Mabubuting pakinabang ng cucumber water sa ating katawan na dapat natin malaman

Sa panahon ngayon, lalo na at palapit na ng palapit ang panahon na siyang tinatawag na summer, mas umiinit ng mas umiinit ang kapaligiran na siyang nagiging dahilan upang ang tao ay maghanap ng isang malamig na inumin. Kung ikaw ay nauuhaw ay hindi mo na gusto ang paulit ulit na tubig na iyong iniinom at dahil napaka taas na rin ng mga inumin ng dahil sa pagbabago na nangyari sa bansa, ang tubig na siyang gawa mula sa pipino ay maari mong gawin at inumin sa pang araw araw, naibsan na ang uhaw na iyong nararamdaman, natulungan mo pa ang iyong katawan na maging masigla at malusog. Ito ay mabisang at nakakatulong upang mahydrate ang katawan at bukod pa riyan, marami rin itong magagawa para sa iyong kalusugan, lalong lalo na sa iyong pinaka mamahal na balat.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga bagay na siyang magagawang itulong ng pang araw araw na paginom ng napaka simpleng resipe, ang cucumber water. Maraming bilang ng mga tao ang nagbabalewala sa impormasyon na ito, ngunit kung malalaman moa ng maaring maidulot ng cucumber water para sa iyo ay tiyak sisimulan mo na ang pagkonsumo dito araw araw.

Narito ang mga benepisyo na iyong makukuha mula sa cucumber water:

  • Ito ay nakakabuti para sa iyong balat

Bukod sa silica, ang mga pipino ay nagtataglay din ng mga malalakas na uri ng antioxidants na siyang mayroong kakayahan na mapanatili ang pagiging maganda, makinis at malambot ng iyong balat. Kung sakali na ikaw ay mayroong acne, maari mo lamang gamitin ang isang slice nito at ilagay mo ito sa malamig na tubig. Pagkatapos ay ilagay mo ito sa apektadong bahagi ng iyong mukha. Ag pamumula ng iyong mukha ng dahil sa acne ay unti unting mababawasan kung ito ay hihilamusan mo ng cucumber water.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mapanatili ang mabuting kalusugan ng iyong muscles o mga kalamnan 

Ang pipino ay nagtataglay ng silica, sa tulong ng bagay na ito, ang pang araw araw na pagkonsumo sa tubig na siyang gawa mula sa pipino ay nakakatulong upang mapanatili ang kalusugan ng mga connective tissues. Kinakailangan mo lamang na maglagay ng ilang piraso ng hiwa ng pipino sa isang bote ng tubig at inumin mo ito habang ikaw ay nageehersisyo upang makuha ng iyong katawan ang lahat ng kinakailangan na minerals para sa isang malusog at malakas na kalamnan.

  • Ito ay makakatulong para sa detoxification ng katawan 

Ang tubig na mayroong pipino ay mayroong kakaibang klaseng kakayahan na linisin ang loob ng katawan ng isang tao sa isang proseso na tinatawag na detoxification. Isa ito sa mga kilala at pinaka mabisa na mga cleanser na siyang magagamit ng isang indibidwal upang maalis lahat ng mga kemikal at toxins sa loob ng kanilang sistema.

  • Ito ay nagtataglay ng mababang antas ng calories

Ang ordinaryong tubig na madalas na iniinom ng mga tao ay hindi nagtataglay ng calories ngunit ang tubig na siyang gawa mula sa pipino ay mayroong mahigit kumulang na apatnaput limang (45) calories. Dahil dito, hindi ka na dapat magalala at magisip pa dahil hindi naman ito nakakaapekto sa antas ng calories sa loob ng iyong katawan. Kung iisipin, para ka lamang uminom ng tubig ngunit ito ay mayroong halong lasa at mas nakakapresko pa ito ng pakiramdaman.

  • Ito ay nakakapagbigay ng karagdagang enerhiya 

Ang tubig na siyang gawa sa pipino ay maari mong ipagpalit sa mga sugary drinks o mga energy at caffeine drinks na madalas na binibili mula sa mga tindahan. Ang tubig na gawa sa pipino o ang cucumber water ay mabisa sa pagbibigay ng maraming enerhiya para sa maghapon sa pang araw araw. Ito rin ay mayroong kakayahan na tanggalin ang mga toxins na mayroon sa loob ng katawan ng isang tao na siyang nagmula pa sa pagod at upang mabuti ang focus o ang konsentrasyon mo sa paggawa ng mga bagay bagay.

  • Ito ay hydrating o mayroong kakayahan na mapanumbalik ang wastong antas ng tubig sa iyong katawan 

Kung mainit ang panahon o kapag summer na, ang dapat mo laging isipin ay ang mapanatili ang sapat na antas ng tubig na kinakailangan ng iyong katawan upang maiwasan ang dehydration. Ang tubig na siyang gawa mula sa pipino ay nakakabuti para sa wastong temperatura ng katawan at upang magkaroon din ng magandang pagtakbo ng cardiovascular system, maiwasan ang mabilis na pagkakapagod at mas magkaroon ng sapat na lakat at enerhiya.

  • Ito ay nagtataglay ng maraming bitamina at mineral na kailangan ng katawan 

Alam naman ng halos lahat ng tao na talagang nakakabuti ang paginom ng tubig para sa kalusugan at katawan ng isang indibidwal ngunit ang ordinayo at simpleng tubig ay hindi nagtataglay ng kahit na anong bitamin o mineral na siyang kinakailangan ng katawan ng tao upang mas maging masigla at malusog. Ang tubig na siyang gawa sa pipino ay maaring makatulong sa pagbibigay ng sapat at wastong dami ng bitamina at mineral na siyang kinakailangan ng katawan. Napakaraming bilang ng mga resipe ang siyang maaring mapagalaman at magagawa kung saan ang tubig na siyang gawa sa pipino ay maaring dagdagan ng iba’t iba pang uri ng mga prutas upang magtaglay pa ito ng mas maraming antioxidants, mas maraming bitamina at mga mineral na siyang makakatulong upang mas mapalusog ang katawan at malabanan ang ano mag uri ng mga sakit na siyang usong uso sa panahon na ito.

Napakasimple lamang ng kinakailangan mo ng gawin upang makagawa ng ganitong klase ng resipe. Hiwain mo lamang ang isang piraso ng pipino sa maliliit na piraso at ihalo mo ito sa isang pitsel ng tubig o sa isang bote. Inumin mo ito sa maghapon upang makuha at maranasan ang mga benepisyo na aming ibinahagi sa inyo mula sa itaas. Depende sa iyong kagustuhan, maari ka ring gumamit ng manipis na hiwa ng lemon upang mas makakuha ng iba pang sustansiya, maari mo rin itong lagyan ng yelo o palamigin upang maging akma sa panahon at maibsan ang tuluyan ang uhaw na nararamdaman at maiwasan ang pagkakaranas ng dehydration.

You may also like...