema na ito, ang kakailanganin mo lamang na gawin ay maghiwa ng ilang maninipis na bilang at piraso ng pipino at ilagay mo ito sa loob ng iyong bunganga. Pabayaan mo ito sa loob ng trenta (30) Segundo bago mo ito tuluyang alisin at ilabas.

Ang gulay na ito ay mayroong antibacterial na katangian na siyang may kakayahan na patayin ang mga bakteryang nasa loob ng iyong bibig at gagawin din nitong sariwa at mabago ang iyong hininga. Nakatutulong din ito upang mas mabilis na mapagaling ang mga singaw sa gilagid.

  • Kaya nitong tulungan at protektahan ang utak 

Ang pipino ay nagtataglay ng anti-inflammatory flvanol na kilala bilang fisetin na mayroong napakaimportanteng role na siyang ginagampanan para sa kalusugan ng utak ng tao. Bukod sa kakayahan nito nag awing mas maayos ang memorya ng tao, ito rin ay mayroong kakayahan na protektahan ang nerve cells na mula sa age-related decline, idagdag mo pa na napatunayan na ang fisetin ay mayroong kakayahan na makapagpigil ng progressive memory at learning impairements sa mga daga na sinasabing mayroong Alzheimer’s disease.

  • May kakayahan itong alisin ang mga toxins sa katawan 

Ang lahat ng liquid o tubig na siyang nanggagaling sa pipino ay mayroong kakayahan na umakto o kumilos bilang virtual broom na kayang magwalis o magalis ng mga maduduming products sa loob ng katawan. Sa pang araw araw na pagkain ng pipino, ang mga bato rin na siyang matatagpuan sa loob ng kidney ay maari ring pakonti konting maalis ng tuluyan.

  • Pinupuno ang katawan ng mga sustansiya na kailangan nito 

Maraming tao ang hindi nakakaalam nito, ang pipino ay mayaman sa sustansya sapagkat ito ay nagtataglay ng Vitamins A, B at C. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapabuti at pagpapalakas ng immune system, nakapagbibigay ng sapat na enerhiya para sa maghapon, at nakakapagbigay ng magandang alaga sa balat. Mas magiging mabisa ito kung gagawin itong juice kahalo ng carrots at spinach.

  • Nagtataglay ito ng mga antioxidants na nakatutulong sa katawan 

Ang pipino ay nagtataglay ng napakaraming antioxidants kasama na rito ang Vitamin C at maging ang beta carotene. Mayroon din itong taglay na antioxidant flavonoids na katulad na lamang ng quercetin, apigenin, luteolin, at maging kaempferol na siyang nagbibigay ng mga dagdag pang benepisyo para sa kalusugan at katawan ng tao.

Ang quercetin ay isang uri ng antioxidant na siyang pinaniniwalaan na maraming tao na may kakayahang makapagpigil ng paglabas ng histamine. Kaya ang mga pagkain na siyang mayaman sa quercetin ay kilala rin bilang “natural antihistamines” na siyang nakatutulong sa mga taong mayroong allergies. Sa kabilang banda, ang kaempferol naman ay nakatutulong upang labanan ang kanser at mababaan ang tyansa ng chronic disease kagaya na lamang ng heart disease.

  • May kakayahan itong makatulong sa mga taong may kanser 

Ang pipino ay mayroong tinataglay na polyphenols na siyang kilala bilang lignans katulad na lamang ng pinoresinol, lariciresinol at secoisolariciresinol na siyang nakatutulong upang mas mapababa ang tyansa ng pagkakaroon ng breast, uterine, ovarian at maging ang prostate kanser. Mayroon din itong mga phytonutrients na siyang kilala bilang cucurbitacins na mayroong ding taglay na anti-cancer properties.

You may also like...