Hindi nyo na itatapon ng buhok ng mais pag nabasa nyo kung anong mga sakit ng napapgaling nito

Isa ka ba sa mga tao na mahilig kumain ng mais sa kahit na anong anyo nito, mapahilaw man o luto? Ayaw mo rin ba ito lalo na kung ito ay napalilibutan ng buhok ng mainis at naiinis ka dahil kinakailangan mo pang isa isahin ang pagtanggal sa mga ito upang hindi sumabit sa iyong ngipin kapag ito na ay iyong kakainin? Kung ganon, para sa iyo ang artikel na ito. Ibabahagi namin sa inyo kung bakit hindi mo dapat itapon ang mga buhok na mayroon ang mais at kung ano ang tulong na mamagawa nito para sa inyong kalusugan, mga benepisyo na maari mong makuha mula dito at kung paano mo ito gagawing tsaa.

Paano mo magagawang tsaa ang buhok ng mais? Maari mo itong gawin sa dalawang paraan:

  • Para sa unang paraan, simple lamang ang dapat mong gawin. Ang una ay kinakailangan mong kumuha ng mga sangkap na iyong kakailanganin kagaya na lamang ng tuyo o ng sariwang buhok ng mais, tubig at katas na nagmula sa lemon. Pakuluan moa ng tubig, at kapag ito au tuluyan ng kumulo, ilagay mo na ang buhok ng mais at hayaan mo pa na mas kumulo ito sa loob lamang ng ilang minute. Pagkatapos nito ay maari mo na itong inumin depende sa iyong kagustuhan, pwedeng malamig at pwede rin namang mainit. Ang ibang tao ay gumagamit ng katas na nagmula sa lemon upang madagdagan ang amoy at ang lasa ng kanilang tsaa.
  • Para naman sa pangalawang paraan, ang dapat mo lamang gawin upang makagawa ng tsaa ay kumuha ng tuyong buhok na nagmula sa mais at tadtarin mo ang mga ito ng mabuti, kumuha ka rin ng tubig at pulot o kilala bilang honey sa ingles. Ilagay mo lamang ang tubig sa banga na mayroong takip at ihalo mo rito ang tinadtad na piraso ng buhok ng mais at takpan moa ng banga, ilabas mo ito at ilagay sa ilalim ng sinag ng araw at iwan mo ito ng isang buong araw dito. Pagkatapos ay maari mo nang kunin ang banga kapag dumilim na at maari ka ng kumuha ng resipe na ito at tsaka mo ito hahaluan ng pulot bago inumin. Ang natirang tubig na mayroong buhok ng saging ay maari mong isalin sa isang malinis na lalagyan at itago pansamantala sa loob ng refrigerator.

Narito naman ang mga benepisyo na iyong makukuha mula sa buhok ng mais:

  1. Ang buhok na nagmula sa mais ay mayroong kakayahan na mapaganda at mapanatili ang kalusugan ng bato ng isang tao. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stone at upang mas mapaganda at mas maging maayos ang pagdaloy ng ihi ng isang indibidwal.
  2. Ang buhok na nagmula sa mais ay maaring makatulong sa paggagamit ng sakit na UTI o mas kilala bilang Urinary Tract Infection o impeksyon sa ihi. Ang buhok ng mais ay mayroong malaking tulong na maibibigay sa paggagamot sa impeksyon na sa pantog, sa daanan ng ihi at maging sa prostate gland.
  3. Ang buhok na nagmula sa mais ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyon ng dugo at iniiwasan nito ang pagkakaroon ng hypertension.
  4. Ang buhok na nagmula sa mais ay maari ring makatulong sa paggagamot ng mga pananakit at pamamaga kagaya na lamang ng arthritis at rayuma.
  5. Ang buhok na nagmula sa mais ay nagtataglay ng Vitamin K na mayroong kakayahan na makatulong at makapagbigay ng lunas sa pagbabara ng mga dugo at nakatutulong din ito upang maiwasan ang sobrang paglabas ng dugo sa mga sugat na maari kang magkaroon.
  6. Ang buhok na nagmula sa mais ay maaring makatulong sa pagsasaayos ng bilang o ng antas ng sugar o ng dugo sa kadalasang dahilan kung bakit nagkakaroon ng stroke at problema sa bato ang isang tao.
  7. Ang buhok na nagmula sa mais ay mayroong kakayahan na labanan ang pagkakaroon ng sobrang kolesterol sa loob ng katawan ng isang tao na maaring maging dahilan ng problema sa konektado sa puso.
  8. Ang buhok na nagmula sa mais ay nagtataglay ng mayamang antas ng Vitamin C na mayroong kakayahan na mapaganda ang takbo ng katawan at maging ang pagpapalalakas ng immune system upang malabanan ang iba’t ibang uri ng mga sakit at karamdaman.
  9. Ang buhok na nagmula sa mais ay mayroong kakayahan na makatulong sa paglaban sa sobrang pagtaba at pagdagdag ng timbang ng isang indibidwal dahil ito ay maari nitong tanggalin ang sobrang tubig at dumi sa loob ng katawan na siyang madalas na dahilan ng pagtaba.
  10. Ang buhok na nagmula sa mais ay nakatutulong sa pagpapaganda ng kulay ng balat ng isang tao.

Ang buhok na nagmula pa sa mais ay nagtataglay ng nakaparaming bilang ng mga magagandang pakinabang para sa katawan ng tao ngunit mayroong mga pagkakataon na mayroon din itong taglay na negatibong epekto. Ang sobrang paginom ng tsaa na siyang gawa sa buhok ng mais ay maaring makapagdulot ng pagbaba ng antas ng potassium sa loob ng katawan ng tao na maaring magresulta sa pagkakaroon ng sakit o problema sa balat kagaya na lamang ng allergy. Nakakasama rin ito para sa mga kababaihan, lalong lalo na ang mga nanay na nagpapasuso ng kanilang mga anak at maging sa mga buntis dahil maari itong magdulot ng pagkalaglag ng sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa ng kaniyang ina.

Nararapat lamang na ikaw ay dumalaw muna sa iyong doktor at magpakonsulta kung maari mo bang gamitin ang tsaa na gawa sa buhon ng mais upang ikaw ay mas makasiguro at mas maging ligtas sa kahit na anong uri ng kapahamakan na maari ring maidulot nito.

Maari ka mo ring sabayan ng pagkain ng mga masusutansyang pagkain ang paginom ng tsaa na ito kagaya na lamang ng mga prutas at gulay. Sabayan mo rin ito ng pageehersisyo tuwing umaga, paginom ng sapat na antas ng tubiig na kinakailangan ng katawan at maging ang tamang kalidad at oras ng tulog na kinakailangan ng iyong katawan. Huwag mong pabayaan ang iyong sarili at gawin mo ang ilan sa mga ito upang magkaroon ng maganda at malusog na pangangatawan.

You may also like...