Bakit hindi dapat uminom ng kape sa umaga ng walang laman ang tyan

Napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo na siyang umiinom at nagkokonsumo ng kape tuwing umaga sa kanilang paggising, lalong lalo na ang mga Americano. Maging dito sa Pilipinas, madalas sa mga matatanda ang pag inom ng kape tuwing bilang kanilang almusal.

Hindi na nakakapagtaka at walang kaduda dua na mahalaga para sa katawan ng tao ang kape para mas maging alerto ang mga tao, magising ang diwa at tumaas ang enerhiya. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na hindi dapat ito inumin kapag walang laman ang tiyan, lalong lalo na sa umaga.

Ang caffeine o kilala rin bilang kapeina ay nagtataglay ng mapait na lasa at ito ay nagmula sa ilang mga uri ng halaman. Karaniwan itong matatagpuan sa napakaraming uri at bilang ng mga inumin katulad na lamang ng kape, tsaa, softdrinks o soda, cacao o tsokolate, kola nuts at ilan pang mga gamot na kung tawagin ay stimulants. Ang caffeine ay mayroong kakayahan na makapagdulot ng karagdagang enerhiya at pansamantalang nagbibigay ng tulong upang maging alerto at maliksi ang katawan. Bukod sa umaga, madalas din itong iniinom ng mga tao sa tuwing sila ay mayroong gawain na dapat matapos sa trabaho man o sa paaralan.

Sinasabi na salungat sa palasak na paniniwala na hindi kayang labanan, walang kakayahan o tanggalin ng caffeine ang epekto ng alkohol pagkatapos mag lasing. Hindi  nakakatulong sa pag kawala ng kalasingan ang pag inom ng black coffee. Ang caffeine ay maari lamang gamitin bilang isang pansamantalang lunas sa pagkahapo o paglaban sa antok.

Ang pag inom ng kape ay sinasabing walang nutrisyon na makukuha at wala rin itong naidudulot na maganda para sa kalusugan at katawan ng tao.

Ang pag inom ng black coffee habang walang laman ang iyong tiyan ay maaring magdulot ng pag agos ng hydrochloric acid sa loob ng digestive tract. Kapag may naranasan kang epekto ng gastritis ay maaring dahil ito sa iyong madalas na pag inom ng kape habang walang lamang ang iyong tiyan.

Ayon sa mga eksperto at dalubhasa, ang katamtamang halaga ng pag konsumo ng kape ay umaabot lamang sa mahigit kumalang na dalawang daan o 200 hanggang sa tatlong daan o 300 milligrams sa loob ng isang araw. Ito ay sinasabi na nasa dalawa (2) hanggang sa apat (4) na tasa at ito ay hindi nagdudulot ng kahit na anong klase ng epekto sa kalusugan at katawan ng tao.

Sa kabilang banda, maituturing naman na malakas na ang pag konsumo nito kung ito ay aabot sa mahigit kumulang na apat na raan o 400 milligrams o sinasabing mga apat (4) na tasa at pataas. Ito ay maari ng magdulot ng hindi kanais nais na mga sintomas na katulad na lamang ng insomnia o kahirapan at kakulangan ng sapat na oras at kalidad ng tulog, pagiging nerbiyoso, madalas na pagkakabagabag, madalas na pagiging irritable, pangangasim ng sikmura o kilala rin bilang gastroenteritis, mabilis na pagtibok ng puso o palpitation, pangangatog ng kalamnan o muscle tremors, pagkakaroon ng depression, nausea o pagkaduwal, madalas na pagpunta sa banyo para umihi at higit sa lahat madalas na pagsusuka.

Ang pag inom ng kape ay mayroong kakayahan na maging balakid para sa kalusugan o nourishment ng tiyan. Kapag kumain ka ng malaking serving ng pagkain ay mahihirapan itong tunawin ng iyong tiyan dahil hindi nito na proproseso ng maigi ang mga proteins na siyang taglay ng pagkain na iyong kinain.

At dahil dito ay baka makapag dulot pa ito ng iba’t ibang klase ng mga kondisyon na kagaya na lamang ng aggravation of the entails, bloating, disturbance at posibleng cancer of the colon.

Ipinapayo ng mga eksperto at dalubhasa na iwasan na ang pag inom at pag konsumo ng kape sa sa umaga kapag wala pang laman na kahit na anong pagkain ang iyong tiyan.

Sinasabi na matagal ang epekto na siyang nagagawa ng kape at dahil dito ay tumataas ang antas o level ng acid sa loob ng tiyan na siyang maaring magresulta o makapagdulot ng bloating at vomiting o pagsusuka.

Kung hindi talaga maiiwasan at gusto mo talagang uminom ng kape sa umaga dahil ito na ay iyong nakasanayan at nakagawian, maari ka munang kumain ng kahit na ano, katulad na lamang ilang piraso ng tinapay bago ka tuluyang uminom nito upang magkaroon ng laman ang iyong tiyan.

Sinasabi na ang bisa o ang epekto ng kape ay madaling makuha ng katawan at ito ay maaring mapunta agad sa utak. Hindi ito naiipin sa dugo o naitatago ng katawan. Mabilis itong lumalabas ng katawan sa pamamagitan ng pag ihi matapos ng ilang oras na ito ay ininom o nakonsumo.

Nararapat lamang na iwasan ang labis o sobra sobra na pag inom at pag konsumo ng caffeine dahil ito ay hindi nagdudulot ng ano mang klaseng magandang epekto para sa kalusugan ng tao. Mayroon pa ngang mga pagkakataon na ang sobrang pag konsumo at pag inom nito ay nakakapag dulot ng kamatayan sa hindi maipaliwanag na dahilan at hindi inaasahang pagkakataon.

Ayon kay Eric Braverman, isang doktor, ang nakakamatay dawn a dosis ng pag konsumo ng caffeine ay umaabot sa mahigit kumulang sampung libo o 10,000 milligrams na katumbas ng mahigit isang daan o 100 na tasa ng kape o mahigit kumulang na pitumpu o 70 na energy drinks.

Nararapat lamang na ating itatak sa ating isipan na ang lahat ng sobra ay hindi maganda para sa kalusugan. Upang maiwan ang ano man uri ng komplikasyon, nararapat lamang na sundin ang mga nirerekomenda ng mga eksperto dahil ito rin naman ay para sa kalusugan nating mga tao. Ang pagkonsumo ng kape sa umaga habang wala pang laman na kahit ano ang ating mga tiyan ay dapat talagang iwasan at kung hindi talaga kaya ay kumain ng kahit na ano bago pa man uminom nito. Alagaan natin ang ating mga katawan dahil ito lamang ang natatanging yaman na mayroon tayo bilang tao. Gawin ang tama at sumunod sa sinasabi ng mga dalubhasa upang sa huli ay hindi magsisi at walang sakit na maranasan.

You may also like...