Ayusin ang inyong kidneys sa natural na paraan gamit ang baking soda

Ang kalusugan ng bawat organs sa loob ng katawan ay marapat lamang na bigyan ng halaga at pansin ng bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kung hind imaging saan mang sulok ng mundo upang maiwasan ang iba’t ibang klase ng mga sakit at komplikasyon na siyang may kakayahang magpahirap sa buhay ng tao. Kaya nararapat lamang na ating alagaan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog, balanse at pagkain ng mga masusutansiyang pagkain, maging ang pageehersisyo at pagiwas sa mga bisyo kagaya ng paninigarilyo at paginom ng alkohol.

Ang baking soda o kilala rin bilang sodium bicarbonate ay isang klase ng keminal na compound na nasa anyong white solid crystalline at madalas itong nasa pulbos na kaanyuan na siyang mayroon na maasim na lasa at may katangiang alkaline.

Ito ay nagtataglay ng maraming klase ng mga katangian na siyang magagamit ng tao sa maraming taon. Sa sinaunang Egypt, ito ay ginagamit ng mga tao ang natural na deposito ng sodium bicarbonate upang makagawa at makalikha ng mga pinta para sa kanilang panulat na kilala bilang hieroglyphics.

Ang kauna unahang pabrika na siyang nakagawa ng baking soda ay nabuksan noong 1846 sa New York, ito ay pinapamahalaan ng dalawang (2) bakers na kilala bilang sina John Dwight at Austin Church. Ito ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga pakinabang kagaya na lamang ng kakayahan nitong makatulong sa paglilinis, paggagamot, pagpapaganda at napakarami pang iba.

Narito ang ilan sa mga medicinal uses ng baking soda:

  1. Nakatutulong sa pagtaas ng pH levels
  2. Kapag ito ay inihalo sa tubig sa anyo ng isang paste, ito ay may kakayahang makapaggamot ng allergic reactions ng dahil sa poison ivy at sumac
  3. Ang paghalo ng baking soda sa tubig ay nakalilikha ng isang epektibong antacid
  4. Ito rin ay mabisang lunas para sa mga splinters

Maraming tao ang hindi nakakaalam na malaki ang pakinabang at naitutulong ng sodium bicarbonate na siyang nakatutulong sa pagpigil at paglala ng kidney failure.

Ang sodium bicarbonate ay lubhang napakahalaga sa kalusugan ng mga tao. Ito ay nililikha ng kidneys at pancreas upang mapigilan ang pagkasira ng bato sa loob ng katawan. Subalit, kapag ang produksyon nito ay biglang bumaba, naiipon ang acid sa katawan at mahihirapan na ang tao na pababain pa ang dami nito.

Sa puntong ito, ang cellular deterioration ay nagsisimula na at kailangan ng pigilan ng katawan ang pagdami ng acid at pataasin naman ang antas ng nutrients, tubig at maging ang oxygen sa loob ng katawan.

Sa artikel na ito, aming ibahahagi sa inyo ang ilan sa mga pamamaraan sa kung paano ninyo maaring gamitin ang baking soda upang maging maayos ang kalagayan at pagtakbo ng inyong kidneys. Ito lamang ang kakailanganin ninyong gawin:

Una, tunawin ang kalahati na kutsara ng baking soda sa ilalim ng inyong dila. Kinabukasan, ihalo ang kalahati na kutsara ng baking soda sa ½ kutsarang asin at maging sa 1.5 liters ng tubig. Inumin ang pinaghalong sankap na ito sa loob ng dalawa (2) hanggang sa tatlong (3) araw.

Ang mga tao na siyang nakararanas ng sakit sa bato ay kadalasang mayroong mababang bicarbonate levels at ang klase ng medical condition na ito ay tinatawag o kilala bilang metabolic acidosis.

Ayon kay Dr. Thomas P. Kennedy:

“Ang pagpalit ng sodium bicarbonate sa salin infusion bago ang pamamahagi o pagkalat ng radio contrast material ay nagpapababa na tyansa na manyari o maganap ang nephropathy.”

Mayroong mahigit tatlong (3) milyon mga British na nagdudusa at mayroong chronic kidney disease at halos 37,800 sa mga pasyente na ito ang nangangailangan na sumailalim sa renal therapy, na nagkakahala ng higit kumilang na ng $45,165 o mahigit £30,000 sa euro taun taon.

Ang mga mananaliksik na nanggaling pa sa White Chapel Hospital sa Royal London ay nagsagawa ng kauna unahang controlled test sa isang clinical testing na kung saan kanilang natuklasan at nadiskubre na ang sodium bicarbonate ay mayroong mabisang kakayahan na mapababa ang epekto ng sakit na kidney.

Ayon sa kanilang team leader na nagngangalang Magdi Yaqoob, isang kilalang propesor ng renal medicine: “Ito ang kauna unahang klase ng isang controlled study at lubhang nakapagtataka ang naging resulta nito.”

Dagdag pa niya, “Ang isang simpleng gamot na katulad na lamang ng sodium bicarbonate o kilala rin bilang baking soda, na kapag nagamit ng maayos ay talagang napakaepektibo sa ganitong mga pagkakataon.”

Ang klase ng pagaaral na ito ay kinabibilangan ng mahigit 134 na test patients na mayroong advanced kidney disease at metabolic acidosis, at ang random na pagpili sa maliliit na grupo ay siyang binigyan sa pang araw araw ng kakaunting dosage ng sodium bicarbonate na nasa anyo ng pills sa loob ng isang (1) taon.

Sa dulo ng kanilang ginawang pagaaral, ang kanilang kidney function ay bumaba sa normal na bilis siyang inaasahan sa normal na pagtanda at nabawasan din ang pangangailangan nila ng dialysis.

Ang grupo rin na ito ay nagkaroon ng mahigit 2/3 na mas mabagal na paghina ng katawan at kalusugan kumpara sa ibang mga sumali na pasyente. Mahigit kumulang 9% lamang ng grupo ang nabigyan ng dosage ng sodium bicarbonate ang may malubhang kidney disease.

Ayon pa kay Professor Magdi Yaqoob, “Ipinapakita lamang ng pag aaral na ito na ang baking soda ay mayroong malaking parte at pakinabang sa mga taong nahihirapan at mayroong kidney failure. Ngunit nararapat lamang na bigyan ng matinding pansin at halaga ang dosage na siyang gagamitin ng mga tao mula sa baking soda.”

Ipinaliwag din ng propesor na ang nangyayari sa paggagamot na ito, “Ang nangyayari, pinipigilan ng baking soda ang pamamaga ng kidney dahil sa isang chemical reaction na siyang nagpapababa ng produksyon ng ammonia na matatagpuan sa ating bato.”

Ani pa niya, “Ang mura at simpleng paraan na ito ay mayroong kakayahan na mapabuti rin ang nutritional well-being ng mga pasyente at nagtataglay din ito ng malaking potensyal na makatulong din sa pagaayos ng kalidad ng buhay at saka hindi mo na ring kakailanganing sumailalim pa sa mga dialysis. Ang baking soda ay hindi kilala bilang isang uri ng gamot kaya ang klase ng pananaliksik na ito ay hindi ginawa noong unang panahon pa man.”

Upang mas maging maayos ang iyong pamumuhay at mas maging epektibo ang paggagamot na ito, nararapat lamang na sabayan mo ito ng pagkain ng mga masusutansyang pagkain, pagkakaroon ng balanseng diet, pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog at pahinga, pageehersisyo araw araw at maging ang pagiwas sa mga iba’t ibang klase ng mga bisyo kagaya na lamang ng paninigarilyo at paginom ng alak.

You may also like...