Ito ang 9 na pagkain na makakatulong patalinuhin ang ating mga anak

Ang mga bata ay talagang nakakatuwa ngunit mayroong mga pagkakataon na ang kanilang mga magulang ay naiinis sakanila dahil sa kanilang pagiging maarte sa pagpili ng mga pagkain. Ang utak ng tao ay mas kinakailangan ang mga pagkain na nakakatulong sa pagpapalusog sa katawan. Ang magandang uri ng diet na siyang makakapagbigay ng mga wastong building blocks para sa tama at maging sa mabilis na paglaki ng mga bata ay ang mga pagkain na mayroong mataas na antas ng Omega 3 fatty acids.

Sa kabilang banda, napakaraming bilang ng mga magulang sa panahon ngayon ang nakukuntento na at nasisiyahan na kumain na lamang ng kahit na anong uri ng pagkain para sa kanilang mga anak dahil nga kung iisipin, maarte talaga at mapili ang mga bata ngayon pagdating sa pagkain.

Mabuti na lamang at mayroong biyaya na binigay para sa sangkatauhan, at ito ang mag natural, masasarap at masusustansyang mga pagkain na maari nating makuha mula sa kalikasan na siyang makakatulong ng higit sa pagpapalakas at pagpapatalas ng isipin ng isang tao, bata man o matanda. Sa artikel na ito, aming ipapakita sa inyo ang ilan sa mga pagkain na dapat kainin ng inyong mga anak upang sila ay lumaking matalino at matalas ang pagiisip.

Narito ang mga pagkain na dapat mong ipakain sa inyong mga anak upang sila ay lumaking matalino at masigla:

  • Oats

Alam naman ng halos lahat ng tao na mabuti para sa kalausugan ng isang tao ang pagkonsumo sa oats ngunit hindi nga lang gaanong nakakapagbigay ng gana ang lasa na mayroon ito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga magulang ay mas pinipiling gumamit ng mga breakfast cereals kahit pa alam naman nila na nakakasama para sa kalusugan ng kanilang mga anak ang sobrang taas na antas ng asukal na nagmumula rito. Ngunit hindi mo rin naman sila masisi dahil marami silang ginagawa sa pang araw araw, busy sila sa mga gawaing bahay maging sa trabaho na kanilang pinapasukan. Mabuti na lamang at maari mong mapabuti at mabago ang lasa ng oats upang mahikayat at maengganyo mo ang iyong mga anak sa pagkain nito. Maari mo itong mapatamis ng hindi nawawala ang sustansiya na siyang taglay nito. Maari mo rin itong haluan ng mga prutas kagaya na lamang ng saging at berries upang mas ganahan ang mga bata sa pagkain nito.

  • Avocadoes

Maari nakikita mo na ang avocado na madalas kasama sa mga listahan ng mga pagkain na siyang nagtataglay ng magandang epekto para sa kalusugan ng isang tao at ito ay nangyayari ng dahil sa ang pagkain na ito ay maaring magamit bilang lunas sa halos lahat ng problema sa kalusugan na mayroon ang isang indibidwal. Ang isa sa mga pinakamagandang bagay patungkol sa pagkain na ito ay ang taglay nitong mayamang antas ng good fat. Ang sobrang amoun nito sa katawan ay hindi nakakasama para sa kalusugan bagkus ito pa ay nakatutulong upang mapabilis ang development ng utak ng mga bata. Sa kabilang banda, baka hindi magustuhan ng ilan sa mga bata ang lasa na mayroon ito, kaya nararapat lamang na unti untiin moa ng pagpapakain nito sa kanila hanggang sa tuluyan na silang masayan dito at tiyak matutulungan sila nito sa kanilang paglaki. Maari mo rin itong gawing spread sa mga toast upang makagawa ng sandwich at maari mo rin itong gawing sawsawan sa mga pagkain na madalas nilang kainin.

  • Green Leafy Vegetables

Ang pagkain ng green leafy vegetables ay madalas na nirerekomenda ng mga doktor na ipakain ng mga magulang sa kanilang mga anak habang sila ay bata pa upang matutunan nila itong kainin hanggang sa kanilang paglaki. Ang green leafy vegetables na kagaya na lamang ng parehas na spinach at kale ay nagtataglay ng mataas na antas antioxidant na siyang mabisang proteksyon para sa utak labansa mga nakasisirang epekto na hatid ng free radicals. Ito rin ay mayroong kakayahan na mapabuti ang cognitive functions at maging pigilan ang pagkasira nito. Subukan mong pakainin ang inyong mga anak ng gulay at kahit na mahirap itong gawin, magisip na lamang kayo ng mga paraan upang magawa ang bagay na ito. Ang mga bata ay maaring maengganyo sa pamamagitan ng mga pagkain na nakikita nila kaya dapat may maayos ang presentasyon ng pagkakahain ng mga gulay na ito sa kanila upang ito ay kanilang kainin.

  • Walnuts

Ang walnuts ay talagang masarap at ito pa ay nakatutulong para sa kalusugan at mabuting pagtakbo ng utak ng tao. Ito ay isa sa mga pinaka kilala at mabisang pinagkukunan ng Omega 3 fatty acids. Ang Omega 3 ay isang malakas ba brain booster dahil ito ay mayroong kakayahan na gumawa ng DHA, na isang mahalagang structural component ng neurological system. Ito rin ay kumpirmadong mataas sa Vitamin E na siyang nakabubuti para sa cognitive functions ng katawan ng tao.

  • Fruits

Ang kagandahan sa mga prutas ay nagtataglay ito ng matamis na lasa na siyang madaling mapapakain sa mga bata. Ang mga prutas kagaya na lamang ng mansanas ay mayroong taglay na antioxidant na siyang kilala bilang quercetin na sadyang nakabubuti para sa mabilis na paggana ng utak. Upang mas mapatindi ang konsentrasyon ng inyong mga anak para sa buong araw, kinakailangan nila ng quercetin. Maari mong idagdag ang mga mansanas sa mga pies na madalas nilang kainin o sa mga salad kasabay ng kanilang tanghalian.

  • Eggs

Kung naubos na ang kanilang enerhiya, tamang tama ang itlog upang mabalik ang nawala nilang enerhiya at isa ito sa mga paborito ng mga bata. Ang egg yolks ay mayroong malaking naiaambag para sa kalusugan ng mga bata lalong lalo na para sa kanilang utak. Ito ay nakatutulong upang makabuo o makabuo ng neurotransmitter at acetylcholine ang katawan ng tao. Ang acetylcholine ay responsible sa pangangasiwa ng komunikasyon sa pagitan ng mga cells at pinapabuti rin nito ang memorya na mayroon ang bata. Ito ay punong puno ng mga sustansiya at ito rin ay mahalaga upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng mga bata.

  • Yogurt

Dahil mayroong iba’t ibang klase ng mga flavored yogurt ang maari mong makita sa mga pamilihan, mahirap makahanap ng eksaktong flavor na magugustuhan ng inyong mga anak. Ito ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga health benefits kagaya na lamang ng proteins at calcium na taglay nito. Lingid sa kaalaman ng iilan na ang yogurt ay mabuti rin para sa kalusugan ng kaisipin ng inyong mga anak. Ang mga probiotics na taglay nito ay mabisa rin para sa pagpapabuti ng mood ng isang tao at kung madalas na irritable ang inyong anak, ito ay mainam para sa kanila. Maari mo rin itong ihalo sa mga prutas at baka sa paglipas ng panahon ay mas piliin itong kainin ng inyong mga anak kung ikukumpara sa ice cream.

  • Olive Oil

Ang olive oil ay kilala dahil sa mayamang laman nito ng monounsaturated fatty acids na siyang mabuti para sa mabilis na development ng utak ng mga bata. Mas magiging mainam din kung ipapalit mo ito sa madalas mong ginagamit na mga cooking oil ngunit huwag mo nga lang sosobrahan ang paggamit dito dahil maari rin itong makapagdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng bata. Mas mainam kung tama at balanse lamang ang paggamit mo rito at iwasan mo rin ang deep fried food.

  • Fish

Pagdating sa ikagaganda, ikabubuti at ikabibilis ng development ng utak ng mga bata, kinakailangan nila ng isda. Ang parehas na salmon at mackerel ay isa sa mga magagandang halimbawa ng mga fatty fish. Makakatulong ito upang mabigyan sila ng kanilang kinakailangan na Omega 3 fatty acids, lalong lalo na ng kanilang utak. Nakatutulong din ito upang mapigilan ang pagkawala ng kanilang memorya at mapababa ang kanilang kakayahan sa pagiisip. Ito rin ay nagtataglay ng mataas na antas ng Vitamin D na mainam para sa katawan. Maari kang gumawa ng mga fish cakes o tuna sandwich upang ganahan ang inyong mga anak sa pagkain ng isda.

You may also like...