Dahon na kayang labanan ang iba’t ibang kondisyon tulad ng ulcer, uric acid at marami pang iba

Ang tuba tuba na dahon ay naging kilala at talagang popular ng dahil sa napakarami nitong taglay na kagamitan pagdating sa paglunas sa maraming bilang ng mga sakit at karamdaman kagaya na lamang ng kanser. Ito rin ay mabisa para sa ikabubuti ng kalusugan at ikagaganda ng pangangatawan ng tao.

Sa artikel na ito, aming ipapakita sa inyo ang ilan sa mga benepisyo na maari ninyong makuha mula sa pagkonsumo ng dahon ng tuba tuba para sa ikabubuti ng inyong kalusugan at pangangatawan.

Narito ang mga benepisyo mula sa dahon ng tuba-tuba:

  • Ito ay mayroong kakayahan na bawasan ang uric acid sa loob ng katawan

Ang mga matatanda ang siyang madalas na inaatake ng maatas na antas ng uric acid. Gayunpaman, maari rin itong mangyari sa kahit na sinong tao, mapababae man o lalaki. Mabuti na lamang at ang tuba tuba leaves ay maaring makatulong para sa ganitong kondisyon. Kinakailangan mo lamang na pakuluan ang sampung (10) piraso ng dahon na ito na medyo luma na ngunit kulay berde parin sa tulong ng isang basong tubig. Pagkatapos nito ay maari mo na itong inumin sa loob lamang ng dalawang (2) beses sa isang (1) araw.

  • Ito ay maaring makatulong sa pagbawas ng mataas na antas ng kolesterol

Ayon sa ilang mga pananaliksik na siyang isinagawa ng mga eksperto, ang tuba tuba leaves ay mayroong kakayahan na talagang pababain ang antas ng bad cholesterol o LDL na nasa dugo ng tao. Ito ay nagtataglay ng mayamang substances para sa ikatatanggal ng mga masasamang kolesterol na ito sa dugo. Ang LDL o bad cholesterol ay maaring makuha sa mga langis na mula sa mga pagkain na katulad ng fried duck, fried chicken, fritters at marami pang iba. Ang langis na ito ay tuluyan na naiipon sa loob ng katawan at nagiging pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng bad cholesterol sa katawan ng isang tao. Kaya’t hanggang mamaari ay huwag ng masyadong kumain ng mga mamantikang mga pagkain.

  • Ito ay maaring gamitin bilang panlunas sa sakit na kanser

Ang dahon na ito ay sinasabing mas mabisa kung ikukumpara sa chemotherapy. Kinakailangan mo lamang na kumuha ng sampung (10) piraso ng dahon nito at pakuluan kasama ng tatlong (3) baso ng tubig. Pagkatapos ay inumin mo ang resipe na ito ng dalawang (2) beses sa loob ng isang araw sa dalawang (2) sunod sunod na linggo. Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang paglaki at pagdami ng mga abnormal cells sa loob ng katawan ng tao.

  • Ito ay pwedeng maging gamot para sa diabetes

Maari mong magamit ang dahon ng tuba tuba para sa sakit na diabetes. Ito ay mayroong kakayahan na pababain ang antas ng blood sugar kapag ito ay ininom ng mainit na tubig na mayroong halo nito. Magugulat ka na lamang sapagkat magiging normal na ang antas ng iyong blood sugar at hindi na madalas na tataas pa.

  • Ito ay maaring gamitin bilang medikasyon sa asthma at kahirapan sa paghinga

Kinakailangan mo lamang na gumamit ng halos pitong (7) piraso ng dahon ng tuba tuba, pigain mo ang mga ito upang makuha ang taglay nitong katas hanggang sa umabot ito sa dami ng kalahating baso. Inumin mo ito tuwing umaga hanggang sa tuluyan ng bumuti ang iyong nararamdaman.

  • Ito ay pwedeng gamitin bilang panlunas sa ulcer

Simple lamang ang iyong kinakailangan na gawin, gumamit ka lamang ng walong (8) piraso ng matatandang dahon ng tuba tuba. Hugasan mo ang mga ito ng mabuti sa tulong ng mainit na tubig. Pigain moa ng mga ito hanggang sa sila ay mapino. Pagkatapos ay maari mo na itong gamitin sa iyong tiyan. Pabayaan mo lamang ito sa loob ng ilang minuto hanggang sa tuluyang matuyo bago mo hugasan at linisin ang parte na siyang pinaglagyan mo nito.

  • Ito ay mayroong kakayahan na bawasan ang mataas na antas ng blood pressure

Ang hypertension o mas kilala bilang high blood pressure ay isang delikado at seryosong kondisyon na maaring makapagdulot ng pagkakaroon ng stroke o atake sa puso. Upang mapababa ang mataas na antas ng blood pressure, kinakailangan mo lamang na uminom ng pinakuluang tubig na mayroong dahon ng tuba tuba.

  • Ito ay mabisang nakakatanggal ng mga acne

Kailangan mong durugin ang ilang piraso ng dahon ng tuba tuba. Haluan mo ito ng tubig at maari mo na itong gamitin para sa iyong mga acne. Siguraduhin mo lamang na masisipsip ng husto ng iyong skin pores ang tubig bago mo ito hugasan ng mabuti. Ang pamamaraan na ito ay ginamit na noong unang panahon pa lamang upang mapaganda ang mukha ng mga tao.

  • Ito ay nakatutulong upang mawala ang pananakit sa likod

Ang dahon ng tuba tuba ay maaring gamitin upang mabawasan ang pananakit sa likod. Kinakailangan mo lamang na gumamit ng mahigit dalawampung (20) piraso ng dahon ng tuba tuba at pakuluan moa ng mga ito gamit ang limang (5) baso ng tubig hanggang sa ito ay malusaw sa tatlong (3) baso na lamang. Inumin moa ng ¾ na baso nito sa pang araw araw.

  • Ito ay maaring gamiting gamot para sa katamtamang ubo

Para sa katamtamang ubo, kinakailangan mong gumamit ng pitong (7) piraso ng batang dahon ng tuba tuba. Pigain moa ng mga ito hanggang sa makuha mo ang katas nito na aabot sa isang baso. Inumin mo ito tuwing umaga habang wala pang laman ang iyong tiyan at bago kumain ng kahit na ano.

  • Ito ay pwedeng gamitin bilang panlunas sa hemorrhoids

Kinakailangan umiwas sa mga spicy at acidic na mga pagkain ng mga taong mayroong hemorrhoids. Maari mo rin itong sabayan ng paggamit ng tradisyunal na medikasyon kagaya na lamang ng paggamit ng dahon ng tuba tuba. Pakuluan mo lamang ang sampung (10) piraso ng dahon nito gamit ang tatlong (3) baso ng tubig. Inumin mo ito sa pang araw araw.

  • Ito ay maari mong gamitin bilang medikasyon sa eczema at rayuma

Kinakailangan mo lamang na gumamit ng halos limang (5) piraso ng dahon ng tuba tuba. Pigain mo ng mabuti ang mga ito hanggang sa maging pino. Pagkatapos ay maari mo na itong gamitin sa mga masasakit na bahagi ng iyong katawan lalong lalo na sa iyong mga kasukasuan kung ikaw ay may rayuma. Hugasan mo ang bahagi na pinaglagyan nito pagkatapos.

  • Ito ay mabisang gamot para sa sakit sa atay

Hindi malusog ang atay ng isang tao kapag ito ay nakararanas ng pamamaga ng dahil sa illegal na paggamit ng droga o ang sobrang paginom ng alak. Upang ito ay mabigyan ng lunas, pakuluan mo lamang ang pitong (7) piraso ng dahon ng tuba tuba sa tulong ng tatlong (3) baso ng tubig. Pagkatapos ay maari mo na itong inumin sa loob ng dalawang (2) beses araw araw bago ka matulog.

  • Ito ay nakakatulong upang mabawasan ang kuto sa buhok

Ang dahon ng tuba tuba ay maari mo ring magamit upang mabawasan ang kuta sa iyong ulo. Ito ay kasing bisa ng mga nabibili na mga shampoo upang maalis ang mga ito. Kinakailangan mo lamang itong pakuluan at gamitin mo ang tubig na siyang galing dito para sa iyong buhok. Gawin mo ito ng mas madalas upang tuluyan ng mawala ang iyong mga kuto.

  • Ito ay mayroong kakayahan na tanggalin ang blackheads

Ang blackheads ay isang uri ng acne na siyang madalas na nangyayari ng dahil sa sobrang langis na siyang inilalabas ng skin pores. Madalas kitong makikita sa mukha, sa likod, sa braso, sa dibdib at maging sa mga balikat. Maari mong gamitin ang dahon ng tuba tuba upang maalis ang mga ito. Hugasan mo lamang ang limang (5) piraso ng dahon nito at durugin ng pino. Pagkatapos ay maari mo na itong ilagay sa mga apektadong parte ng katawan bago ka matulog.

  • Ito ay may kakayahan na maibalik ang sigla ng iyong balat sa mukha

Maari mong magamit ang dahon nito upang mapanumbalik ang sigla ng iyong balat sa mukha. Kinakailangan mo lamang na gumamit ng walong (8) piraso ng dahon ng tuba tuba at pakuluan moa ng mga ito sa tulong ng tatlong (3) baso ng tubig. Pagkatapos ay inumin mo ang resipe na ito ng dalawang (2) beses sa isang linggo hanggang sa mapansin mo na ang pagbabago sa iyong mukha.

  • Ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng tumor

Ang tumor ay isang uri ng pamamaga sa loob ng katawan at ito ang lugar kung saan lumalaki ang mga abnormal cells. Ang dahon ng tuba tuba ay nagtataglay ng mayamang antas ng Acetogenis na mayroong kakayahan na mapuksa ang lahat ng abnormal cells na maaring makapagdulot ng paglaki ng tumor at pagkadamay sa mga malulusog na cells sa loob ng katawan. Gumamit lamang ng halos labing isang (11) piraso ng dahon ng tuba tuba at pakuluan ang mga ito sa tulong ng dalawang (2) baso ng tubig hanggang sa malusaw ang mga tubig at matira na lamang ang kalahating baso. Inumin mo ito sa pang araw araw bago ka matulog sa loob ng isang buwan.

  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang impeksyon

Ang dahon ng tuba tuba ay mabisang ginagamit upang mapigilan ang pagkakaroon ng mga impeksyon. Ang mga impeksyon na ito ay madalas na nangyayari dahil sa mga bakterya na pumapasok sa loob ng katawan. Ang madalas na sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat na siyang nagsasabi na inaatake na ng mga bakterya ang iyong katawan. Dahil ito ay nagtataglay ng antioxidants, ito ay mabisang magagamit upang labanan ang impeksyon. Gumamit ka lamang ng limang (5) piraso ng dahon ng tuba tuba at pakuluan mo ito sa tulong ng limang (5) baso ng tubig. Inumin mo ito ng madalas hanggang sa umayos ang iyong pakiramdam.

You may also like...