Bakit hindi nyo dapat bunutin ang halaman na ito sa bakuran nyo

Ang purslane at kilala rin sa siyentipiko nitong pangalan bilang Portulaca Oleracea, ito rin ay popular sa katawagan na pigweed, maliit na hogweed, fatweed at maging pusley. Ang makatas na halaman na ito ay nagtataglay ng halos 93% na tubig. Ito ay mayroong kulay pula na mga ugat at maliliit na kulay berde na mga dahon. Ito ay nagtataglay ng bahagyang maasim at maalat na lasa kagaya na lamang ng sa spinach at watercress. Maaari mo itong idagdag sa ilang mga resipe o bilang substitute sa spinach lettuce sa mga sandwiches.

Narito ang ilan sa mga health benefits na taglay ng purslane:

Omega-3 fatty acids

Sa katunayan, ang halaman na ito ay naglalaman ng dalawang kalse ng omega-3 fatty acids, ang ALA at ang EPA. Ang ALA ay maaaring matagpuan sa maraming mga halaman, ngunit sa kabilang banda, ang EPA ay matatagpuan sa karamihan ng mga produkto na mula sa hayop, kagaya na lamang ng matabang isda at algae. Kung ito ay ikukumpara sa iba pang klase ng mga gulay, iba pa ito sa ALA. Ito ay nagtataglay ng lima (5) hanggang pitong (7) beses na higit pang ALA kaysa sa spinach.

Calcium at Iron

Ito ay nagtataglay ng parehong calcium at iron na talagang importante para sa kalusugan ng tao, lalong lalo na para sa buto.

Vitamin A

Ito ay nagtataglay ng mayamang antas ng vitamin A kung ikukumpara sa iba pang green leafy vegetables. Ito ay mayroong kakayahan na protektahan ang isang tao sa sakit na kanser. Ito ay nakatutulong din sa pagpapalinaw ng mata.

Beta-carotene

Ito ay may kakayahan na makapagbigay ng pitong (7) na mas maraming beta-carotene kaysa sa carrots.

Vitamin C at iba pang minerals

Ito rin ay mayaman sa vitamin C at kilala rin bilang ascorbic acid. Ito ay mahalaga sa pagpapanatili sa kagandahan at kalusugan ng balat, kalamnan o muscles at buto. Ito rin ay nagtataglay ng mga minerals kagaya na lang ng magnesium, riboflavin, potassium at phosphorus. Ito rin ay mayaman sa dietary fiber at mababa sa calories.

Vitamin E

Ito ay anim (6) na beses na mas maraming vitamin E kaysa sa spinach at lettuce kaya mas madalas itong ginagamit sa mga sandwiches. Ito rin ay nagtataglay ng vitamin E na tinatawag bilang alpha-tocopherol na siyang nagproprotekta sa mga cells mula sa pinsala.

Glutathione

Ang mahalaga at importanteng antioxidant na ito ay mayroong kakayahan na protektahan ang mga selula mula sa damage o pinsala.

Melatonin

Ito ay may taglay na melatonin na isang uri ng hormone na siyang nakatutulong sa pagkakaroon ng isang maganda at sapat na oras nag tulog at iba pang uri ng benepisyo.

Betalain

Ito ay mayroong betalains, isang uri ng antioxidants na siyang nagproprotekta ang katawan mula sa LDL o low density lipoprotein na kilala bilang bad cholesterol. Ayon sa pananaliksik, ang antioxidant na ito ay matatagpuan sa mga buto ng halaman na ito.

Para sa mas magandang resulta, ang halaman na ito ay dapat na kainin sa pang araw araw o ihalo sa regular na diet. Maaari kang magtago ng tamang dami nito sa loob ng inyong refrigerator na siyang tatagal ng tatlo (3) hanggang apat (4) na araw.

Gayunpaman, ayon sa ilang mga medical experts, ang mga tao na kilala na mayroong oxalate urinary tract stones ay nirerekomenda na huwag kumain o komunsumo ng halaman na ito dahil ito ay nagtataglay ng oxalic acid na isang naturally occurring substance na madalas ba nakikita sa ilang uri ng mga gulay.

You may also like...