Ito pala ang mga nakakagulat na benepisyo na makukuha natin sa sunflower

Isa sa mga binagawa ng mga lalaki na nakapagbibigay kasiyahan sa mga babae ay ang pagbibigay ng mga bulaklak. May mga nagbibigay ng mga mapupulang rosas at iba iba pang mga kauri nito. Napakarming mga bulaklak na maaaring pagpilian. Iba iba ang kulay, iba iba ang laki, subalit totoo namang naggagandahan kaya nagugustuhan din ng mga pinagbibigyan nito. May mga babae pa nga na nagiging paborito ang isang bulaklak dahil sa angkin nitong ganda at mabangong amoy. Subalit, alam ba ninyo na hindi lamang ang panlabas na kaayuan ng mga bulaklak ng dapat nating kamanghaan? Pabibilibin din tayo ng kanilang mga benepisyong medikal.

Isang halimbawa nito ay ang bulaklak na itatampok namin sa artikulong ito. Kagaya ng rosas, paborito ito ng maraming tao dahil kakaiba ang kaniyang itsura at talaga namang maganda. Mahahaba ang mga tangkay nito, pabilog ang hugis, habang kulay dilaw naman ng kaniyang mga petals. Dahil nga dito ay sinunod sa araw ang kaniyang pangalan — ang sunflower. Marahil ay alam na alm na ninyo kung ano ang itsura nito at kung bakit gustong gusto ito ng maraming tao, baka nga isa ka pa sa kanila. Pwedeng pwede itong gamitin bilang pangdekorasyon sa iyong paligid. Ang sinumang makakita ng bulaklak na ito ay siguradong mamamangha sa angkin nitong ganda at gugustuhin na gawin itong pangdekorasyon. Ang maliliit at madidilaw nitong mga petals, kasama pa ang kaniyang kabuuan ay tunayna kahali halina at gugustuhin mong titigan parati.

Pero bukod sa angkin nitong ganda, napakarami ring mga benepisyong medikal ng maaari nating makuha sa bulaklak na ito. Siksik rin ito ng mga bitamina at mineral tulad ng fiber, amino acid, protina, at Vitamin B kaya naman mabisa itong panggamot sa iba’t ibang uri ng mga sakit. Ituloy mo lamang ang pagbasa at alamin kung ano ano ang mga benepisyong ito.

  1. Pang-iwas sa Malaria. Minsa kapag hindi natin napapansin ay nadadapuan na pala tayo ng mga lamok kaya naman nakakapasok ang mga bacteria sa ating katawan at nagkakaroon tayo ng sakit na malaria. Dahil sa sakit na ito ay pwede tayong magkaroon ng mataas na lagnat at chills kaya naman delikado lalong lalo na sa mga bata. Mabuti na lamang at may mga paraan upang gamutin ito, isa na dyan ang paggamit ng sunflower. Ang kinakailangan mo lamang gawin ay magpakulo ng dahon ng sunflower at saka ito inumin. Napatunayan na ng mga eksperto na ito ay totoong mabisa dahil ayon sa kanila, ang dahon ng bulaklak na ito ay may kakayahang puksain ang mga bacteria na dala ng mga lamok.
  2. Panggamot sa mga Sugat. Ayon din sa mga isinagawang pag-aaral, ang sunflower ay may kakayahan ding makagamot ng mga sugat atmga kagat ng insekto. Ang dahon nito ay mabisang gamitin upang pantakip sa mga sugat at siguradong mapoprotektahan nito ang sugat mula sa pagka-impekyon.
  3. Mabuti sa Puso. Ang sunflower ay isa sa mga halaman na maaari nating tawagin na “heart-friendly” dahil kaya nitong iregula at pababain ang level ng LDL o bad cholesterol sa ating katawan. Ang LDL ay ang fats na bumabara sa mga blood vessels na nagiging dahilan ng pagtaas ng blood pressure. Kayanaman kung ikaw ay nakararanas nito, mainam na ikaw ay uminom ng pinakulong dahon ng sunflower. Mababantayan nito ang iyong cholesterol level kaya naman tiyak na maiiwasan ang hypertension at iba pnag mga karamdamang may kinalaman sa puso.
  4. Pang-iwas Cancer. Isa pang napakabuting benepisyo ng sunflower ay ang kakayahan nitong pigilan ang cancer dahil sa mataas na level ng antioxidant na kaniyang taglay. Ang mga antioxidant na ito ang siyang pumupuksa sa mga free radicals at oxidativs na siyang pangunahing dahilan sa pag-develop ng cancer. Napipigilan nito ang pagbuo ng mga cancerous tissue at tumor kaya naman napipigilan ang cancer simula pa lamang sa early stage nito. Isa pang mabuting dulot ng antioxidant content ng sunflower ay ginagamot din nito ang mga cells na nasira ng cancer kaya naman mapanunumbalik ang kalakasan ng katawan.
  5. Gamot sa Iba Pang Uri ng Sakit. Napakaraming mga health properties ang tinataglay ng sunflower kaya naman hindi na nakapagtataka na napakarami ring mga sakit at karamdaman ang kaya nitong pagalingin. Isa na dyan ay ang ulcer at ibang pang karamdamang kauri nito tulad ng pananakit ng tiyan at constipation. Magpakulo ka lamang ng dahon ng sunflower at saka ito inumin, siguradong malulunasan ang iyong kondisyon. Bukod pa riyan ay malaking tulong rin ito upang pahupain ang mga pamamaga sa katawan, maging ggamutin ang mga karamdamang may kinalaman sa gastrointestinal tract at respiratory tract. May mga taglay din itong nutrients na kayang gamutin ang arthritis at pananakit ng mga kasukasuan, pulmonary pneumonia, maging ang pananakit ng dibdib, puson tuwing may dalaw ang babae, at iba pang pananakit ng katawan. May kakayahan din itong ibalanse ang blood sugar level ng isang tao kaya naman naiiwasan maging ang sakit na diabetes.

Napakarami pang mga pwedeng paggamitan ng sunflower. Alam niyo ba na maaari kang makakuha ng oil sa bulaklak na ito? Ang oil na tinatawag na linoleic acid ay may magandang maidudulot sa kalusugan ng tao, at makukuha ito sa sunflower! Pwederin itong kainin, may iba nga na ginagawa itong sahog ng margarine na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang mga salad. Maging ang buto nito ay edible rin. Aakalain mo bang may mga gumagamit ng buto ng sunflower upang pasarapin ang kanilang mga nilutong cake at tinapay? Tunay na kamangha mangha, hindi ba?

Ang maganda pa ay halos walang masamang side effect ang pagkonsumo ng dahon o buto ng sunflower. Mababa ito sa purine at iba pang kauri nito na maaaring makasama sa metabolism kayha naman siguradong ligtas ito. Subalit, mahalaga rin na ikaw ay maghinay hinay sa pagkondumo ng sunflower sa kagustuhan mong makaiwas sa mga karamdaman. Ang bulaklak kasi na ito ay may taglay rin na Omega-6 acid na kapag sumobra sa konsumo ay may masama ring dulot sa ating kalusugan. Kaya naman, maiging balansihin mo ito sa pamamagitan ng pagkain ng mga mayayaman s Omega-3 acid.

Tunay ngang kamangha-manga ang sunflower. Hindi lamang ito maganda sa paningin kundi maging sa ating kalusugan. Isa itong biyaya ng kalikasan na dapat nating ingatan at pahalagahan. Huwag kalimutang ibahagi ang kaalamang ito sa iyong mga kaibigan at pamilya upnag sila rin ay mamangha sa benepisyong maibibigay ng sunflower.

You may also like...