Mabisang pantanggal ng kidney stones ang kalahating basong inumin na ito

Tunay na nakakamangha kung paano awtomatikong gumagana ang iba’t ibang proseso sa katawan ng tao. Isipin niyo na lamang, 24 oras araw araw sa buhay ng tao kusang tumitibok ang kaniyang puso at pinapadaloy ang dugo sa buo niyang katawan. Natural din na nangyayari ang paglaban ng ating immune system sa iba’t ibang mga bacteria na pumapasok sa katawan para hindi tayo magkasakit. Kusa ring nagpapadala ng signal ang mga nerves sa utak kaya naman nagagawa nating masabi o magawa kaagad ang isang bagay. Hindi ba’t nakakamangha rin kung papaanong naiimbak ng ating utak ang ating mga alaala? Totoong nakakamangha itong isipin.

Isa pang natural na proseso na nangyayari sa ating katawan ay ang detoxification o ang pag-aalis ng mga toxins at dumi mula sa ating katawan. Kapag kasi tayo ay kumakain ay maraming mga toxins ang ating nakukuha na maaaring may hindi magandang dulot sa ating kalusugan. Salamat na lamang sa ating mga kidney na siyang may responsibilidad na alisin ang mga duming ito upang manatili tayong malusog. Ang mga kidney o “bato” ay dalawang maliit na organ sa kanan at kaliwang bahagi ng katawan na bahagi ng urinary at excretory system, mga sistema ng katawan na pangunahing gawin ay mag-alis ng mga dumi sa katawan.

Sa isang araw ay makailang ulit na dadaan sa mga kidney ang ating dugo. Sa kanilang pagdaan dito ay naiiwan na ang mga toxins na nasama sa mga dugo kaya naman muling dadaloy ng malinis ang dugo pagkaalis nito sa mga kidney. Ang mga toxins naman, na karaniwan ay sodium, ay maiimbak sa kidney hanggang sa dumami ito, at saka ilalabas sa katawan sa pamamagitan ng urination o pag-ihi. Isa itong natural na proseso na nangyayari sa ating katawan kaya naman, mabuti talaga at mayroon tayong kidney para protektahan ang ating kalusugan.

Subalit, dahil nga natural at paulit ulit na nagaganap ang proseso ng pagsasala ng dumi at paglalabas nito mula sa katawan, hindi na nakapagtataka na ang mga kidney ay mapagod at manghina. Hindi rin malayo na mismong ang mga kidney na mismo ang magkasakit, sa dami ba naman ng mga toxins na iniimbak nito ay talagang may tyansa na mangyari ito. Kung minsan ay kailangan din ng paglilinis o detoxification ng mga kidney upang upang manumbalik ang kanilang lakas at gumana sila ng maayos. Tandaan na sila ang nag-aalis ng dumi mula sa ating sistema kaya mahalaga na ang kalusugan nila ay maingatan.

Kung hindi natin ito gagawin ay maaaring mauwi sa iba’t ibang mga komplikasyon ang ating mga kidney. Pwede tayong magkaroon ng kidney failure, na huwag naman sana dahil siguradong madedelikado ang kabuuuan ng ating kalusugan. Bukod diyan ay pwede rin tayong magkaroon ng mga kidney stone. Ang mga ito ay maliliit na piraso na tila ba mga bato ngunit gawa sa sodium at mga mineral. Tandaan na ang mga ito ay ang mga toxins na naiimbak sa mga kidney, kapag sobrang dami na nila at hindi naialis agad sa katawan ay posibleng mag-crystalize sila na siya namang magiging mga kidney stones.

Ang pagkakaroon ng imbalance sa sodium, tubig, at mineral sa ating katawan dahil sa mga hindi masusustansyang pagkain na kinokonsumo ng tao ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kidney stone. Delikado ito dahil kung magiging sobrang laki nila ay maaari silang bumara sa urinary tract o daluyan ng ihi palabas ng katawan. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay nakakaramdam tayo ng hapdi kung tayo ay umiihi, baka may mga maliliit na kidney stone ang nakabara na sa iyong urinary tract.

Kung ang mga kindey stones ay maliliit pa lamang, posible pa itong mailabas sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig. Pwede pa silang matunaw at masama sa urine kapag tayo ay iihi kaya masosolusyunan ito kaagad. Subalit, may mga pagkakataon din na nagiging malaki na ang mga kidney stone kaya hindi na ito natutunaw ng simpleng pag-inom ng tubig lang. Ito na yung pagkakataon kung saan magiging sobrang hapdi na ng pag-ihi dahil may malaking harang na na nasa urinary tract. Ang tanging solusyon upang maalis ito ay sumailalim sa isang operasyon.

Ngayon sa artikulong ito ay aalamin natin kung ano nga ba ang sanhi ng pagkakaroon ng kidney stones, paano ito maiiwasan, at ano ano ang mga posibleng gawin upang maalis ang mga kidney stone sa katawan kung sakali mang mayroon na nito ang isang tao.

Mayroong dalawang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng kidney stone. Una ay kagaya ng nabanggit na kanina, ang pagkain ng mga hindi masusustansyang pagkain, pati na rin ng mga pagkain na mataas ang sodium level o yung mga sobrang maaalat na pagkain. Kapag sobrang daming sodium ang pumapasok sa katawan ay nagkakaroon ng imbalance kaya natural na aayusin ng mga kidney ang imbalance na ito sa pamamagitan ng pagsasala ng mga sodium. Ngunit dahil nga sa sobrang dami nito ay posibleng mag-crystalize sila at maging kidney stone.

Isa pa ay ang  kakulangan naman ng tubig sa katawan at ang hindi pagkain ng mga sariwang gulay at prutas. Tandaan na kailangan din ng tubig o fluids upang hindi magkaroon ng imbalance. At isa pa, ang pag-inom ng tubig ay kayang agapan ang pagkakaroon ng kidney stone kaya kung hindi mo ito ginagawa ay alam mo na ang posibleng mangyari sa iyo.

Upang magamot ang kidney stone ay pwede kang magpatingin sa doktor. Pwede kang sumailalim sa isang operasyon o kaya naman uminom ng gamot para dito. Karaniwan ay inirereseta dito ang potassium citrate, isang gamot na may kakayahang bawasan ang acidity ng urine na siyang dahilan din kung bakit nagkakaroon ng kidney stone ang isang tao. Oo at mabisa ang gamot na ito, subalit medyo may kamahalan nga lang. Kaya naman, kahit may mga tao na gustong bumili nito ay hindi nila magawa dahil na rin sa kakulangan sa salapi.

Mabuti na lamang at mayroon namang alternatibo na pwedeng gawin, ito ay ang pagkonsumo ng lemon na isang citru fruit. Ang mga citruis fruit kagaya ng lemon, orange, pinya, at kiwi ay mga prutas na nagtataglay ng Vitamin C at citrate. Ang citrate na ito ay may kakayahang pigilan ang pagkakaroon ng kidney stone. Ayon sa mga eksperto ay mas mabuting kumain ng maraming citrus fruit dahil mas maraming citrate sa katawan ay mas mababawasan ang tyansa ng formation ng kidney stones. Tila kasi babalutin nito ang mga sodium at mineral upang hindi sila magdikit dikit at mag-crystalize. At sa lahat ng citrus fruit, pinakamabisa para dito ang lemon. Narito ang kailangan mong gawin.

Kailangan mo lamang uminom ng tsaang gawa sa lemon araw araw. Kalahating tasa kada araw ang inirerekomenda upang mawala at maiwasan nang tuluyan ang pagkakaroon ng kidney stone. Parang katumbas na ito ng paginom ng 12 tableta ng potassium citrate kaya totoong napaka-epektibo nito. Kailangan mo lamang ihalo ang 2 oz ng lemon juice sa 6 oz ng tubig at saka ito inumin dalawang beses sa isang araw. Maganda kung isa sa umaga at isa sa gabi.

You may also like...