Apat na halaman na tumutulong mag protekta sa utak laban sa Alzheimer’s, depresyon, anxiety, atbp

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang apat (4) na herbs o halaman na maari ninyong gamitin upang maprotektahan ang kalusugan ng inyong utak at pagiisip at upang maiwasan na rin ang sobrang pagiisip sa mga bagay bagay at ang pagkakaranas ng matinding stress.

Narito na ang apat (4) na herbs o halaman na proprotekta sa iyong utak at isipan:

  • Ang Rosemary o kilala bilang “Dew of the Sea”

Ang rosemary o mas kilala rin sa katawagan nitong “Dew of the Sea” ay matagal ng ginagamit mula noong unang panahon pa lamang bilang isang memory booster. Sinasabi na ito ay nagtataglay ng mayamang antas ng mga vitamins at minerals kagaya na lamang ng iron, calcium at maging ng vitamin B. Maari mo rin itong gamitin bilang isang langis na makatutulong para sa pananakit ng ulo, bilang tsaa na maari mong inumin sa pang araw araw at maari mo rin itong ihalo sa iba’t ibang klase ng mga lutuin.

  • Ang Gingko Biloba o mas kilala bilang Maidenhair Tree

Ang uri ng halaman na ito ay mayroong kakayahan na palakasin ang iyong memorya at mapabuti rin ang sirkulasyon ng dugo sa iyong utak. Ito rin ay madalas na tinatawag at kilala sa pangalan na “brain herb.” Maraming mga pagaaral ang siyang isinagawa at nakapagpatunay na talagang mabisa ang halaman na ito para sa mga tao na mayroong sakit na dementia dahil ito ay mayroong kakayahan na ayusin ang mga nasirang nerve cells ng dahil sa kondisyon na ito. May mga pagkakataon din na kung saan ito ay nagiging mabisa para sa sakit na Alzheimer’s disease kung ikukumpara sa mga gamot na siyang nabibili sa mga botika at higit sa lahat ito ay natural.

  • Ang Peppermint

Sa katunayan, ang peppermint ay maraming maitutulong at magagawa para sa kalusugan ng isang tao at maari rin itong magamit bilang panlunas sa mabahong hininga at mag sakit na mayroong kaugnayan sa tiyan. Ang dahon na siyang taglay nito ay maaring kainin o kaya ay ihalo sa sa tubig upang makagawa ng tsaa. Ito ay mayroong kakayahan na bawasan ang sobrang pagaalala na meron ang isang tao, kaya rin nitong pakalmahin ang isipan at maging tanggalin ang sobrang pagod na nararanasan. Mas magiging maayos na rin ang antas ng oxygen sa dugo sa tulong nito at mas makokontrol na rin ang antas ng blood pressure. Ito ay maaring makatulong sa pagpapaginahawa ng parehong isipan at katawan ng dahil sa mint na kaniyang taglay.

  • Ang Ginseng o kilala rin bilang Panax Quinquefolius

Ang ginseng ay nagtataglay ng kakaibang kakayahan kagaya na lamang ng brain boosting, mood enhancing at maging ang anti-inflammatory na mga components na lubhang makatutulong para sa kalusugan ng parehong katawan at isipan ng isang tao. Ipinapakita rin sa ilang mga pagaaral na siyang isinagawa ng mga eksperto at mananaliksik na ang mga tao na mayroong sakit na Alzheimer’s disease na siyang gumagamit ng ginseng supplement sa loob lamang ng tatlong (3) magkakasunod na buwan ay nakapagdulot ng mas mabuting kondisyon ng karamdaman at pagiisip. Napatunayan ng pagaaral na ito ang kakayahan na siyang taglay ng ginseng. Maari kang uminom ng ginseng supplement o kaya ay guawa ng sarili mong tsaa na maari mong inumin sa pang araw araw upang mas maging maganda ang iyong pakiramdam at mabawasan ang sobrang pagiisip sa mga bagay bagay at mga problema.

You may also like...