Ito ang 6 na pagkain at inumin na dapat iwasan upang humaba ang buhay natin!

Mahirap makakita ng isang taong nagsasabing ayaw niyang mabuhay matagal. Lalo na kung maayos naman ang kaniyang pamumuhay, mayroon siyang matatag na ikinabubuhay, buo at masayang pamilya, at iba pang mga bagay na pwede niyang maging inspirasyon upang bumangon araw araw. Sa kabilang banda naman ay marami ang gustong mabuhay ng matagal. Para tuparin ang kanilang mga pangarap, makasama ang kanilang mga minamahal, at iba pang dahilan na nangangailangan ng mahabang panahon ng pamumuhay. Marami kang makikitang ganitong mga tao, baka nga isa ka pa sa kanila.

Sa kagustuhang mabuhay ng matagal, maraming mga tao ang namumuhay na mayroong healthy lifestyle. Kumakain ng mga masusutansyang pagkain, nag-eehersisyo ng regular, walang bisyo at hindi mahilig uminom ng alak o kaya naman ay manigarilyo. Ito man ang isang factor na nagpapahaba ng buhay ng isang tao, nakakalungot na hindi ganoon kataas ang bilang ng mga taong ito. Marami kasing nagsasabing gusto nilang mabuhay ng matagal ay walang ganitong uri ng pamumuhay. Halimba, sa sobrang pagtatrabaho ay wala nang panahong mag-ehersisyo kahit sandali. Hindi rin maikakaila na marami ang mga manginginom at malakas manigarilyo. At syempre, marami rin ang mga taong hindi kumakain ng tama.

Nakakabahala ang bagay na ito dahil ang pagkain ay siyang nagpapalakas sa ating katawan. Kung hindi tama ang ating kinakain ay kakaunti lamang ang makukuha nating sustansya. Kung kulang tayo sa sustansya ay malaki ang tyansa nating magkasakit na posibleng maging mitya ng ating buhay. Kaya naman sa artikulong ito ay maglilista kami ng mga pagkain at inumin na dapat nating iwasan upang humaba pa an gating buhay. Mga pagkain na paborito ng maramingunit masama naman ang maidudulot sa ating kalusugan.

Mga junk foods, pagkain sa fast food restaurant, street foods, ilan lamang ito sa mga madalas kainin ng tao, lalo na ang mga “average” lamang ang pamumuhay. Baka nga hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila kumakain o tumitikim man lang ng pagkaing ito. Paano daw kasi ay masarap na at mura pa ang mga lutuing ito kaya talagang natatakam sila na bumili. Subalit, alam niyo ba na ang mga paborito ninyong ito ay maaaring makapinsala sa inyong kalusugan, at sa pinakamalalang pagkakataon ay maging sanhi pa ng inyong pagkamatay. Narito pa ang mga pagkain na dapat ninyong layuan kung pinahahalagahan niyo ang inyong buahy.

  1. Soft drinks. Ang mga soft drinks at carbonated drinks gaya na lamang ng soda ay may taglay na mataas na level ng sugar, bukod pa sa iba’t ibang mga kemikal na nakapaloob dito. Kung sobra sobra at aaraw arawin ang pagkonsumo nito ay hindi malayong magkaroon ka ng diabetes atiba pang karamdam gaya ng cancer atsakit sa puso. Ang pagtangkilik din sa mga inuming ito ay sanhi kung bait tumataas at nadaragdagan ang iyong timbang.
  2. Artipisyal na pampatamis. Bukod sa mga pagkain at inumin na mataas sa sugar, dpat din tayong umiwas sa mga may sangkap na artipisyal na pampatamis. Gaya ng normal na asukal ay posible ka ring magkaroon ng diabetes dahil dito. At dahil nga sa ito’y artipisyal lamang, nagtataglay ito ng mas maraming kemikal na makasasama sa kalusugan at magdudulot ng mga sakit tulad ng autism, cancer, at problema sa utak.
  3. Corn soup. Ito ay pampatamis na karaniwang matatagpuan sa mga carbonated drinks at processed foods. Abot kaya ang presyo nito kaya naman marami ang tumatangkilik rito. Ngunit, mura man sa halaga ay malaki naman ang negatibong dala sa kalusugan ng isang tao. Ang pagkain kasi nito ay nagdudulot ng pagkagutom ng isang tao kaya siya ay mapapakain ng marami at sobra sa kailangan niya. Kung sobra sa pagkain ay tataas ang timbang at maaari pang mauwi sa obesity. Pwede rin namang magkadiabetes ang tao dahil sa pagtas ng kaniyang glucose level dahil sa mga kinain niya.
  4. Pagkaing piniprito. Ang pagpiprito ang pinakamadaling paraan ng pagluluto. Sandaling panahon lamang ang kailangan nito kaya naman marami ang mahilig kuman ng mga pagkaing piniprito. Subalit, ang madalas na pagkain nito ay masama ang maidudulot sa ating kalusugan, lalo na s akalusugan ng atingn puso. Una sa lahat, ang mamantikang pagkain ay mayroong mataas na level ng fats at cholesterol. Kung sobra sobra ang konsumo natin sa mga ito ay maaari silang bumara sa mga blood vessels, na simula ng mga komplikasyon sa puso. Kung mayroon clogging sa mga ugat ay masyadong mapapagod an gating puso sa pagpapadaloy ng dugo sa buong katawan na sanhi ng hypertension. Ang mataas na blood pressure naman ay posibleng mauwi sa iba pang sakit sa puso gaya ng cardiac arrest at stroke.
  5. Processed food. Ang mga delatang pagkain at mga processed meat gaya ng hotdog ay hindi dapat tangkilikin ng sobra. Ang mga ito kasi ay ginamitan ng preservatives upang hindi mabulok, preservatives na may mataas na level ng sodium. Ang sobrang sodium o asin sa katawan ay magdudulot ng “imbalance” sa mga mineral na nasala sa mga kidney. Kung masyadong marami ang sodium at hindi agad ito nailabas sa katawan, posible itong mag-crystalize at bumuo ng mga kindey stone. Delikado ang pagkakaroon ng kidney stone dahil bumabara ito sa urinary tract at ginagawang masakit ang pag-ihi. Kung hindi ito maaagapan kaagad ay tanghing operasyon lamang ang makakatanggal ditto.
  6. Dairy products. Bagamat masustansya ang gatas, dapat naman ay bantayan din ang pagkonsumo nito. Ang pagkain ng mga dairy productso mga produktong maraming taglay na gatas ay makasasama rin sa kalusugan kung sobra sobra ang pagkonsumo rito. Ang mga produkto kasing ito ay nagtataglay ng antibiotic, sugar, at saturated fat, na kung paminsang minsan lang naman kakainin ay walang problema. Ngunit, dapat itong limitahan kung ayaw ninyong tumaas ang inyong blood sugar at blood pressure. Kung ayaw niyong tigyawatin ng sobra, at madagdagan ng timbang ay marapat lamang na umiwas din kayo sa mga dairy products.

Tandaan na hindi lahat ng masarap na pagkain ay masarap din sa kalusugan. Minsan, kung ano pa yung gustong gusto mo ang lasa ay yun pang makasasama sa iyo. Ang mga pagkain at inuming ito ay halimbawa ng mga dapat mong iwasan. Hindi naman kailangan na hindi na ito kainin kalianman, ang iminumungkahi naming ay kainin ito paminsan minsan at kakaunti lamang. Ayos lang din naman kung ikaw ay may “cheat day” ngunit hindi ito dapat nadadalas.

You may also like...