Ito pala ang mga sintomas na mararanasan natin kapag nasa panganib ang ating kidneys

Ang ating katawan ay may iba’t ibang mga system na may kaniya kaniyang mga trabaho. Ang mga sistema namang ito ay mayroon ding mga bahagi. Halimbawa na lamang ang ating Cardiovascukar System na responsable sa pagpapadaloy ng dugo sa ating buong katawan, bahagi nito ang puso pati na rin ang ating mga ugat. Ang bibig, esophagus, atay, tiyan, at mga intestine naman ay kabilang sa Digestive System na siyang tumutunaw ng ating kinakain. Ang mga sistemang ito ay nagtutulong tulong upang maging mainam ang ating paggawa sa araw araw at mapanatili ang kalusugan natin.

Sa ating katawan din ay mayroong mga sistema na naglalabas naman ng mga dumi at toxins, na karaniwan nating nakukuha mula sa mga pagkain at inumin na ating kinokonsumo. Ang mga ito ay ang Excretory System, na nag-aalis ng lahat ng uri ng dumi sa katawan, at ang Urinary System na naka-pokus naman sa paglalabas ng urine o ihi. Kaugnay nito, mayroon tayong isang body organ na bahagi ng dalawang sistemang ito at iyon ay ang ating kidney o mas kilala sa tawag na “bato” sa ating lenguwahe.

Ang bawat tao ay may dalawang kidney na matatagpuan sa magkabilang bahagi ng spinal column. Sila ay maliliit na organ na hugis “beans” at sila ang pangunahing naglilinis ng ating dugo. Sa isang araw, makailang ulit na dadally ang dugo sa ating mga bato upang magdalawa ng oxygen. Subalit, hindi lamang hangin o oxygen ang maiiwan sa kidney kundi maging ang mga mineral at sodium o asin na kailangang ilabas sa katawan. Matitipon ng matitipon dito ang iba pang toxins at saka naman ilalabas sa katawan sa pamamagitan ng urinitaion o pag-ihi.

Kung maayos na naisasagawa ang detoxification ng ating katawan ay makasisiguro tayo na malalayo tayo sa mga karamdaman. Bukod pa rito ay magiging maayos din ang pag-function ng ating katawan at mas mapapaunlad pa ang ating kalisugan sa kabuuan. Dahil nagagawa ng mabuti ng mga kidney ang kanilang tungkulin, maayos na dumadaloy ang dugo sa ating buong katawan, na nakaugnay naman sa maayos na pag-function ng ating puso. Maliban pa riyan ay mas tumitibay pa ang ating mga buto kaya naiiwasan ang mga sakit na may kinalaman sa dito. Totoo nga”t ang mahusay na detoxification ay may malaking ambag sa ating sarili.

Subalit, dahil nga maraming mga tao ngayon ang nabubuhay ng hindi maayos ang lifestyle, mahilig sa mga maaalat na pagkain at iba pa, hindi na nakapagtataka na humina ang kanilang kidney. Totoo’t ang mga bato ang siyang taga- detoxify o taga-alis ng toxins sa katawan ngunit, sila man ay dumudumi rin lalo na kung sobra sobra ang mga fini-filter nila na dumi mula sa mga kinakain natin. At kapag hindi nagawa ng maayos ng mga kidney ang kanilang trabaho, maaari tayong magkaroon ng napakaraming sakit at komplikasyon. Malalagay sa kapahamakan ang ating kalusugan kung wala tayong gagawing hakbang upang masolusyunan ito.

Ngayon, paano nga ba natin malalaman kung hindi na gumagana ng maayos ang ating mga bato? Paano natin malalaman kung nanghihina na ba sila at dapat na tayong gumawa ng aksyon? Huwag kayong mag-alala mga kaibigan dahil iyan ang itatampok namin ngayon sa artikulong ito. Ituloy niyo lamang ang pagbasa at alamin kung ano ano nga ba ang mga sintomas na wala na sa maayos na kalagayan ang ating mga kidney.

Una sa lahat, makakaramdam tayo ng labis na pagkapagod o fatigue kung kailangan na naring opatingin sa mga propesyonal sa medisina ang ating mga bato. Ang ating pagkahapo ay dahil sa kakulangan ng dumadaloy na pulang dugo sa atin, na siyang nagdadala ng oxygen sa lahat ng bahagi ng ating katawan. Ang kakulangan namang ito ay dahil sa ang mga kidney ay hindi nakapaglalabas ng sapat na lebel ng EPO o Erythropoietin, na siyang nagpapaunlad ng produksyon ng Red Blood Cells o RBC sa mga bone marrow. Ang kakulangan sa EPO ay maaari ring makasira sa ating mga muscles pati na rin sa paggana ng ating utak.

Bukod dito, maaari ring magkaroon ng pamamaga o pamamanas ang ibang bahagi ng ating katawan kung mahina na ang ating mga kidney. Ang pamamanas ng isang bahagi ng katawan ay dahil sa maruming dugo na dumadaloy dito. Dahil nga pagod na ang ating mga bato at hindi na nila nagagampanan ng maayos ang kanilang tungkukin, hindi na rin nalilinis ng maayos ang ating dugo kahit sila pa ay ilang ulit na dumaan dito. Ang pamamaga ng kamay at paa ay maaaring mangyari sa isang taong mahina na ang mga kidney. Ilan pa sa mga bahagi ng katawan na maaari ring makaranas nitk ay ang mukha at hita.

Isa pang senyales na iyong makikita kung kailangan mo nang gamutin ang iyong mga kidney ay ang pagkasira ng iyong balat. Bukod kasi sa pamamanas at pamamaga, posible rin na ikaw ay magkaroon ng maraming mga sugat sa katawan kung hindi malinis ang dugong dumadaloy sa iyo. Maliban dito ay makikita mo rin na natutuyo ang iyong balat o kaya naman ay namumula sa ibang pagkakataon. Ang lahat ng ito ay senyales na kailangan mo nang magpatingin sa doktor dahil hindi isang simpleng kondisyon sa balat lamang ang iyong nararanasan, maaaring buong kalusugan mo na ang nakasalalay dito.

Kung mayroong pinaka-karaniwang senyales na may problema na ang iyong bato, yun na marahil ay ang pananakot ng likod at balakang. Sa katunayan nga ay karamihan sa mga napatunayan na may sakit sa bato ay ito ang unang naramdaman kasabay ng madalas na pagsakit ng puson bunga ng mga kidney stones. Ang kidney stones ay mga maliliit na butil ng pinagsama samang mga mineral gaya ng potassium at calcium, na bumabara sa urinary tract. Dahil dito ay nakakaramdam din ang tao ng hapdi sa tuwing siya ay iihi. Ito, kasama pa ang pananakit ng katawan at pagkakaroon ng lagnat ang magsasabi sa iyo na kailangan mo nang magpatingin sa doktor upang maagapan ang iyong kondisyon habang hindi pa ito tuluyang lumalala.

At panghuli, posible rin na magkaroon ng hindi magandang panlasa ang isang taong may problema sa bato. Muli, ito ay dahil sa pagkakaroon ng maduming dugo na dumadaloy sa katawan. Dahil nga sa nag-iiba ang panlasa ng tao ay nawawalan na rin siya ng ganang kumain, na nagdudulot naman ng biglaang pagbaba ng kaniuang timbang. Bukod pa rito ay bumabaho rin ang kaniyang hininga dahil sa dumi sa dugo.

Kaya naman, dapat talaga na matuto tayong pangalagaan ang ating katawan lalong lalo na ang mga body organs natin na sumusuporta sa kabuuan ng ating kalusugan, kagaya ng ating kidney. Isipin na lamang natin kung ano na ang mangyayaribsa atin kung tuluyan nang hindi gagana ang ating mga bato, tiyak na napakaraming sakit at impeksyon ang ating makukuha. Hindi lang iyan, baka ito pa ang maging mitya ng ating buhay. Sana sa sukating ito ay muki kayong napaalalahanan sa kahalagahan ng ating mga bato at sana, mula ngayon ay mas paigtingin na natin ang ating pag-aalaga sa mga ito.

You may also like...