Benepisyo ng paginom ng baking soda at lemon water araw araw

Maraming mga natural na gamot ang siyang maaring gamitin ng tao kung sila ay magtyatyaga lamang maghanap at gumamit ng mga ito kaysa sila ay patuloy na gumamit ng mga kilalang gamot na siyang nabibili sa mga botika at health drug store na wala namang tiyak na kasiguraduhan at madalas pang nagkakaroon ng mga negatibo at hindi inaasahang epekto sa katawan ng tao.

Mabuti na lamang at tayo ay biniyayaan ng Diyos ng mga natural na pagkain at mga sangkap na siyang magagamit ng tao sa kanilang pang araw araw na pamumuhay at kung minsan ay panglunas sa mga sakit na hindi inaasahan at maging matulungan ang katawan at kalusugan na lumakas at gumanda. At isa na rito ang lemon at baking soda.

Ang lemon ay sinasabing nagmula pa sa Timog Silangang Asia na siyang unti unting dinala ng mga tao sa kanluran hanggang sa Mediteraneo. Sanay at hiyang naman ang mga puno ng lemon sa banayad na klima, kaya naman ang mga puno nito ay namumunga ng madali at husto lalo na sa mga kilalang bansa katulad na lamang ng Argentina, Italya, Mexico, Spain at maging sa ilan pang lugar ng Aprika at Asia. Depende ang dami at kalidad ng bunga nito sa kung anong uri nito at sa kung saan ito nakatanim, ngunit kung tutuusin, ang isang puno ng lemon ay may kakayahang mamunga ng mahigit kumulang 200 hanggang sa 1,500 na piraso ng lemon sa isang taon. Ang mga tanim na lemon naman ay namumunga sa magkakaibang panahon kung kaya hindi mawawala ang lemon sa buong taon.

Ang lemon ay naging kilala dahil ito ay may kakayahang makapagbigay ng citric acid na siyang ginagamit na natural na preserbatibo at pampaasaim sa iba’t ibang klase ng mga pagkain at inumin. Sa kabilang banda, ang balat naman ng lemon ay napagkukunan ng pectin na siyang inilalagay sa mga pagkain dahil ito ay may kakayahang makapagpalambot, emulsifier at maging gelling agent. Para sa kaalaman ng iba, mayroon ding langis na siyang nakukuha sa balat ng lemon na siya namang ginagamit sa mga pagkain, gamot at maging sa kosmetik. Ilan lamang ito sa mga patunay na epektibo at tunay na kapanipakinabang ang klase ng prutas na ito. Tama ka nga na ang lemon ay makulay, malasa at maraming mapaggagamitan.

Ayon sa Fitlife.tv, ang lemon ay mayroong ibang klase ng kakayahan na kung saan ito ay makakasugpo ng mahigit kumulang 12 klase ng cancer cells. Ito rin ay mahigit 10,000 na beses na mas malakas kung ikukumpara sa medikasyon kagaya na lamang ng Adriamycin.

Sa ilang bansa sa mundo, ang nirerekomendang pagkonsumo ng Vitamin C kada araw para sa mga matatanda ay umaabot sa 100 na miligramo. Ang isang katamtamang laki ng lemon ay naglalaman ng halos kalahati ng nirerekomendang pagkonsumo ng Vitamin C sa pang araw araw na siyang sasapat batay sa pangangailangan ng katawan ng tao.

Sa kabilang banda, ang isang ordinaryo at pangkaraniwang baking soda na siyang makikita at mabibili sa mga supermarkets ay isang mabisang solusyon para sa mga madalas na problema ng tao sa kanilang kalusugan, balat, buhok at maging sa ilang partikular na bahagi ng katawan. Ang baking soda ay kilala rin sa ingles sa kanyang pangalan na sodium bicarbonate. Isa itong uri ng alkaline substance na siyang kumukontra sa mga acidic kemikal na siyang matatagpuan sa loob ng katawan.

Ito rin ay maaring gamitin ng tao sa kaniyang pang araw araw na pamumuhay bilang toothpaste, mouthwash, panglinis ng mga pustiso, retainers at mga mouth guards, maging gamot sa mga bungang araw at kagat ng mga insekto, para sa sunburn, para sa buhok at maging panlinis ng mukha. Ang baking soda ay isa sa mga pinapayo ng mga dokto para sa mga taong nagdudurasa sa isang mahinang uri ng kanser.

Ang soda lemon ay kilala sa buong mundo bilang isa sa pinakamabuting klase ng inum na siyang mabisa para sa malusog na pangangatawan at nakatutulong sa pagpapalusog ng tao. Idagdag mo na rin ang baking soda lemon na siyang nagbibigay ng lubos na pakinabang para sa kalusugan at katawan ng tao. Napatunayan na ito ay mayroong anti-carcinogenic content na siyang may kakayahang makapigil sa pagbuo ng kanser sa loob ng katawan ng tao. Ito rin ay maaring inumin sap ag araw araw upang maiwasan at tuluyang mapugsa ang sakit na kanser.

Narito ang ilan sa mga maitutulong mga dalawang nasabing sangkap para sa katawan mo:

  • Digestive Tract

Ayon sa isang klase ng pag aaral na siyang ginawa, ang baking soda ay natuklasang may kakayahan upang magalis ng mga toxins sa loob ng katawan ng tao lalo na sa digestive tracts. Ito ay may kakayahang makatulong ng malaki sa paglinis ng tiyan at mapagbuti ang pagtratrabaho nito.

Magugulat ka na lamang dahil manunumbalik ang normal na aktibidad ng iyong tiyan at maalis din ang lahat ng mga acids sa loob nito.

  • Pagkontrol sa Cholesterol

Ang Vitamin C na siyang matatagpuan sa lemonade ay kilala bilang mabisa sa makokontrol ang level ng cholesterol sa loob ng katawan ng tao.

Sa kabilang banda, ang baking soda ay may kakayahang mabawasan ang sintomas ng mataas na level ng cholesterol na kagaya na lamang ng hearburn at indigestion.

  • Paglinis sa Atay 

Lubos na maganda ang lemon lalo na kung isa ka sa mga tao na ayaw sa tinatawag na full liver detox. Ang laman ng lemon ay kilala dahil sa kakayahan nitong palakasin ang atay at upang malinis din nito ng lubusan ang mga toxins na siyang matatagpuan sa loob ng katawan ng tao. Ang baking soda naman ay mayroong ding kakayahan na katulad ng sa lemon. Ayon kay Dr. Sircus, ito rin ay nakatutulong upang alisin ang radiation poisoning para maiwasan ang permeation sa balat.

Mga sangkap na kakailanganin:

  • Kalahating piraso ng lemon
  • Isang kutsarita ng baking soda
  • Isang baso ng tubig

Preparasyon na dapat gawin:

Upang makagawa ng isang baking soda lemon water, kakailanganin mo lamang na gawin ay maglagay ng isang kutsarita ng baking soda sa isang baso ng tubig at haluan mo ito ng katas na siyang nanggaling sa kalahating lemon. Haluin mo ito ng mabuti bago mo inumin sa loob ng isang beses sa isang araw. Magugulat ka na lamang sa epekto na maidudulot nito sa iyong katawan.

You may also like...