Halos masawi ang isang pamilya dahil sa mga nabubulok na patatas sa kanilang bahay

Napaka halaga ng buhay ng tao na siyang naninirahan dito sa mundo. Ang buhay ng tao ay hindi katulad nang sa kahit anong living things na meron ang mundo kagaya na lamang ng sa hayop at mga halaman. Ang tao ay nabiyayaan ng kakayahan upang makapag isip, makagawa ng desisyon at kumilos ng naayon sa kanilang pagkatao na siyang dahilan kung bakit tayo ay naiiba sa iba pang mayroong buhay dito sa mundo.

Lahat naman siguro ay nagnanais na makasama ang kani kanilang mga pamilya sa haba ng panahon. Sino ba naman ang gugustuhin na iwan ang kanilang mga pamilya o mayroong mawala ni isa sa mga miyembro ng kanilang pamilya? Sila ang siyang nagbigay ng muang sa atin simula pa noong tayo ay mga bata, ang mga nanay ang nagsilang sa atin, prinotektahan at patuloy pa tayong pinoprotektahan ng ating mga tatay at mga kapatid na lalaki at ating mga kapatid na babae naman ang nagsisilbing best friends natin na kasundo sa kahit na anong bagay. Kaya’t sobrang nakakalungkot kung isa sa miyembro ng iyong pamilya ay mawawala.

Kung tutuusin, mas mabuti pang isipin na mawawala o mamatay ang isang tao dito sa mundong ibabaw ng dahil sa katandaan at hindi dahil sa ano mang uri ng sakit o mga aksidente na siyang bilang kumikitil ng buhay ng tao. Napaka sakit isipin kung ganito ang nangyari sa iyong pamilya lalo na kung sabay sabay pa silang nawala sa isang iglap at hindi katanggap tanggap na dahilan.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang pagkain na siyang mayroong kakayahan na kumitil ng buhay sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. At maging ang kwento ng isang babae na siyang nakaranas ng trahedyang ito sa tanang ng kaniyang buhay. Ituloy mo lamang ang iyong pagpapabasa sapagkat makatutulong ito upang ikaw ay maging handa at ikaw ay mabigyan ng kaalaman patungkol sa pagkain at sitwasyon na ito upang mailigtas mo ang iyong buhay at maging ang buhay ng pamilya mo.

Ang patatas ay isa sa mga kilala at popular na pagkain na siyang karaniwan at madalas na kinakain hindi lamang ng mga Pilipino dito sa Pilipinas kung hind imaging ng iba’t ibang lahi sa kung saan mang parte ng mundo. Ito ay madalas na nakikita sa kusina dahil madalas itong gamitin sa iba’t ibang klase ng lutuin at isa sa mga popular na luto nito ay ang French Fries. Ito ay nagtataglay ng ilang sustansiya na siyang makatutulong para sa kalusugan ng tao. Ngunit alam mo ba na ang pagkain na ito ay maari ring makasama para sa iyong kalusugan? Ayan ang aalamin natin.

Maraming bilang ng mga tao ang hindi nakakaalam nito, ngunit ang patatas ay mayroong kakayahan na makapagdulot ng negatibo at masamang epekto para sa kalusugan mo at ng iyong pamilya sa hindi maintindihang paraan at hindi inaasahang pagkakataon. Kaya kung mayroon kang patataas sa loob ng inyong tahanan na matagal ng nakatago at talagang nabubulok na ay kinakailangan mon a itong itapon sa lalong madaling panahon dahil maari itong magdulot ng kamatayan.

Ang mga patatas na ito ang naging dahilan kung bakit naging ulilang bata ang walong (8) taong gulang na si Maria Chelysheva sa nakatira sa Russia noong 2014 ng dahil lamang sa mga lumang patatas na siyang nabulok na lamang sa loob ng kanilang bodega sa itaas ng kanilang bahay. Upang makuha ang mga patataas na ito at upang itapon na rin, ang tatay ni Maria ay pumunta ng bodega pero sa hindi malamang dahilan ay hindi na bumalik pa pababa ang kaniyang tatay. Dahil sa pagtataka, sinundan ito ng nanay ni Maria upang tignan na rin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang tatay ngunit katulad ng nangyari, hindi na rin nakabalik pababa ang kanilang nanay.

Sa kasamaang palad, ang pangyayari na ito ay nangyari rin sa kapatid na lalaki ni Maria at pagkatapos ay nangyari rin ito sa kaniyang lola. Ayon sa pagsasalaysay, nagawa pang makahingi ng tulong sa kapitbahay ng lola ni Maria ngunit huli na ang lahat dahil pagdating ng kanilang mga kapitbahay at ng ilang tao upang matulungan ito ay nakapasok na ang matanda sa loob ng bodega at hindi na rin nagawa pang makalabas sa loob nito.
Sa katunayan, ang mga patataas ay nagtataglay ng glycoalkaloids, na isang uri ng kemikal compound na siyang makikita rin sa mga nakalalason na night shade na halaman. Ginagawa nitong nakalalason at toxic ang mga patatas sa tamang kondisyon, at hindi lamang ito nakalalason kapag kinain mo ng tuluyan pero kahit na malanghap at maamoy mo lamang ang mge kemikal na siyang namuo at nilalabas nito sa hangin at lubos na delikado at nakakamatay.

Ang concentration ng glycoalkaloids sa patatas ay mas tumataas habang mas lalo itong nabubulok at sa panahon na ito sila mas lumalabas ang mga nakakalasong toxic gas. At dahil sa hangin nakakalasong hangin na ito na siyang nalanghap ng pamilya ni Maria ang naging dahilan ng kanilang biglaang pagkamatay at biglaang pagiging ulila ni Maria sa napaka murang edad.
Kung tutuusin ay muntikan na ring mamatay si Maria dahil nagawa rin niyang puntahan ang loob ng kanilang bodega upang hanapin ang kaniyang pamilya na hindi na nagawang bumalik pa ngunit sa kabuting palad ay naging sobrang nipis na lamang ng nakalalasong hangin sa loob nito dahil naiwang nakabukas ang pintuan sa kanilang bodega.

Isang nakakalungkot na trahedya ang siyang nangyari sa pamilya ni Maria sa hindi inaasahang panahon at sa kisap lamang ng kaniyang mata ay nawala nang biglaan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ang bagay at pangyayari na ito ay maging babala sana sa lahat ng tao, lalo na sa panganib na siyang dala ng mga bulok na patatas. Kapag mayroong patatas sa loob ng inyong bahay na siyang matagal ng nakaimbak at halos nabubulok na, ay itapon niyo na ito sa lalong madaling panahon upang hindi magaya sa sinapit ni Maria at upang maging ligtas ang inyong pamilya. Mas ligtas ang mayroong kaalaman kaya ibahagi mo rin ito sa inyong mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay upang maiwasan din nila ang trahedya na ito. Maging maingat at alisto pagdating sa mga ganitong bagay dahil buhay ang maaring maging kapalit nito.

You may also like...