Ito ang 4 na paraan para matanggal ang tartar, gingivitis at pumuti ang mga ngipin

Halos lahat naman ng tao kahit saan mang naroon na sulok ng mundo ay mayroong kagustuhan na mapaganda ang kanilang panloob at panlabas na kaanyuan. Sa katunayan, handa silang gawin ang kahit na anong bagay, gumastos man sila ng napakalaki at handa silang pumunta sa kahit na anong lugar mabili at mahanap lamang ang produkto na kanilang ninanais upang mas mapaganda at mapabuti pa ang kanilang mga imahe.

Sa kasamaang palad, mayroong mga uri ng mga produkto na ito na siyang nagtataglay ng mga kemikal at mga toxins na hindi na nga nakakatulong para mapaganda ang imahe ng isang indibidwal bagkus nagdudulot pa ng mga negatibong mga epekto na talagang hindi kaaya aya at pagsisihin mo. Kaya marapat lamang na tayo ay maging mapagmatyag at maingat pagdating sa pagbili ng mga produkto na ito dahil may iilang mga tao na nagbebenta ng mga peke at hindi tested na mga produkto na lubhang delikado.

Sino ba naman ang hindi gugustuhin na magkaroon ng magandang imahe lalo na sa modernong panahon ngayon na talagang nangangailangan na kaaya aya ang iyong itsura kung gusto mo na magustuhan at makilala ng iba dahil ang panglabas na kaanyuan na ang basehan ng kagandahan lalong lalo na sa mga social media accounts na kagaya na lamang ng facebook, twitter, Instagram at marami pang iba. Nakakalungkot ngang isipin na kung hindi ka magugustuhan ng mga tao ay makakatanggap ka ng mga masasakit at mga negatibong epekto na nakakapagpababa ng moral ng tao.

Ang kalusugan ng bawat isa ay lubhang napaka halaga upang mas mapanatili ang kagandahan ng kondisyon ng katawan ng bawat indibidwal, maliban sa magandang itsura at kalusugan ng bawat tao ay nararapat lamang na laging isaisip na kung ayaw nila na magkaroon ng kahit na anong uri ng sakit ng dahil sa mga bacteria o mga toxins na makapasok sa loob ng katawan ay kailangan panatilihin ang isang malinis at magandang pangangatawan mapaloob man o labas.

Sa kabilang banda, lubos na importante rin naman na maayos ang panlabas na kaanyuhan lalong lalo na kung ito ay kinakailangan sa trabaho na iyong pinakasukan dahil ang ilan sa mga ito ay nangangailangan ng good personality. Samantala, nangangailangan din ng maayos na kalusugan ng bibig kung ikaw naman ay haharap at magsasalita sa iyong mga customers.

Ang bunganga o bibig ng tao ay isa sa mga pinakamahalagang parte ng katawan ng tao na siyang nangangailangan ng matinding pansin, lalong lalo na pagdating sa kalinisan nito. Nararapat lamang na itatak sa isip na ang lahat ng mga bitamina, mga mineral at maging ang nutrisyon na siyang nakukuha ng katawan ay nanggagaling sa mga pagkain na siyang dumadaan sa bunganga ng kahit na sino. Lahat ng kinakain mo sa kalaunan ay maghahatid ng epekto sa iyong katawan kagaya na lamang ng mga tartar at cavities na siyang mananatili sa loob ng iyong bunganga kung hindi mo ito lilinisan at aalagaan ng maayos.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang uri ng mabisang pamamaraan kung paano ninyo matatanggal ang mga namuong tartar at mga cavities na siyang nagdudulot ng pamamaga at pananakit ng mga ngipin at gums. Ang method na ito ay mayroong kakayahan na tuluyang sirain ang ugat ng problema upang hindi na maulit at tuluyang pang bumalik ang mga pananakit na iyong nararanasan at upang magkaroon din ng isang malinis at kaaya ayang kalusugan ang iyong bunganga.

Narito ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • 1 kutsara ng baking soda
  • ½ na kutsarita ng asin
  • ½ cup ng hydrogen peroxide
  • Antiseptic mouthwash
  • Mainit na tubig
  • Toothbrush

Narito ang mga preparasyon na kinakailangan mong gawin:

  • Step 1

Simple lamang ng kinakailangan mong gawin, una ay paghaluin mo lamang ang parehas na baking soda at kalahating kutsarita ng asin sa tulong ng isang tasa. Kapag napaghalo mo na ng mabuti ang dalawang sangkap ay ibabad mo ang iyong toothbrush sa isang mainit na tubig at isawsaw mo ito sa resipe na iyong pinaghalo kanina. Gamitin mo ito upang sipilyuhin ang iyong mga ngipin at idura mo ito pagkalipas lamang ng ilang sigundo at gawim mo ulit ang bagay nito sa loob ng halos limang minuto.

  • Step 2

Paghaluin mong mabuti ang kalahating tasa ng hydrogen peroxide sa kalahating tasa ng mainit na tubig at gamitin mo ang pinaghalong ito bilang pangmumog sa iyong bibig na hindi kukulang sa isang minut. Idura mo ito pagkatapos at magmumog ka naman ng kalahating tasa na malamig na tubig upang malinisan ang iyong bibig.

  • Step 3

Pagkatapos gawin ang mga ito, kinakailangan mo ng floss para sa step na ito. Lilinisin mo na ang mga tartar na siyang makikita sa iyong ngipin. Maramahan mo lamang na gawin ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng sugat ang iyong mga gilagid.

  • Step 4

Sa huli, gumamit ka ng isang antiseptic mouthwash upang tuluyan ng malinis ang loob ng iyong bunganga.

Gawin mo lamang ang method na ito upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng iyong bunganga at upang hindi na rin magkaroon pa ng kahit na anong klase ng problema na mayroong kaugnayan dito.

Nararapat lamang na bigyan mo ng halaga ang kalusugan ng iyong bunganga. Bukod sa tamang pangangalaga nito, nararapat lamang na regular mong gawin ang pagtotoothbrush, nirerekomenda na gawin mo ito sa loob ng tatlong beses sa isang araw. Nararapat lang din na palitan mo ang ginagamit mo na toothbrush sa loob ng dalawa (2) o tatlong (3) buwan. Huwag mo ring kakalimutan na dalawin ang iyong doktor sa ngipin upang masubaybayan ang mga ngipin na paunti unting nagkakaroon ng sira, mapangalagaan ang kalusugan ng iyong gilagid at ngala ngala at upang malinisan ito ng mas maayos.

Dapat lamang na tandaan mo na ang iyong bunganga ang isa sa mga pinaka importanteng bahagi ng iyong katawan na nararapat lamang na alagaan at mas bigyan ng halaga. Ang mabangong hininga at magandang kalusugan nito ay ang magpapakita kung anong klase kang tao kaya ang pagpapanatili ng kalinisan nito ang magdidikta kung ikaw ba ay malinis na tao.

You may also like...