Inaalis na itong artikulo na ito sa internet dahil sa sobrang bisa nito

Sa kalikasan natin matatagpuan ang napakaraming biyaya sa atin ng Panginoon. Bukod kasi sa mga naglalakihang mga puno na maaari nating gamitin sa paggawa ng iba’t ibang kasangkapan, mayroon din itong napakaraming mga halaman na napakarami ang benepisyo sa tao. Mayroong mga halaman na pwedeng gawing gamot sa iba’t ibang mga karamdaman, mayroon ding mga pwedeng lutuin upang ating kainin. May mga magagandang halaman din na pwede nating gawing dekorasyon sa ating tahanan, at marami pang iba. Ang maganda pa ay dahil sa dami ng mga halamang ito ay marami rin tayong pagpipilian kung sakaling kailangan nating gumamit ng halaman para sa isang bagay.

Halimbawa na lamang sa panggagamot. Napakaraming biyaya ang kalikasan na pwede nating gamitin bilang lunas sa iba’t ibang mga karamdaman. Lalo na noong unang panahon kung saan hindi pa maunlad ang siyensya at teknolohiya ay talagang puro herbal na gamot ang ginagamit ng ating mga ninuno. Sa katunayan nga ay may sinaunang paraan ng pangagamot ang mga taga-India at ito ay tinatawag nilang Ayurveda. Dito malalaman kung ano anong mga halaman ang kanilang ginagamit noon para sa isang partikular na sakit. Pero dahil nga sa paglipas ng panahon ay umunlad na ang medisina, hindi na tayo masyadong napapangaralan tungkol sa mga herbal medicine. Palagi naman kasing may mga gamot sa botika kaya hindi na masyadong napapansin ang mga ito.

Kaya naman sa artikulong ito ay ipapaalam namin sa inyo ang ilan sa mga halaman na pwede nating magamit bilang herbal medicine. Ilan lamang ito at marami pang iba pero sapat na ito upang malaman ninyo kung gaano kagaling at ka-epektibo ang mga halamang gamot.

Una ay ang luya o ginger sa Ingles. Karamihan sa atin ay kilala ang luya bilang isang mainam na pampalasa sa iba’t ibang mga lutuin. Lingid sa ating kaalaman na ito pala ay pwedeng gamitin bilang isang herbal medicine. Alam niyo ba na kung sumasakit ang inyong tiyan dahil hindi kayo natunawan ay kailangan niyo lamang uminom ng ginger tea upang bumuti ang inyong pakiramdam? Ayon pa sa mga pananaliksik, kapag uminom ka ng ginger tea ay mas bibilis ng 50% ang pagtunaw ng isang tao sa kaniyang mga kinakain kaya mabuti ito para sa mga may indigestion. Nakakamangha, hindi ba?

Isang magandang benepisyo ng luya ayang kakayahan nito na pababain ang cholesterol level ng isang tao. Dahil sa mga kinakain natin ay napupuno ang ating katawan ng LDL o bad cholesterol kaya naman nalalagay ang kalusugan ng ating puso sa panganib. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang mga taong madalas kumokonsumo ng luya ay mas nababawasan ang LDL sa katawan kaysa sa mga taong umiiwas dito. Kaya naman kung ayaw niyong magkoroon ng anumang karamdaman sa puso ay ugaliin ang pagkonsumo ng luya, kahit pag-inom pa yan ng ginger tea o pagsahog nito sa mga kinakain natin.

Isa pang suki sa kusina ang susunod naming itatampok sa inyo, ang bawang o garlic. Malamang ay kilala niyo ito dahil madalas itong gamitin kung kayo ay naggigisa. Mabango ito kung lutuin at tiyak na mas masarap ang pagkaing sinasahugan nito. Pero bukod sa masarap nitong lasa ay mas dapat natin itong pahalagahan dahil napakayaman nito sa nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Ang bawang ay mayroong Vitamin B6 at C,Fiber, Manganese, iron, phosphorus, potassium at iba pa. At mababa pa ito sa calories kaya naman hindi basta basta madadagdagan ang inyong timbang sa pagkain niyo nito. At dahil mayaman ito sa mga nutrisyon ay mas napapatatag nito ang ating immune system, at kayang kaya rin nitong labanan ang iba’t ibang uri ng karamdaman. Halimbawa na lamang, dahil mas malakas na ang immune system ay hindi ka na basta basta tatablan ng mga virus kaya hindi ka na madalas magkakaroon ng ubo at sipon.

Bukod sa mga simpleng sakit na iyan ay kaya ring solusyunan ng bawang ang mga mas komplikadong karamdaman tulad ng hypertension o pagtaas ng blood pressure. Tandaan na ang pagtaas ng blood pressure ay simula pa lang ng mga mas malalang kondisyon kagaya na lamang ng stroke. Mula sa mga isinagawang pag-aaral ay nalaman na ang mga taong regular na kumokonsumo ng bawang ay may mas mababang tyansa ng pagkakaroon ng hypertension, at mas epektibong kumain ng bawang kaysa uminom ng mga pharmaceutical drugs para gamutin ito.

Ang huli naming ibibida sa artikulong ito ay isang citrus fruit na mayaman sa Vitamin C. Kulay dilaw ito at medyo maasim ang lasa pero siksik naman sa napakaraming nutrisyon, ang lemon. Bukod sa Vitamin C ay puno rin ng Vitamin A, B6, at E ang lemon.Mayroon din itong copper, iron, phosphorus, zinc, potassium, protein, calcium, magnesium, at iba pang mga nutrients na kailangan ng ating katawan upang patatagin ang ating resistensya. Dahil din sa mga ito ay maiiwasan ang pagkakaroon ng lagnat, indigestion, at hypertension kung iinom ng lemon juice ang isang tao. Ang kagandahan pa ng lemon aymayaman din ito sa antioxidant na siyang pangunahing pangontra sa mga cancer cells.

Maliban sa mg aiyan ay kaya rin ng lemon na gamutin ang iba’t ibang uring respiratory conditions. Kung ikaw ay may hika o asthma, o kaya naman nahihirapan huminga paminsan minsan ay mainam na uminom ka ng lemon juice. Ang Vitamin C na mayroon ang prutas na ito ang siyang magpapabuti sa iyong pakiramdam.

Hindi ba at tunay na nakakamangaha ang mga biyayang ito ng kalikasan? Sa kanilang sarili ay kayang kaya nilang lunasan ang iba’t ibang mga karamdaman kagaya na lamang ng pagtaas ng presyon, indigestion, pati na rin ang cancer.Pero alam niyo ba kung ano ang mas nakakamangha? Ito ay pwede niyo palang pagsamahin ang tatlong mga herbal medicine na ito upang maging mas mabisang gamot sa mga sakit. Ituturo namin sa inyo kung papaano.

Una ay maghanda ng 8 garlic cloves, walong piraso ng lemon, ginger root, at apat na litro ng tubig. Hugasan at hiwain sa maliliit na piraso ang ginger root at ang bawang, pagkatapos ay paghaluin ang mga sangkap gamit ang blender. Magpakulo ng apat na litro ng tubig at saka isama dito ang pinaghalong ibang sangkap. Kapag kumulo ay palamigin muna ito at saka ilipat sa isang bote na paglalagyan nito. Kailangan mo itong inumin dalawang oras bago ka kumain ng agahan sa umaga. Araw arawin ang pag-inom nito at siguradong mas magiging malusog ang iyong katawan. Tatatag ang iyong immune system, maaayos ang iyong mga blood vessels at maiiwasan ang hypertension, malilinis ang mga toxins sa iyong atay, at maiiwasan pa ang cancer dahil masisira nito ang mga free radicals.

Ang kabuuan ng iyong kalusugan ay mapapaunlad dahil lang sa ikaw ay umiinom ng nakakamanghang juice na ito. Unti unti ay mararamdaman mo na ang iyong kalagayan ay mas bumubuti kaya dapat ay maging regular ang pag-inom mo nito. Ibahagi ang artikulong ito upang maging ang ibang tao ay makinabang din sa kaalamang ito. Maraming salamat!

You may also like...