Ito ang 7 mga pagkain na dapat mong iwasan kung ikaw ay may gout

Upang kayo ay magkaroon ng mas malawak na pagkakaintindi kung ano ba talaga ang gout at para maiwasan niyo na rin ang sakit na ito o mabawasan ang mga maaring pagatake nito at sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi ang tulong na kinakailangan ninyo patungkol sa sakit na ito. Ang gout ay isang uri ng sakit na siyang kilala dahil ito ay isang uri ng arthritis o rayuma na parehong nagdudulot ng sakit at ginagawang komplikado ang kondisyon ng isang tao.

Sa katunayan, ang sakit na ito ay madalas na nararanasan sa hinlalaki ng paa ng isang tao. Ang madalas na rason kung bakit ito nangyayari ay ang mataas na antas ng uric acid na siyang ginagawa ng katawan upang masira ang purine. Ang uric acid na siyang matatagpuan sa anyo ng crystal ay siyang paunti unting nabubuo sa paligid ng mga kasukasuan o kidneys. Ang mga ito ay kalaunang magdudulot ng pananakit at ng pamamaga sa mga joints o sa kasukasuan. Isa ito sa mga karanasan na hinding hindi mo gugustuhin na mangyari kaya’t mabuti na lamang at mayroong mga paraan upang mabawasan ang pagatake nito sa katawan at maibsan ang sakit na nararamdaman na siyang naidudulot nito sa isang indibidwal. Ipapakita namin sa inyo ang listahan ng mga pagkain na dapat mong iwasan upang hindi mo maranasan ang pagkakaroon ng gout.

Narito ang mga pagkain na dapat mong iwasan kung ikaw ay may gout at upang hindi magkaroon nito:

  • Candy at Cakes

Ang kinakailangan mo lamang gawin ay iwasan ang mga uri ng pagkain na nagtataglay ng mataas na antas ng fructose at corn syrup. Kung isa ka sa mga tao na madalas nagkakaroon ng sweet tooth, isipin mo na lamang ang mga pananakit at pamamaga na maari mong maranasan lalong lalo na ng iyong joints kung madalas kang kakain ng mga ganitong klase ng mga pagkain.

  • Sugary Drinks

Hindi naman talaga madaling iwasan ang hindi paginom ng mga matatamis na inumin lalo na kung ito ay kasalukuyang taginit. Ang mga pinatamis na inumin o sweetened drinks, kagaya na lamang ng soda at fruit drinks ay talagang masarap at nakakatukso dahil sa maraming dahilan at ilan na dito ang taglay nitong natural na sarap na taglay nito, madali lamang itong gawin, hindi gaanong kamahalan o mas mura kung ikukumpara sa mga bottled water at mainam din na isabay sa pagkonsumo ng mga junk foods. Gayunpaman, ang mga ganitong klase ng inumin ay nagtataglay ng mataas na antas ng fructose na maaring isa sa mga dahilan kung bakit lumalala ang gout at nakakasira rin ito para sa kalusugan ng tao. Ito rin ay mayroong kakayahan na makaapekto sa gout dahil karamihan sa mga matatamis na inumin ay nagtataglay ng artificial fructose na nakakapagpataas ng antas ng uric acid sa dugo na siyang nakapagdudulot ng pamamaga at pananakit sa gilid ng mga kasukasuan.

Ayon sa isang pagaaral na siyang isinagawa ni Hyon Choi M.D., PhD, isang kilalang clinical associate professor of medicine sa rheumatology na siyang nagpakita sa mga taong kalahok sa pagaaral na ito na ang paginom ng sosobra sa dalawang (2) servings ng asukal o fructose sweetened soda sa pang araw araw ay mayroong kakayahan na mapataas ng mahigit kumulang 85% ang tiyansa na magkaroon ng gout. Sa katunayan, mas mataas ito kung ikukumpara sa mga kalahok ng pagaaral na ito na mas maliit ang antas na ininom na sugar drinks sa loob lamang ng isang buwan. Kanya ring napagalamanan na ang diet soda ay hindi nagtataglay ng epekto o kahit na anong klase ng kaugnayan sa pagkakaroon ng gout kaya maari mo pa rin itong inumin.

Bilang karagdagan, nararapat lamang na iyong itatak sa iyong isipin na sa halip na uminom ng mga inumin na matatamis upang mawala ang uhaw na nararamdaman, tubig na lamang ang iyong inumin. Ang paginom nito ay nakatutulong upang mabawasan ang posibilidad na mabuo ang uric acid bilang crystals at nababawasan din nito ang iyong kagustuhan na uminom ng iba pang inumin na maaring makasama para sa iyo. Tandaan mo rin na ang tamang antas ng tubig sa katawan ay maganda para sa iyong kalusugan.

  • Organ Meats

Ang balita na ito ay magdudulot ng kalungkutan para sa mga tao na mahilig kumain ng mga kakaibang pagkain dahil sila ay umiiwas sa pagkonsumo ng atay, kidney at sweetbreads na maari pinakamabisang bagay na dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng gout. Ang bagay na ito ay nagiging impossible dahil ang glandular parts o organs ay nagdudulot ng malaking epekto sa pagpapataas ng uric acid dahil ang mga ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng purine. Mas pinapalala ng mga ito ang sitwasyon ng limang (5) beses kung ikukumpara sa mga normal na meat.

  • Red Meat

Ang gout ay kilala talaga at ito ay madalas na tinatawag na “sakit ng mga hari” dahil karamihan sa mga pagkain na mayroong kaugnayan sa sakit na ito ay madalas na kanakain lamang ng mga taong malalakas kumain at kadalas din na ang mga pagkain na ito ay kinakain ng mga taong may pera. Sa katunayan, ang red meat ay nagtataglay ng mayamang antas ng purine na mayroong kakayahan na mapataas ng posibilidad ng pananakit ng gout. Kabilang sa pamilya ng red meat ang beef, pork at maging ang lamb.

  • White Bread at Pasta

Kahit hindi naman talaga ganung katamis ang white bread at pasta, sila ay parehong nagtataglay ng high-fructose corn syrup. Upang maiwasan mo ito, maari mong subukang gumamit ng whole bread sa halip na mga ito. Hindi ito magiging madali para sa iyo sa umpisa ngunit kung ikaw ay sensitibo sa iyong mga kinakain o binibili, lalong lalo na sa tinapay ay magiging ligtas ka at maiiwasan ang sakit na ito.

  • Alcohol

Ang paginom ng alak ay hindi talaga nagdudulot ng kahit na anong klase ng kabutihan para sa katawan ng tao at kahit na ilang beses pang pagbawalan at sabihan ng doktor ang mga tao, ay patuloy pa rin nilang iinumin ang bagay na ito. Ang ilang klase ng mga alak, kagaya na lamang ng beer ay nagtataglay ng mataas na antas ng purine. Ang purine ay kilala bilang isang bagay na siyang kalaunang nabubuo bilang uric acid sa loob ng katawan. Ang uric acid na ito ang siyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit at pamamaga sa paligid ng kasukasuan na siyang kilala bilang gout. Kaya nararapat lamang na tanungin mo muna ang iyong doktor kung ano ang uri ng alak na maari mong inumin o tuluyan mo ng tigilan ang paginom sa mga ito.

  • Seafood

Ang seafood kagaya na lamang ng mussels, scallops, tuna, sardines, haddock at mackerel ay nagtataglay ng mataas na antas ng purine kung ikukumpara mo sa ibang uri ng pagkain. Ang mga seafood na ito ay mayroong kakayahan na mas mapalala ang sakit na iyong nararamdam sa mahigit 50%. Kung isa ka sa mga tao na mahilig kumain ng hipon, ngayon pa lang ay dapat mon a itong iwasan lalo na kung ikaw ay mayroong gout dahil ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng purine.

Sa kabilang banda, ang salmon ay kilala na hindi kasama sa mga seafood na ito sapagkat ito ay nadiskubre na nagtataglay ng kakayahan na makatulong para sa mga tao na mayroong gout. Ang tao na mayroong gout ay kinakailangan kontrolin ang purine na siyang tinatanggap ng kaniyang katawan sa 150 milligrams lamang.

Narito ang listahan ng iba pang mga pagkain na dapat mong iwasan:

  • Goose
  • Consommé
  • Gravy
  • Brains
  • Heart
  • Kidney
  • Herring
  • Mincemeat
  • Meat extracts
  • Yeast
  • Roe

Narito naman ang mga pagkain na itinuturing na ligtas kainin ngunit dapat paring magingat at hindi dapat sobrahan ang pagkonsumo dahil nagtataglay pa rin ang mga ito ng mababang antas ng purine:

  • Lentils
  • Dried beans
  • Mushrooms
  • Shellfish
  • Asparagus
  • Spinach
  • Dried peas

Narito ang mga pagkain na ligtas kainin, sobrang baba lamang nito sa purine at ligtas ito maliban na lamang kung ikaw ay mayroong ibang sakit:

  • Chocolate
  • Cereals
  • Cheese
  • Cherries
  • Cream
  • Custard
  • Coffee
  • Eggs
  • Fruit
  • Gelatin desserts
  • Herbs
  • Ice cream
  • Milk
  • Nuts
  • Noodles
  • Olives
  • Oil
  • Pasta
  • Pickles
  • Puddings
  • Popcorns
  • Rice
  • Relishes
  • Salt
  • Tea
  • Vegetables, maliban na lamang sa ilang nasabi sa itaas.

You may also like...