Isang natural na recipe para labanan ang high blood at mataas na cholesterol

Lubos na napakahalaga na makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga tinawatag nating “netizens” upang tuluyan ng mapuksa at mapigil ang paglaganap ng hypertension o kilala rin sa ingles bilang high blood pressure levels. Ito ay paglaganap nito ay talagang delikado at peligroso dahil kapag hindi ito naagapan ay maaring magdulot pa ng mas malalang mga epekto sa inyong kalusugan, partikular na lang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit sa puso at iba pang klaseng kumplikasyon.

Ang high blood pressure levels ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking dahilan ng pagkakaroon ng heart disease at maging ng stroke hindi lamang sa Pilipinis kung hind imaging sa iba pang sulok ng mundo. Ayon sa statistika, mayroong mahigit kumulang 70 porsyento ng populasyon na nagkakaroon ng first heart attack ang sinasabing mayroong hypertension, at mayroong 77 na porsyento naman ang sinasabing nakararanas ng first stroke ng dahil na rin sa hypertension at mahigit 75 na porsyento rin ng mga taong may chronic heart failure ang mayroong high blood pressure. Para sa inyong kaalaman, ang high blood pressure ay isa rin sa mga kilalang sanhi ng pagkakaroon ng kumplikasyon sa kidney. Bukod pa rito, sinasabi na mas marami ang mga kalalakihan na nagkakaroon ng high blood pressure levels kaysa sa mga babae bago pa sila tumungtong sa edad na 64. Kung iisipin, madali lamang matukoy ang mga tao na mayroon nitong klase ng sakit na ito, sa pamamagitan na rin ng pagmomonitor ng blood pressure levels sa tulong ng apparatus na siyang kumukuha ng BP ng tao.

Ano nga ba ang high blood pressure or hypertension?

Ang high blood pressure, mula sa pangalan na nito mismo ay nangangahulugan ng mataas na pressure sa ugat ng katawan, partikular na sa ugat na siyang tinatawag na arteries. Ang arteries ay kilala dahil siya ang may kakayahang magdala ng dugo patungo sa iba’t ibang parte ng katawan ng tao matapos itong ipump ng puso palabras. Ang normal na blood pressure levels ay nasa 120/180. Ang blood pressure levels na nasa pagitan ng 120/180 at 139/89 ay siyang kilala bilang pre-hypertension. At ang pressure naman na umaabot sa 140/90 at pataas naman ay kinokonsidera na namataas bilang level ng inyong blood pressure.

Ano ang mga sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng hypertension?

Mayroong dalawang klase ng hypertension at ito ay kilala bilang Primary hypertension at Secondary hypertension. Para sa kaalaman ng maraming tao, walang tiyak at matukoy na dahilan kung bakit nagkakaroon ng Primary hypertension, ngunit ayon sa kaalaman ng iba, ito lamang ay nadedevelop sa paglipas ng panahon. Sa kabilang banda, ang Secondary Hypertension naman ay madalas na nangyayari na kung saan tumataas ang blood pressure levels ng isang pasyente na mayroong kasabay na kakaibang sakit o pananakit. Ang klase ng hypertension na ito ay hindi inaasahan at nangyayari lamang ng biglaan.

Ano ang mga sintomas ang senyales ng high blood pressure?

Ang hindi gaanong delikado at seryoso na klase ng hypertension ay madalas na walang ipinapakitang klase ng mga sintomas at senyales kaya naman ito ay naging kilala sa tawag na “silent killer” o bigla na lamang at hindi inaasahang kumikitil ng buhay ng tao sa isang kisap ng mata at wala man lang pasabi. Ito rin ay kilala dahil sa mga komplikasyon na may kaugnayan dito kagaya na lamang ng heart attack o sakit sa puso at maging ng stroke,  na siyang hindi dapat pinagsasawalang bahala ng mga tao. Ito ay madalas na mangyari, ang hindi pagkakapansin sa hypertension dahil wala naman itong ipinapakita na kahit na anong klase ng mga sintomas at senyales sa isang pasyente na siyang hindi rin madalas magpecheck ng kanyang blood pressure levels. Sa kabilang banda, mayroong ibang tao naman na king saan mayroon silang nararamdaman kapag mataas na ang kanilang blood pressure levels katulad na lamang ng pagsakit ng kanilang ulo, nakakaranas ng pagkahilo, nahihirapan sa paghinga at maging ang paglalabo ng kanilang mga mata. Ito ay madalas na mangyari lalo na kung talagang mataas na ang blood pressure levels. Kung minsan, mabuti na rin at nagkakaroon ng mga sintomas ang isang pasyente na siyang nagbibigay ng alarma sa seryosong dulot ng hypertention at upang maiwasan na rin ang mga mas kumplikado at delikadong dulot ng sakit na ito.

Ano naman ang cholesterol?

Ang cholesterol ay kilala bilang isang klase ng malapot na taba o kilala sa ingles bilang lipid na siyang nagmula sa atay. Ito ay sadyang kinakailangan ng katawan upang makagawa ng mga cells, hormones at maging ng Vitamin D. Kabilang din ito sa komposisyon ng cells at siyang may kakayahang tumulong upang matunaw ang mga laman sa loob ng tyan. Bukod sa supply ng katawan, maari ring makuha ang parehas na cholesterol at triglycerides sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkain na siyang kilala bilang cholesterol foods. Ang triglycerides, kagaya ng cholesterol ay lubhang mapanganib kung magkakaroon ng labis na dami nito sa loob ng katawan.

Ang cholesterol ay dinadala sa iba’t ibang parte ng katawan ng lipoprotein at mayroong dalawang uri nito na siyang nagsisilbing transportasyon ng cholesterol at ito ang mga sumusunod:

  • HDL Cholesterol (good)

Ito rin ay madalas na kilala bilang good cholesterol o bilang high density lipid o HDL. Ang HDL ay may kakayahan upang kuhain ang mga labis na cholesterol sa mga cells na kanyang dinadala sa atay na kung saan gagawin itong waste product ng katawan.

  • LDL Cholesterol (bad)

Ang low density lipid o LDL naman ay kilala bilang bad cholesterol dahil ito ay magkakayang magimbak ng cholesterol levels. Kapag sumobra ang pagiimbak na ginagawa nito, ito ay maaring makabuo ng isang artery wall sa mga cells na siyang magreresulta sa napakaraming bilang ng mga sakit.

Upang maging masigla ang katawan at maiwasan ang seryoso at delikadong mga sakit, dapat lamang na kumain ng mga pagkain na siyang kilala na mayaman sa HDL cholesterol at hangga’t maari, iyo ng iwasan ang mga pagkain na siya namang sagana sa LDL cholesterol.

Ano ang mga sintomas at senyales ng high cholesterol levels? 

Walang sintomas na siyang ipinapakita ang pagkakaroon ng high cholesterol levels kaya lubhang napakaimportante ang regular na pagdalaw at pagpapacheck sa doktor. Malalaman mo lamang na ikaw ay mayroon nito kapag ikaw ay sumailalim sa isang blood test.

Mabuti na lamang at mayroong mga tradisyunal at mga natural na gamot na siyang magagamit ng tao na nakuha pa sa mga Amish people. Ayon sa kanila, ito ay epektibo at ito rin ay may kakayahan na gawan ng lunas ang uri ng sakit na siyang nabanggit sa itaas, maging ang mapalakas ang immune system upang labanan ang iba’t iba pang klase ng mga sakit at pabutihin ang kalusugan at pangangatawan ng tao.

Ang resipe na ito ay gawa sa mga klase ng sangkap na siyang may kakayahang makatulong ng marami para sa mga kumplikadong medikal na kondisyon. Alamin ang resipe na ito na siyang makatutulong sa iyo:

Mga kakailanganin na sangkap:

  • 1 kutsarita ng lemon juice
  • 1 grated garlic clove
  • 1 kutsarita ng apple cider vinger
  • 1 piraso ng grated ginger
  • 1 kustarita ng honey

Mga preparasyon na dapat gawin:

Ang kialangan mo lamang gawin ay ihalo ang lahat ng sangkap sa pantay na dami. Pagkatapos ay ilagay mo ito sa isang lalagyan at maari mo rin itong itago sa pridyeder at gamitin sa hindi sosobra sa limang (5) araw.

Paraan ng paggamit:

Ang mga sangkap ay para sa isang dosage lamang. Gamitin mo ito bago ka kumain ng hindi sosobra sa tatlong (3) beses sa isang araw. Pagkalipas ng isang linggo ay iyo na agad makikita ang maganda at epektibong resulta ng paginom nito.

You may also like...