Bawang sa gatas para labanan ang asthma, pneumonia, tuberculosis at iba pang mga sakit

Ang bawang o garlic sa ingles ay talagang popular at matagal ng ginagamit noong unang panahon pa lamang bilang isang sangkap sa mga lutuin na madalas na nakikita sa kusina ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na ang sangkap na ito ay nagtataglay ng mga mabubuting pakinabang para sa kalusugan ng tao ng dahil sa malakas na taglay nitong antibiotic at anti-inflammatory na mga katangian na maaring makatulong upang labanan ang iba’t ibang uri ng mga sakit, impeksyon at karamdaman.

Sa tulong ng artikulo na ito, inyong mababasa ang isang nakakamanghang resipe na isang inumin na siyang gawa sa parehong bawang at gatas na maari ninyong gamitin bilang isang gamot na napakabisa upang mapabuti ang kalusugan ng isang tao. Ang resipe na ito ay kilala bilang garlic milk. Ito ay isang natural na panlunas na siyang magagamit para sa napakaraming bilang ng mga sakit at karamdaman, lalong lalo na ang may kaugnayan sa tiyan. Ito ay isang alternatibong panggamot na siyang ginagamit noon pa man upang malabanan ang mga sakit at iritasyon na siyang nararanasan ng katawan at siyang sagabal sa normal na pamumuhay ng isang tao.

Paano mo ito gagawin?

Narito na ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • 500 millimiteres na gatas
  • 10 binalatan at hiniwa na cloves ng bawang
  • 2 hanggang 3 kutsarita ng asukal
  • 250 milliliters ng tubig

Narito na ang pamamaraan na dapat mong gawin:

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang magawa ang resipe na ito. Kinakailangan mo lamang na ibuhos ang parehong tubig at gatas sa isang kaldero. Pagkatapos ay ilagay mo na rin dito ang bawang bago mo tuluyang painitan sa apoy. Maghintay ka lamang ng ilang minuto hanggang sa ito ay kumulo. Panatilihin mo lamang na nasa katamtaman ang init nito at huwag kang titigil sa paghahalo nito hanggang sa mawala ang halos kalahating tubig nito ng dahil sa evaporation. Sa huli, salain at haluan mo ito ng asukal. Mas magiging mabisa kung ito ay iyong iinumin habang ito ay mainit pa.

Narito ang ilan sa mga health benefits na iyong makukuha mula sa garlic milk:

  • Ito ay maaring gawing gamot para sa sakit na pneumonia

Kung ikaw ay iinom ng garlic milk ng halos tatlong (3) beses sa pang araw araw ay maaring magamot ng lubusan ang sakit na pneumonia at hindi ka na mahihirapan pa.

  • Ito ay makatutulong para sa mga taong may asthma

Kung ikaw ay kakain ng hindi kukulang sa tatlong (3) cloves ng bawang sa bawat gabi, magugulat ka na lamang sapagkat maari nitong maibsan ang sintomas ng asthma at giginhawa ang iyong paghinga.

  • Ito ay maaring gamiting panlunas para sa jaundice

Kung iinom mo lamang ang panlunas na ito ng hindi kukulang sa apat (4) hanggang sa limang (5) araw ay maari mo ng magamot ang sakit na jaundice. Ang bawang ay makatutulong ng lubos upang maalis ang mga naipong toxins sa loob ng katawan sa tulong at pamamagitan ng atay.

  • Ito ay epektibo para sa mga problema sa puso 

Ang garlic milk ay talagang mabisa sa pagbabawas ng dami ng bad cholesterol o kilala rin bilang LDL sa loob ng katawan ng isang tao. Sa katunayan, ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang pagbuo ng mga dugo sa mga ugat at pinapabuti rin nito ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan.

  • Ito ay nakatutulong para sa mga taong mayroong insomnia

Ang garlic milk ay talagang epektibo at makakatulong para sa mga taong nahihirapan matulog ng mahimbing sa gabi ng dahil sa mga nakakapagbigay na ginhawa na siyang katangian na mayroon ang bawang.

  • Ito ay mabisa para sa sakit na rayuma o arthritis

Ang madalas at regular na pagkonsumo sa garlic milk ay maaring makatulong upang maibsan ang mga sintomas at senyales ng sakit na rayuma o arthritis kagaya na lamang ng pamamaga at sobrang pananakit ng mga kasu kasuan sa katawan.

  • Ito ay maaring gamitin bilang gamot sa sakit na tuberculosis

Sa katunayan, ang garlic milk na ito ay talagang isang mabisang panlunas para sa mga sakit na mayroong koneksyon sa baga ng tao. Ang garlic ay nagtataglay ng Sulphur components na siyang mabisa upang labanan ang sakit na tubercolis.

  • Ito rin ay epektibo para sa ubo 

Kung ihahalo mo lamang ang turmeric sa bawang, ito ay maaring makabuo ng isang epektibong panlunas na maari mong gamitin laban sa paulit ulit at pabalik balik na ubo. Ito rin ay makapagbibigay ng kaginhawaan na makatutulong upang ikaw ay makahinga ng mas maayos.

  • Ito ay nakakapagbigay ng gana sa pagtatalik at nagbibigay lunas sa impotence

Lingid sa kaalaman ng nakakarami na ang garlic milk ay talagang epektibo at nakatutulong para sa mga lalaki upang sila ay tigasan sa kanilang pakikipagtalik. Ito rin ay nakatutulong upang makapagbigay ng gana sa mga tao na gustong magtalik. Ang pagkonsumo sa pinakuluang bawang ay isang mabisang panlaban para sa infertility o pagkabaog sa kapwa babae at lalaki.

  • Ito ay nakatutulong upang mapababa ang antas ng cholesterol

Ang uri ng resipe na ito ay mabisang gamitin upang mabawasan ang sobrang dami at sobrang taas na antas ng bad cholesterol o kilala rin bilang LDL sa loob ng katawan ng isang tao lalo na kapag ito ay ininom sa pang araw araw.

  • Ito ay maaring gamitin para sa sciatica

Ang madalas at regular na pagkonsumo sa uri ng resipe na ito ay maaring magamit bilang isang epektibong panlunas upang mabawasan ang sakit na siyang nararamdaman ng isang tao ng dahil sa sciatica.

Ano pa ba ang hinihintay mo? Matapos malaman ang lahat ng mga benepisyo na maari mong makuha mula sa regular na paginom ng resipe na ito nararapat lamang na ito ay madalas mo ng gawin at inumin. Hindi ka lamang matutulungan nitong labanan ang iba’t ibang uri ng mga sakit at karamdaman bagkus, matutulungan ka rin nito upang mapalakas ang iyong katawan. Basta araw arawin mo lamang ang pagkonsumo sa garlic milk at magugulat ka na lamang dahil talagang mabisa at makikita mo ang mga pagbabago na dulot nito para sa iyong katawan. Maari mo ring ibahagi ang artikel na ito sa iyong mga mahal sa buhay upang matulungan din sila ng simple at mabisang resipe na ito.

You may also like...