Benepisyo ng paginom ng sabaw ng buko sa loob ng 2 linggo sa ating katawan

Ang coconut water ay punong puno ng mga natural na electrolytes at nagtataglay ng mayamang antas ng potassium. Sa katunayan, ito rin ay nagtataglay ng mababang antas ng carbohydrates na nasa mahigit kumulang 4.2% lalo na kung ikukumpara sa mga sports drinks na madalas na nagtataglay ng halos 10% na carbohydrates.

Isang pagaaral ang siyang isinagawa noong taong 2002 na siyang nagsasabi ng lahat ng bahay patungkol sa coconut water.

Kung iisiping mabuti, marami ang bilang ng mga tao ang siyang kulang ang kaalaman o hindi naman talaga alam kung ano ang coconut oil at maging ang napakaraming bilang ng mga benepisyo na taglay nito. Ang coconut water ay halos kaparehas lamang ang structure sa blood plasma na kadalasang natatagpuan sa bloodstream ng lahat ng tao sa mundo.

Bilang resulta, ang nakakamanghang inumin na ito ay malayang nagagamit sa mga laban o war bilang pamalit sa blood plasma dahil lubhang mahalaga ito para sa survival ng mga taong nasugatan sa laban na ito. Ang napakaraming bilang ng mga sugatan at nasaktan na mga tao ay binibigyan ng coconut water upang mas maging malakas sa pangmatagalang laban na kanilang kinakaharap.

Sa tulong ng artikulo na ito, aming ipapakita sa inyo ang ilan sa mga health benefits na maari ninyong makuha mula sa pagkonsumo sa coconut water na ito.

Ang tender na coconut water ay nagtataglay ng mas maraming nutrisyon kaysa sa mas mature na coconut water. Ito ay punong puno ng mga antioxidants, amino acids, enzymes, vitamin B complex, vitamin C at maging mga minerals kagaya ng iron, calcium, potassium, magnesium, manganese at kahit na zinc.

Narito ang ilan sa mga health benefits na maari ninyong makuha mula sa coconut water:

  • Binabalense nito ang pH levels

Ang pH value ay nasusukat kung gaano ka acidic o kadami ang alkaline at ito ay kadalasang umaabot mula sa 0 hanggang 14. Sinabi na kapag umabot sa 0 hanggang sa 7 ay kinokonsidera ito bilang acidic, ang 7 naman ay itinuturing na neutral at ang 7 hanggang 14 naman ay sinasabing alkaline o basic. Gayunpaman, ang pH value sa loob ng katawan ng tao ay lubhang napakahalaga. Ang ilang parte ay alkaline at ang iba naman ay acidic. Ang dugo sa kabilang banda ay madalas na kakaunting alkaline at lubhang napakadelikado at maaring ikamatay ng tao kapag ito ay naging acidic.

  • Nakakatulong ito para sa sakit na diabetes

Alamin naman natin ang taglay na nutrisyon ng coconut water at kung bakit ito ay maganda at mabisa para sa mga taong mayroong sakit na diabetes. Ang coconut water ay sterile at ligtas kung kainin ng kahit na sino. Mahalaga din na maitatak sa isipan ng bawat tao na ang paginom ng tubig mula sa coconut ay dapat madalas na ginagaw at hindi ang pagkonsumo sa magatas na anyo nito o ang laman nito na kilala bilang pulp. Ang maputing pulp na siyang taglay ng coconut ay kilala na mataas sa parehong asukal at fat.

  • Pinapataas nito ang antas ng enerhiya 

Hindi lamang maganda ang coconut water bilang pampalit sa kahit na anong uri ng energy drinks dahil ito rin ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga benepisyo kagaya na lamang ng kakayahan nito sa panatilihin ang kagandahan at kalusugan ng balat ng tao, pagalis sa mga toxins sa loob ng katawan at maging ang pagtulong sa pagpapalakas ng kalusugan ng cardiovascular system. Bukod pa riyan, ang coconut water ay nakakatulong din sa pagkontrol ng mga likido sa loob ng katawan ng tao upang maiwasan ang dehydration, makatulong sa metabolism upang mapabilis ang pagbawas sa timbang at mas maging mainam ang kalusugan ng digestive system.

  • Nakakatulong ito para sa hydration

Ang coconut water ay nagtataglay ng mababang antas ng parehong carbohydrates at sodium, at ito ay mayaman sa potassium. Ayon kay Clark, “Kahit ano pa ang piliin mo, sports drink man, coconut water o simpleng tubig lang, ang kailangan mo lang naman talaga ay panatilihin ang hydration ng iyong katawan.

  • Pinapababa nito ang cholesterol at triglycerides

Ang coconut water ay ang likido na siyang makikita sa loob ng bata at luntiang coconut. Sa kabilang banda, ang coconut milk naman ay gawa sa minasang laman ng coconut na mayroong kasamang tubig upang makabuo ng isang makapal na pulp na kadalasang inihahalo sa mga lutuin. Hindi katulad ng coconut milk, ang coconut oil ay natural na mababa sa asukal, sodium at fat at sa kabilang banda, mataas naman sa potassium, magnesium at kahit na pa calcium. Ang isang pagaaral na siyang isinagawa noong taong 2006 sa Journal of Medicinal Food ay nagsasabi na ang coconut water ay mayroong kakayahan na mapababa ang bad cholesterol o mas kilala bilang LDL cholesterol at mapataas naman ang good cholesterol o HDL cholesterol.

  • Pinapababa nito ang antas ng blood pressure

Hindi lamang masarap ang coconut water pero ito rin ay maaring maging isang natural na solusyon sa pagpapababa ng blood pressure ng hindi nahihirapan. Isang pagaarap ang siyang nagpakita na ang isa sa mga pangunahing natural na kakayahan ng coconut water ay makatulong para sa kalusugan ng puso. Mabuti na lamang at ang coconut water ay nadiskubre na nakakatulong sa pagpapababa ng antas ng blood pressure sa mahigit kumulang 71% sa mga tao na siyang sumali sa pagaaral na ito. Ang inumin na ito ay itinuturing na mahalaga sa nakararaming bilang ng mga tropical na kultura. Ng dahil sa mga taglay nitong tulong para sa kalusugan, at sa tulong na siyang nagagawa nito para mahydrate ang katawan, hindi na nakakagulat pa na ang coconut water ay higit na mas maganda at mas nagtataglay ng nutrisyon kaysa sa mga sports drinks o kahit na ano pang inumin.

Sana ay natulungan ka ng maikling artikel na ito na nagtataglay ng mga impormasyon patungkol sa coconut water at mga benepisyo na maari mong makuha mula rito. Maari mo ring ibahagi ang aritkel na ito sa ibang tao, lalong lalo na sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay upang malaman din nila ang kakayahan ng coconut water.

You may also like...