Ang prutas na ito ay nakakatulong patayin ang 12 klase ng cancer

Ang kanser ay kilala bilang isang malalang sakit na siyang nakakaapekto sa iba’t ibang parte ng katawan ng tao. Kung maagapan ang klase ng sakit na ito ay maari pang magamot, ngunit kung ito ay mapapabayaan at hindi mabibigyan ng pansin, maari itong lumala at magresulta sa kamatayan. Napakarami na ng bilang ng mga taong nagkasakit ng kanser at ikinamatay din ang sakit na ito, lalo na ang klase nito na wala pang tiyak at paaran bilang paggamot.

Lahat ng mayroong buhay na bagay dito sa mundo, kabilang na ang katawan ng tao, ay nagtataglay ng mga maliliit na cells na siyang makikita lamang sa tulong ng isang microscope. Kung minsan, ang mga cells na ito ay nagiiba at lumalaki sa hindi malaman at abnormal na paraan na siyang nagreresulta sa tumor. Sa kabilang banda, mayroong mga tumor na kusang gumagaling at nawawala sa paglipas ng panahon. Subalit mayroon din namang lumalaki, kumakalat at nagiging sanhi ng iba pang klase ng mga sakit. Ang karamihan sa mga tumor ay hindi nagiging kanser, pero may iba rin naman na tumutuloy na sa pagiging kanser.

Ang kanser ay nagsisimula kung ang paglaki ng isang cell ay hindi na nagagawa pang makontrol sa loob ng katawan ng tao. Kung ito ay maagapan sa lalong madaling panahon, ito ay maari pang matanggal sa tulong ng operasyon, gamot at radiation. Sa pamamagitan ng mga ito, maari pang magkaroon ng tsansa na ito ay gumaling. Ngunit, sa kasamaang palad, kung ang kanser ay tuluyan ng kumalat sa loob ng katawan ng tao, ang paggamot nito ay mas magiging mahirap at mayroong mga pagkakataon na kung saan nagiging impossible na ang paggaling.

Ang kanser sa cervix, suso at matris ang mga pinakaraniwang kanser ng mga babae. Ang iba pang uri ng karaniwang kanser sa parehong babae at lalaki ay ang kanser sa baga, bituka, atay, tiyan, bibig at maging sa balat.

Isang pananaliksik ang kumakailan lamang na ginawa at natuklasan na ang extract na nagmula pa sa graviola fruit o kilala rin bilang soursoup o guyabano para sa mga Pilipino ay mabisa sa pagsugpo at pagpatay sa malignant cells ng labing dalawang (12) uri ng kanser. Ito ay sinasabing mayroong kakayahan na patayin ang mga apektadong cells sa lung, colon, liver, pancreas, cervical, prostate, ovarian at maging ang breast kanser. Ang nadiskubreng katangian nito ay sinasabing lubhang malaki ang importansya sa paglunas ng malalang klase ng sakit na ito.

Ang guyabano ay sinasabing kilala dahil sa bunga ng puno nito na siyang masabaw at paboritong kainin ng maraming bilang ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ito ay mayroong balat na kulay berde at may tusoktusok din ito. Sa kabilang banda, ang laman naman nito ay maputi at masabaw. Ang puno ng guyabano ay may katamtaman lamang na laki at ang dahon naman nito ay makinis. Kilala ito na tumutubo sa napakaraming lugar sa buong mundo, partikular na sa Timog Amerika at Timog Silangang Asya na kung saan kabilang ang Pilipinas.

Isang pathologist na siyang nagmula pa sa University of Nebraska ang nakatuklas sa kakayahan ng prutas na ito sa paggamot ng pancreatic kanser ng dahil sa kakayahan nito na malakas na pababain ang tumorigenicity at binabago rin nito ang metabolism ng mga tumor cells.

Bukod pa dito, isang laboratory study ang siyang isinagawa at nagsabi na ang fruit extract na nagmula pa sa guyabano ay 10,000 beses na mas mabisa sa pagsugpo ng colon kanser cells kung ikukumpara sa Adriamycin na kilala bilang isang pangkaraniwang gamot na siyang ginagamit na chemotherapy drug. Ito ay may kakayahan na patayin ang mga kanser affected cells at hindi ang ibang cells na malusog at masigla pa.

Ang nakamamanghang prutas na ito ay nakapagtataka rin ang naging bisa at epekto sa paglunas ng isa pang uri ng kanser, ang cervical kanser. Isa pang pagaaral ang siyang isinagawa at nagpakita na mayroong kakayahan ang extract mula sa prutas na ito na pigilan ang pagkalat ng kanser cells at kaya rin nitong hadlangan ang paglaki ng MDA-MB-468 cells na isinagawa sa vitro at vivo na pagsusuri sa isang mekanismo na siyang dahilan para maging aktibo ang EGFR/ERK signaling pathway.

Isa lamang ang ibig sabihin nito, ang extract na nagmula sa prutas na ito ay mayroong kakayahan na protektahan ang mga kakabaihan sa EGFR over expressing BC.

Para sa kaalaman ng mga tao, ang nakamamanghang katangian ng prutas na ito ay dahil sa kaniyang acetogenins na kilala bilang mga potent substances na siyang nakakapagpigil sa NADH oxidase ng kanser cells plasma membranes at maging hadlangan ang paglaki at paglala ng kanser sa katawan ng tao.

Bukod pa dito, ang prutas na ito ay sinasabi rin na mayaman sa kapaki pakinabang na bagay katulad na lamang ng phytochemicals na kabilang ang asimolobine, quercetin, friedelin, kaempferol, anonaine, xylopine, isolaureline, anomurine at maging ang annonamine.

Ano ano pa ang mga sustansya na maaring makuha mula sa Guyabano?

Ang iba’t ibang parte ng halamang guyabano ay maaring makuhaan ng nakaparaming klase at uri ng mga kemikal at sustansya na siyang kailangan ng katawan at maari pang makapagbigay ng benepisyo para sa kalusugan, narito ang iilan sa kanila:

  • Ang mga pangunahing substansya na siyang taglay ng guyabano ay ang tannins, steroids at maging ang cardiac glycosides.
  • Ang dahon naman ng guyabano ay mapagkukuhaan ng langis kagaya na lamang ng myricyl alcohol, sitosterol at maging mga fatty acids kagaya ng oleic, linoleic, at stearic acids. Mayroon din itong lignoceric acid at anolol.
  • Ang bunga naman nito ay nagtataglay ng saccharose, dextrose at levulose.
  • Ang balat ng kahoy ng guyabano ay mayroong acetogenin, solamin, triterpenoids, stigmasterol at maging sitosterol.
  • Ang buto naman nito ay mayroong taglay na lactones, annomonicina, annomontacina, annonacina, annomuricatina, annonacinona at maging javoricina.
  • Ang parehas na katas at laman naman ng bunga nito ay mayroong taglay na carbohydrates, fiber, retinol, ascorbic acid, flavonoids at maging ang tannin.

Talagang siksik ang guyabano sa mga masusustansyang kemikal na siyang makatutulong para sa isang malusog at magandang pangangatawan ng tao. Ano pang hinihintay mo? Simulan mo na ang pagkonsumo nito upang maiwasan at tuluyan na ring mapuksa ang kanser.

You may also like...