Ito ang 7 magandang epekto ng aloe vera juice sa ating katawan at kalusugan

Ang Aloe Vera ay isang sikat na halaman na matagal nang ginamit ng mga tao ng iba’t ibang sibilisasyon magmula pa lamang noong unang panahon. Ito ay kinikilala sa buong mundo dahil sa napakarami nitong mga benepisyo pagdatig sa larangan ng medisina. Masasabi natin na isa ito sa mga pinakaginagamit na halaman na may iba’t ibang gamit sa buong mundo. Mula sa pinagmulan nito sa kontinente ng Africa, totoong laganao na ang Aloe Vera dahil kahit sa ibang mga kontinente gaya na lamang dito sa Asya ay napaka-popular nito.

Ang halamng ito ay kilala rin sa tawag na Sabila at ang siyentipikong pangalan nito ay aloe vulgaris lam o aloe perfoliate linn. Ang Aloe Vera ay matagal nang pinag-aaralan ng mga propesyonal sa larangan ng siyensya at napatunayan nang hindi lamang ito isang halamang gamot na nakapagpapagaling ng mga karamdaman, kundi maging isang kasangkapan sa larangan ng cosmetics. Bukod pa riyan ay inaprubahan na rin ng FDA o Food and Drug Association ang Sabila bilang isang halamang pwedeng kainin. Tunay nga at napakarami ng benepisyong maaari nating makuha mula sa halamang ito.

Kung gusto mong mapakinis ang iyong balat ngunit hindi mo kayang magpatingin sa isang dermatologist, huwag kang mag-alala dahil kayang kayang lutasin ng Aloe Vera ang iyong problema. Ipahid mo lamang ang gel o katas nito sa iyong balat at tiyak na makakamit mo ang pinakaaasam mong makinis na balat. Maaari mo rin itong gamitin bilang isang shampoo upang mapaganda ang tubo ng iyong buhok. Sa katunayan nga ay maging ang mga naglalakihang mga kompanya na gumagawa ng mga shampoo ay naglalagay ng Aloe Vera sa mga ito upang maging mabenta sa mga tao.

Kung dito pa lang ay napamangha ka na ng Aloe Vera, sinasabi ko sa iyo na mas mamamangha ka pa sa mga susunod mo na mababasa. Ang benepisyong ito ng aloe vera sa pagpapaganda o cosmetics ay hindi ang pinakamahalagang ambag ng Aloe Vera sa tao, kundi ang benepisyong medikal nito. Alam niyo ba na sa panahon pa lamang ng Ancient Egypt ay ginagamit na ito? Sa katunayan nga ay tinagurian pa ang Sabila bilang “Plant of Immortality” dahil bukod sa nagpapaganda ito sa tao ay nagpapagaling pa ito ng mga sakit kaya naman nabuhay ng mahaba ang mga tao sa panahong iyon. Hindi lang iyan kaya ituloy mo pa ang pagbasa upang malaman mo sa kung papaanong paraan pa nakakatulong ang Aloe Vera sa pamumuhay ng tao.

Gaya na lamang ng nabanggit na, ang Aloe Vera ay nakakatulong upang magkaroon ng makinis na balat ang isang tao. Ngunit, hindi lamang iyan ang maitutulong nito sa pagpapaganda ng ating pisikal na kaanyuan. Ang pag-inom ng katas ng Aloe Vera ay poprotekta sa atin sa pagkakaroon ng maraming tigyawat kaya totoong kikinis ang ating mukha. Bukod pa diyan ay mapipigilan din ang pagtubo ng kung ano anong mga kauri ng tagyawat sa ating balat kung iinumin natin ang katas ng halamang ito. Napapakinis ng Sabila ang ating balat dahil nagtataglay ito ng antioxidant properties na siyang pumupuksa sa mga pumapatay sa ating good cells. Dahil dito ay naiiwasan ang dead skin, panunuyot ng balat o pagkakaroon ng dry skin, maging ang pagkakaroon ng mga linya sa mukha na karaniwan nating tinatawag bilang isa sa mga “signs of aging”. Tunay ngang karapat-dapat ang Aloe Vera sa pangalan nitong “plant of immortality”.

Alam niyo ba na ang Aloe Vera o Sabila ay isang halamang may magandang maidudulot sa ating atay? Oo, tama. Sa atay o liver sa Ingles. Kaya naman kung ikaw ay dumadaing sakit sa atay ay mas maiging kumuha ka ng aloe vera, kunin ang katas o gel nito at saka mo inumin. Sa pamamagitan nito ay mapapanumbalik mo ang kalusugan ng iyong atay at mababalanse mo pa ang fluid levels ng iyong katawan.

Hindi lamang ang atay o liver ang naisasaayos ng Aloe Vera  kundi maging ang kabuuan ng ating digestive system. Ito ay dahil ang halamang ito ay nagtataglay ng “laxative” property na kailangan ng ating katawan upang maging maayos ang pagdaloy ng pagkain sa digestive tract. Bukod pa dito ay maiiwasan din ang pagkakaroon ng problema sa pagdumi, constipation, at paglaki ng tiyan, dahil naisasayos sa kabuuan ang proseso ng pagtanuw. Mainam ding uminom ng katas ng Sabila ang mga taong nakakaranas ng pananakit ng tiyan o ulcer at iba pang mga kauring kondisyon nito.

Isa pang kahalagahan ng Aloe Vera ay nagagawa nitong linisin ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga dumi at toxins. Karaniwan, ang ating kidney ang siyang responsible sa gawaing ito ngunit, isang malaking tulong ang Sabila upang mas maging maayos ang detoxification o pag-aalis ng toxins sa katawan. Ang halamang ito kasi ay mayaman sa mga bitamina at amino acid kaya naman naaasistahan nito ang ating kidney sa pagtatanggal ng mga dumi. Mayroon din itong taglay na mineral kaya naman nababalanse rin ang body fluids ng ating katawan.

Maliban sa mga ito, ang Aloe Vera rin ay sagot sa mga taong naghahangad na magbawas ng timbang. Sa mga taong nahihirapan sa pagda-diet, ang halamang ito na ang solusyon sa inyong problema dahil mayroon itong “aloin” na tumutulong upang mabawasan ang iyong timbang. Kasabay ng pagkain ng tama at pageehersisyo, ang pag-inom ng katas ng Sabila ang makakasigurado sa iyong pagpayat.

Bukod sa mga nabanggit na, ang Sabila ay makakatulong din sa pagbabalanse ng asukal sa iyong katawan kaya naiiwasan ang pagkakaroon ng diabetes. Kapag ang glucose o ang sugar na matatagpuan sa ating dugo ay masyadong mataas, doon nagkakaroon ng diabetes. Tumataas ang level ng glucose kung sobra anv ating pagkonsumo ng mga pagkaing mayroong mataas na level nito, habang ang ating katawan ay hindi naglalabas ng sapat na level ng insukin upang kontrokin ito. Ngunit, kung tayo ay iinom ng katas ng Aloe Vera na nagtataglay g magnesium, manganese, zinc, at chromium, ay matitiyak natin na mababantayan ang level ng glucose sa iyong katawan dahil pinauunlad nito ang produksyon ng insulin.

At panghuli, hindi lamang ang glucose level ang nababantayan ng Aloe Vera, kundi maging ang sting cholesterol level. Alam nating lahat na kapag mataas ang kolesterol ng isang tao ay may posibilidad na bumara ito sa mga ugat, na siya namang magiging dahilan ng pagkakaroon ng high blood pressure. Kapag mataas naman ang iyong dugo ay may posibilidad na ikaw ay atakihin sa puso o magkaroon ng ibang sakit na may kinalaman dito. Kaya naman, mahalaga na mabantayan natin ang cholesterol level ng atig katawan, at magagawa natin ito sa pamamagitan ng pag-inom ng katas ng Sabila. Kapag kinunsumo ito araw araw ay tiyak na bababa ang tiyansa na ikaw ay magkaroon b sakit sa puso.

Totoong dapat natin ipagpasalamat na pinagkalooban tayo ng ganitong uri ng halaman dahil hindi na natin kailangang gumastos pa ng malaki upang masolusyunan ang mga problemang medikal na ito. Hindi na nga nakapagtataka kung bakit ang Aloe Vera ay napaka-popular at kilalang kilala sa buong mundo.

You may also like...