Inumin nyo ito bago matulog, natural at epektibong paraan para maalis ng taba sa tyan

Panahon na naman ng tag-init at alam natin ang ibig sabihin ito. Panahon na naman kung saan lahat tayo ay excited pumunta sa mga beach o resort para mag-swimming at magtampisaw sa tubig. Siyempre sa mga ganitong pagkakataon ay inihahanda rin natin ang ating mga susuoting panligo at iba pa, lalo na ang mga kababaihan. May ibang malalakas ang loob at talagang nagbe-bathing suit para makuha ang gusto nilang “perfect tan”. Yung iba naman ay medyo conservative kaya rash guard ang kanilang inihahanda. Ngunit ano pa man ang suotin sa beach, inihahanda pa rin natin ang ating katawan para masuot natin sila ng maayos at maganda. Ibig sabihin, ayaw natin ng mga fats na hindi natin maitatago sa ating swimwear, lalo na ang mga belly fats.

Lalo na sa mga millenials, talagang imposibleng makakita ng isang taong ayos lang kung may belly fats siya. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng malaking tiyan, di ba? Sa mga nagkalat na #bodygoals ngayon sa social media ay tiyak na karamihan ay gusto ring magkaroon ng ganoong ka-fit na katawan. May mga tao na ayaw talagang magpahuli kaya naman ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maalis ang taba sa kanilang mga tiyan. Pero bakit nga ba maraming tao ang may belly fats? Madalas ay nasa lifestyle o paraan ng pamumuhay ng tao iyan.

Baka gusto mong magkaroon ng fit na katawan at mawala ng iyong mga belly fats pero ikaw naman ay tatamad tamad at hindi makuhang mag-ehersisyo. Sa ganiyang paraan ay talagang hindi mo makukuha ang #body goals na minimithi mo. O baka naman nagsimula ka ng ang diet pero hindi pa tumatagal ang isang linggoay nag-quit ka na agad dahil maraming mga gusto mong pagkain ang hindi mo na pwedeng ikonsumo dahil makadadagdag lamang sila s aiyong timbang. Tandaan na sa mentalityng tao nagsisimula ang lahat, “mind over matter” nga ika nila. Kung hindi ka desidido ay talagang walang mangyayari sa iyo.

Pwedee ka ring magkaroon ng belly fats kung ikaw ay masyado nang stressed sa iyong pang-araw araw na buhay. Kapag stressed ka halimbawa sa trabaho o sa mga bayarin sa bahay ay mahihirapan kang magbawas ng timbang dahil sa inilalabas na stress hormone ng katawan na mas mag-aabsorb ng fats mula sa mga kinakain mo. Bukod pa sa hormone na ito na tinatawag na cortisol, kalaban mo rin sa pagpapapayat ang iyong mental self dahil kapag stressed ang isang tao ay mas kumakain siya ng mga pagkaing matataas ang taglay na fats at calories.

Isa pang dahilan kung bakit hindi mawala wala ang mga body fats mo ay dahil baka ikaw ay tumatanda na. Habang tumatanda kasi ang tao ay mas nababawasan ang kailangan niyang calories sa katawan kaya ang sosobra sa metabolic rate na ito ay magiging fats na lamang. Isa pa, karaniwang sa tiyan din nadadagdag ang mga fats ng mga babaeng nasa o malapit na sa menopausal stage kaya mas mahirap para sa kanila na mawalan ng belly fats.

Kaya naman kung gusto niyong maging “summer-ready” ang inyong katawan at maging fit at healthy, dapat ay maging ugaliing mag-ehersisyo palagi at huwag tatamad tamad upang hindi maipon ang fats sa katawan. Pero hindi lang basta curl ups o iba pang abdominal exercise ang dapat gawin para matupad ito, pwede niyo ring subukan ang ilang aerobic exercises tulad na lamang ng paglalakad, jogging, pati na rin ng swimming.

Piliin din dapat ang mga pagkain na kinokonsumo at hindi dapat puro calories ang kinakain. Dapat ding iwasan ang mga pagkain at inumin na may halong pampatamis tulad ng mga softdrinks at carbonated drinks. Ang added sugar kasi na mayroon sila ay hindi kayang tunawin ng lubusan kaya ang sobra sobrang ganito ay nagiging fats na lamang. Sa kabilang banda, dapat namang ugaliin ang pagkonsumo ng mga pagkain na may mataas na level ng protina. Bukod kasi sa kaya nitong i-boost ang ating metabolism, mabilis ka ring mabubusog kung kakainin mo ito kaya naman maiiwasan ang pagkain ng sobra sobra. At ang mga ito ay dapat umpisahan upang sa pagtanda ay hindi maging mahirap sa iyo ang pagpapapayat.

Pero dapat tandaan na ang pag-aalis ng belly fat ay hindi lang para maging maganda ang ating katawan. Dapat itong gawin dahil may kaugnayan ito sa ating kalusugan. Kung wala tayong gagawin upang matunaw ang mga belly fats natin ay may posibilidad tayo na magkaroon ng mga karamdaman halimbawa na lamang ng diabetes at sakit sa puso. Kaya upang tulungan tayo na mawalan ng belly fats, narito ang isang alternatibo na siguradong magugustuhan ninyo. Hindi ito nakakapagod gawin at halos hindi ka pa pagpapawisan, sa katunayan nga ay mare-refresh ka pa.

Ang alternatibong aming tinutukoy ay ang pag-inom ng parsley and cucumber juice. Para maalis ang belly fats, kailangan mo lamang inumin ang juice na ito na may diuretic at slimming effect na, magpapalakas pa sa iyong immune system. Bukod pa dito ay kaya rin nitong i-boost ang iyong metabolism, at dahil nga diuretic ito ay kaya rin niyang alisin ang mga naipong toxins sa katawan. Kung paano ito gawin ay simple lang.

Bago ang lahat ay kailangan mong ihanda ang mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng juice na ito. Maghanda ng cucumber, parsley, kalahating slice ng lemon, isang ginger root, at 1/3 baso ng tubig. Ang unang dapat gawin ay hugasan ang mga sangkap na cucumber, luya, at parsley upang siguradong malinis ang mga ito. Pagkatapos ay i-grate ang parsley at hiwain naman ang cucumber sa maraming slices, at saka paghaluin ang lahat ng sangkap sa pamamagitan ng blender. Tiyakin na halong halo na mabuti ang mga sangkap bago ito ilipat sa baso. Maaaring hindi mo masyadong magustuhan ang lasa kaya pwede mo itong haluan ng honey para tumamis ito ng kaunti.

Ang parsley and cucumber juice ay dapat inumin bago matulog. Kung gagawin mo ito araw araw aymapapansin mo ang iyong sarili na mas nagiging masigla at siyempre, nawawala na ang iyong belly fats. Kung tuluyan nang mawala ang fats n aito ay pwede mo pa ring inumin ang juice at isama na sa iyong diet plan.

You may also like...