Ito ang 12 na senyales na nangangaliwa ang asawa or kasintahan niyo

Lahat siguro ng tao ay nangangarap na magmahal. Ang magkaraon ng isang isang taong paglalaanan niya at paglalaanan din siya ng pag-ibig. Isang taong makakasama niya sa lahat ng kasiyahan at kabiguan sa buhay. Tunay, ang makahanap ng isang taong magmamahal sa iyo ng buong puso ay napakasarap sa pakiramdam, katuparan ng mga pangarap sa ilan. At kapag nahanap mo na ang taong ito ay paplanuhin mo na ang buhay niyo sa hinaharap ng magkasama. Iisipin mong kayo’y magpapakasal, magkakaroon ng mga anak, at bubuo ng pamilya. Isang napakasaya at mabuting buhay ang iyong inaasam para sa iyo at sa iyong minamahal.

Subalit, hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng ganitong uri ng pag-ibig. Marami kasi ang nabibigo at nawawasak ang puso dahil hindi nasuklian ang kanilang pagmamahal. Marami ang lumuluha at nasasaktan ang damdamin. Bagama’t isang napakagandang pakiramdam ang pag-ibig at pagmamahal, kaya rin nitong magdulot ng kasawian. Ngunit kung mayroon pa sigurong mas sasakit pa pakiramdam na hindi ka mahal ng mahal mo, iyon na siguro ay ang lokohin ka ng taong tao. Ang taong akala mong nagmamahal sa iyo ng buong puso, ang taong akala mo’y makakasama mo sa pagbuo ng magandang kinabukasan, sa isang iglap ay tatalikuran ka na lang dahil siya’y nangangaliwa na.

Kadalasan sa mga ganitong pagkakatao, napapakiramdaman kaagad ng isang babae kung mayroon bang ginagawang kalokohan ang kanilang karelasyon. Ngunit habang walang napapatunayan ay mananatili lamang itong isang hinala. Kaya naman, sa artikulong ito ay ituturo naming sa inyo kung paano mo malalaman kung niloloko ka na pala ng taong mahal mo. Unawain mong mabuti ang mga ito dahil kung mas maaga mong mahuhuli ay mas maaga ring maghihilom ang iyong puso.

  1. Pagiging babaero. Medyo “bad boy” ba ang iyong karelasyon bago mo siya nakilala? Kung kilala siya sa pagiging babaero noon ay dapat kang mag-ingat dahil hindi malayong ikaw ay lokohin din niya. Ang mga tao ay hindi gaanong nagbabago, kung ano ang kanilang nakasanayang gawi ay tiyak na mananatili sa kanila kahit saan pa magpunta. Kaya naman kung nagawa na niyang magloko dati, hindi malayong gawin niya ulit ito ngayon.
  2. Iba siya sa karaniwang “siya”. May napapansin ka bang kakaiba sa kaniya nitong mga nakakaraan? Hindi ba pangkaraniwan ang kaniyang mga kinikilos at tila ba nag-iiba na siya habang tumatagal? Parang palagi na ba siyang distracted at tila laging hindi mapakali? Tignan mong mabuti dahil baka nambababae na iyan.
  3. Bagong mannerism. Bukod sa mga pabago bagong normal na kilos ng iyong psrtner sy dapat mo ring bantayan ang mga madalas niyang ikilos mannerism. Nadadalas ba ang paggawa niya ng isang bagay na hindinaman niya madalas ganitin no. Siyasatin mo ang lahat ng iton upang malaman kung talagang tapat siya sa iyo o niloloko ka na lamang niya.
  4. Pagkakaroon ng sikretong kausap. Kung magkasam ba kayo at tumunog ang kaniyang cellphone ay bigla na lang siyang lalayo upang sagutin ito? Minsan nga ay pabulong pa siyang makipag-usap. Kapag ba tinanong mo siya kung sino ang kaniyang kausap o ka-text ay iniiwasan niyang sumagot at tila ba may nililihim siya? Walang kaso kung paminsasn minsan lang mangyari ito dahil kailangan din naman ng mga lalake ng privacy, ngunit kung madalas itong mangyari ay dapat ka nang magtaka. Siguradong may tinatago sa iyo ang iyong partner.
  5. Pagiging malapit sa babaeng kaibigan. Kahit ilang beses na ipaliwanag sa iyo na kaibigan niya lamang iyang babaeng aali-aligid sa kaniya ngayon ay huwag mo siyang lutungin. Madalas ay sa pagkakaibigan nag-uumpisa ang kanilang nararamdaman kaya mas mabuti nang nag-iingat. Magtiwala ka sa iyong kabiyak, ngunit huawag naman anf kaniyang babeng kaibigan.
  6. Amoy babae. Ayan na! Talasan moang iyong pang-amoy. Naaamoy mo ba sa iyong karelasyon ang amoy ng isang babae? Tila ba parang kumapit sa kaniyang damit ang pabango ng isang babae? Sa oras na mangyari ito y magtanong ka na agad sa kaniya at kapag may hindi tama sa kaniyang tugon ay dapat ka nang manghinala.
  7. Hindi madalas na pagkausap o pagpansin sa iyo.Sa pagtagal tagal ng relasyon ay hindi malabong magsawa na ang isang tao kaya naman gagawa siya ng mga bagay na bago sa kaniya o matagal na niyang hindi nagagawa. Kapag nangyari ito ay marahil hindi ka na niya madalas kausapin at mas gusto na lamang niya na lumabas ng mag-isa, makipagkita sa mga kaibigan, at iba pang bagay na hindi ka kasama. Baka niloloko ka na niya kaya naman hindi na isya madalas makipag-usapsa iyo at hindi na siya nagpapakita ng affection sa iyo gaya ng dati. Dapat mo itong suriing mabuti.
  8. Nadulas ang kaniyang mga kaibigan. Ang mga kaibigan ay maaasahan natin na dadamayan tayo sa kung ano man an gating pinagdadaanan. Ngunit, kung kaibigan sila ng iyong karelasyon ay pwede mo silang maging kaaway. Sa papaanong paraan? Simple lang. Karaniwan kasi ay alam nila ang lahat ng kalokohan ng iyong partner. Pero dahil nga sila’y magkakaibigan ay pagtatakpan nila ito sa iyo. Kaya naman. Kung dumating ang pagkakataon na nadulas ang isa sa kaniyang mga kaibigan sa pagsasabing isang bagay, malamang ay mayroon silang itinatago at hindi malayong ito ay pambababae ng taong mahal mo.
  9. Overreaction. Kapag ba nagtanong ka sa kaniya ay parang hindi na niya malmaan kung anong isasagot niya? Kapag ba kinompronta mo siya ay masyado agad siyang defensive at parang oa na o over acting na ang dating. Kapag ba ipinilit mo pang magtanong ay nagagalit na siya kaagad? Baka naman mayroong tinatago ang iyong karelasyon at guilty siya kaya naman nagrereact siyia ng sobra at nagiging defensive.
  10. Puro trabaho ang dahilan. Pansinin mo rin kung ano ano ang mga dinadahilan niya kapag hindi ka niya nirereplyan sa text o kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag mo. Pansinin mo kung ano ang palagi niyang excuse kapag hindi siya sumipot sa date niyo o kaya kinansel niya ito. Palagi bang ang sagot niya ay tungkol sa trabaho? Kung gayon ay baka nagloloko na iyan. Ang “may trabaho pa ko” na dahilan ay isang mabisang excuse para sa maraming bagay, ngunit hindi porke sinabi niya ito ay ito na talaga ang kaniyang ginagawa sa oras na iyon. Kapag ginagamitan ka nito ng madalas, ibig sabihin lamang niyon na hindi ka ganoong kahalaga sa buhay niya, o kaya naman huwag mo siyang gambalain dahil ayaw niyang makausap ka. Kung ang boyfriend o asawa mo ang may sabi nito, mag-isip isip ka na.
  11. Walang gana sa kama. Kung dati ay game na game siya sa “sexytime”, baka naman ngayon ay naiinis pa siya kapag ikaw ang nag-iinitiate. Ang aktibidad na ito ng mag-asawa ay paraan ng kanilang affection sa isa’t isa kaya naman kung iniiwasan ito ng lalake ay malamang mayroong involve na third party.
  12. Magtiwala sa intuition. Isang kamangha manghang kakayahan ng mga babae ay ang makaramdam kung mayroon bang mali lalo na sa isang relasyon. Sa ganitong pagkakataon pinaka-maaasahan ang kanilang women instinct. Kung naramdaman mo na may kakaiba sa ikinikilos ng iyong partner, huwag mo nang patagalin pa at tignan mo na agad ang bagay na ito. Ngunit, mahalaga rin na gawin mo ito ng maayos at hindi pabigla bigla.

Masarap magmahal lalo na kung ito’y tapat at dalisay. Kaya naman, matuto sana ang lahat na maging tapat sa kani-kanilang mga partner. Kung talagang wala nang pagmamahal sa inyong pagsasama, pag-usapan niyo ito at pagdesisyunan kung kayo ba ay maghihiwalay. Huwag iyong nasa relsyon ka pa pero kumakaliwa ka na.  

You may also like...