Hindi ka mataba, Bloated lamang ang tyan mo! Basahin kung papano ito tanggalin!

Tayong nga pilipino, o maging ang iba pang mga tao ay mahilig kumain. Libangan na yata natin ang pagkain dahil masarap itong gawin, hindi ba? Kahit na ano pa yan, matatamis, maalat, street foods, junkfoods, prutas, gulay at iba iba pa, talagang palaging “ready to fight” tayo. At pagkatapos kumain ano na ang kasunod? Tila lobong mga tiyan dahil sa dami ng nakain, na madalas ay inirereklamo ng maraming tao. Masasabing ito ay isang normal lamang na bagay, pero aminin man natin o hindi, hindi ito maganda sa pakiramdam.

Sa pag-iisip na sila ay mataba na at nadagdagan na naman ang kanilang timbang, ang paglobo ng tiyan minsan ay nakakababa ng self-esteem o confidence sa sarili. Kapag kasi sumubok mag-diet ang isang tao, pinakamahirap gawing “fit” ang tiyan, may mga pagkakataon pa nga na lumiit na halos ang buong katawan nila sa kanilang pagpapapayat puwera na lamang ang kanilang tiyan. Kaya naman, sa tiyan rin sila bumabase kung sila ba’y tumaba na. Pero sa mga taong nakakaranas nito ay isa lang ang sasabihin ko sa inyo. Hindi kayo mataba, bloated lang.

Sabi ng mga ekspertong medikal ay nangyayari ang bloating kapag napuno at nakulong ang gas o hangin sa loob ng tiyan ng isang tao. Pwedeng nangyari ito dahil sa paraan ng iyong pagkain, baka tumawa ka ng sobra habang ikaw ay nasa hapag kainan, o kaya naman iba pang mga factors na may kinalaman sa iyong dietary habbits. Kaya naman upang hindi ka na maging bloated ay dapat magkaroon ka ng pagbabago sa larangang ito. Ano ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng bloated stomach ang isang tao? Heto at alamin ninyo.

  1. Pag inom ng tubig. Ang kakaunting ininom na tubig ay isang malaking dahilan ng pagkakaroon ng maraming sakit ang katawan. Ang kape at sugar ay nakakapag-dehydrate ng balat. Ang bloated stomach ay isang sintomas ng fluid retention, ito ay isang kondisyon kung saan ang tissues at organs sa katawan ay sumisipsip ng mas maraming tubig dahil ito ay dehydrated. Uminom ng maraming tubig sa buong araw. Ang mga eksperto ay nagsasabi na ang isang tao ay dapat uminom ng 6-8 glasses ng tubig bawat araw.
  2. Constipation. Nangyayari ito kapag may nakulong na gas sa likod ng dumi. Taasan ang pagkain ng matataas sa fiber para maiwasan ito.Ang mga smoothies, berries at whole grain bread ang ilan sa mga pagkain na dapat madalas mong kainin. Huwag mo lang sobrahan ang pagkain dito dahil masama ang sobra-sobrang fiber sa katawan.
  3. Carbohydrates. Iwasan ang alak, sugar at starch. Ang hindi maiging natunaw na sugar ay nakakalobo ng tiyan. Ang low carb diet ang dapat mong gawin. Ito ay fruit smoothies o gumamit ng berries para sa pangunahing sangkap. Ang mga gulay ay mabisa rin para dito.

Kung talagang hindi natin mapigilan, limitahan nalang. Hanggat maaari huwag nang kakain ng cake at ice cream at kahit ano pang uri o ibat ibang klase ng pagkaing matatamis– ito ang masasabi nating pinaka at mga numero-unong may mataas na content ng asukal. Hindi lang iyan, kungdi halos lahat ng pagkain na ating kinakain ay may halong asukal. Kaya naman ang pagkain nito ay mabilis na maka pag papataba at magpapalaki ng tiyan ng isang tao. Mas mabuting magbawas na ng pagkonsumo ng matatamis para maiwasan na rin ang pagtaba. Bukod pa dito, para sa dagdag kaalaman, ang pagkain ng mga pagkaaing sobrang tamis ay naagkakaroon ng tiyansa na mapalapit tayo sa sakit na diabetes.

  1. Pagkain ng mabilis. Kapag mabilis kang kumain ay hindi mo nangunguya ng mabuti ang mga pagkain mo at ito ay magreresulta sa stomach bloating. Enjoyin mo lang ang iyong pagkain at tiyakin na maayos mo itong nanguya bago ito lunukin para maiwasan ang isyu ng paglobo ng tiyan.

Alam kong hindi lang ako ang namomroblema sa paglaki ng tiyan. Kaya naman heto ang ilan sa mga paraan upang mapigilan natin ang unti unting paglaki ng ating mga tiyan.

  1. Bawasan ang pagkain ng kanin. Tayong mga pinoy kaakibat na ng oagkain nating sa pang araw araw ang pagkain ng kanin. Kahit ano pang ulam iyan, pwedeng pwede moyang ipares sa kanin. Kaya naman, kung sanay kang kumain ng isang tasa ng kain o higit pang dami ng tasa nito, ngayon palang ay umpisahan monaitong bawasan. Bawasan sa kalahating tasa na lamang kada kain. Ito ay garantisadong epektibong pampaliit ng ating mga tiyan. Maituturing itong staple food ng mga Pilipino, pero mahalagang malaman na malakas ito makapagpataba.
  2. Iwasan ang mga colored drinks. Ayon sa mga pag aaral ng mga tunay na eksperto, kanila na ngang itinuturing na epektibong pampaliit ng tiyan ang pag-iwas o kahit pagbabawas na lang sa ano mang uri ng colored drink gaya ng orange juice, iced tea, at softdrinks at marami pang ibang nauusong mga inumin ngayong tag lamig. Ayon sa kanilang mga pagaaral at masusing pananaliksik, ang mga uri ng inuming ito, partikular na ang cola drinks, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng obesity o hindi tamang pagtaas ng ating mga timbang.
  3. Tumigil na sa pag-inom ng beer. Kadalasan sating mga pi oy ang pag seselebreyt ng ibat ibang klase ng mga okasyon. Ito ang pangunahing inumin kapag may okasyon o salo-salo ang nagaganap, mapa birthday, kasal, graduatin, at iba iba pa. Ang pag-inom ng madalas nito ay tiyak na makapagpapalaki ng ating mga tiyan. Mabilis makapagpalaki ng tiyan ang beer kaya kung gusto mong lumiit ito, huwag nang uminom ng beer kailanman.
  4. Ugaliin na mag-ehersisyo. May mga simpleng exercise na ginawa para sa pampaliit ng tiyan . Mga simpleng ehersisyo lamang ito. Ang sit-ups at crunches ay major contributors sa sa pagpapapayat. Ulittin lang ang exercises na ito 20 beses araw-araw at tiyak na liliit ang tiyan.
  5. Huwag palaging nakaupo. Siguruhing tumayo sa matagal na pagkakaupo. Tumayo at maglakad-lakad kada 2 oras para hindi maipon ang taba sa katawan sanhi ng hindi masyadong paggalaw.Dagdag pa dito, kapag nananatiling nakaupo maghapon tiyak na lalalki ang tiyan.
  6. Iwas iwasan na ang pagkain ng maalat. Ang pagkain ng sobrang alat na pagkain ay lubos na nakakapagpataba, lalo na ng tiyan. Kung pampaliit ng tiyan talaga ang hanap mo, panahon na para tumigil sa pagkain ng maalat. Makakapag-trigger ito sa pananatili ng tubig sa iyong katawan.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, dapat ay palagian ang pagiging masaya dahil ay stress ang nagiging malaking dahilan para lumubo at sumakit ang tiyan. Kumain ng masasaganang mga pagkain at maghanap ng mabisang paraan para mabawasan ang stress palagi.

You may also like...