Mabuti daw ang pag inom ng lemon juice sa umaga pero ito ang mga hindi natin alam tungkol dito

Marahil hindi lahat ng tao ay nakaalam ng bagay na ito, ngunit ang paginom ng lemon juice sa umaga ay kilala na isang mabuting pamamaraan upang magkaroon ng isang malusog at magandang pangangatawan. Ngunit, ano nga ba talaga ang kayang gawin ng isang lemon juice para sa iyong katawan? Ayan ang aming ibabahagi sa inyo sa tulong ng artikel na ito.

Ang lemon ay isa sa mga kilalang kilala na pagkain o minsan ay ginagamit na pampalasa at inihahalo sa mga inumin hindi lamang dito sa Pilipinas kung hind imaging saan mang sulok at parte ng mundo. Ito ay mas naging kilala dahil sa mayamang taglay nito ng Vitamin C.

Ang madalas o pang araw araw na paginom ng lemon juice sa umaga ay mayroong kakaiba at kamangha manghang kakayahan na mas mapalakas ang immune system para mabisa nitong malabanan ang mga sakit at iba’t ibang klase ng mga impeksyon na siyang nagpapahirap at nagpapalala ng ilang kondisyon ng tao. Ito ay nangyayari dahil sa mataas at mayamang taglay ng lemon juice ng mga vitamins at minerals kagaya na lamang ng bioflavonoids, pectin, calcium, Vitamin C, citric acid at maging ang magnesium.

Kapag ang lemon juice ay iyong kinonsumo tuwing umaga habang wala pang kahit na anong lamang ang iyong tiyan, ito ay mayroong kakayahan na linisin ang iyong katawan at alisin ang mga toxins na nasa loob nito. Pinapanatili rin nito ang isang mabuting pH balance at ito rin ay tumutulong upang makapagpabawas ng timbang.

Katulad ng aming nabanggit kanina, ang artikel na ito ay naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa lemon juice at kung ano ba ang maitutulong nito para sa ating pangangatawan at kalusugan. Aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga pakinabang at benepisyo na maari ninyong makuha mula sa simpleng pagkonsumo lamang ng lemon juice tuwing umaga habang wala pang laman ang inyong tiyan!

Narito ang labing anim (16) na pakinabang ng Lemon Juice para sa iyong kalusugan:

1. Food Borne Illnesses

Hindi man ganoong kapani paniwalang isipin ngunit ang lemon juice ay mayroong kakayahan na mapigilan ang kahit na anong uri ng food poisoning.

2. Alcohol Cravings

Kung regular at madalas ka ng iinom ng lemon juice, mas mapapadaling maiwasan at mabawasan ang iyong pag inom at kagustuhang makatikim ng alak.

3. Kidney Stones

Ang lemon juice ay nagtataglay ng potassium na siyang may kakayahan na magpadami ng antas ng citrates sa ihi na siyang pumipigil sa pagbuo ng oxalate at siya ring nag aalis ng kidney stones.

4. Gall Bladder

Ang regular na paginom ng lemon juice habang ikaw ay kumakain ay nakatutulong upang mabawasan ang sakit na iyong nararamdaman na siyang dulot ng gall bladder stones.

5. Constipation

Dahil ito ay nakatutulong din upang magkaroon ng regular na bowel movements, and lemon juice ay mayroong kakayahan na maging isang panlunas at upang mapigilan din ang constipation at pananakit ng tiyan.

6. Inflammation o Pamamaga 

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng inflammation o pamamaga sa balat ay ang acidity. Mabuti na lamang at nagtataglay ng anti-inflammatory properties ang lemon juice na mayroong kakayahan na bawasan ang acidity at maging tanggalin ang pamamaga sa iyong katawan.

7. Finger Nails

Ang lemon juice ay mayroong kakaibang klase na kakayahan na maalis ang madalas na making white spots na siyang lumalabas sa mga kuko. Sa kabilang banda, pinapatibay din nito ang mga kuko sa iyong daliri.

8. Immune System

Ang lemon juice ay nagtataglay ng mayamang antas ng Vitamin C na siyang nagpapalakas ng lymphatic system na sinasabing lubhang mahalaga para sa kakayahan ng immune system na labanan ang anumang uri ng sakit.

9. Flu at Cold

Ang lemon juice ay kilala bilang isa sa mga pinaka mainam na natural at walang halong kemikal na panlunas labas sa cold at flu dahil ito ay may kakayahan na mas palakasin pa ang immune system ng dahil sa mayamang taglay nito ng Vitamin C na amin ding nabanggit kanina.

10. Fibromyalgia

Ang mga taong nakakaranas ng fibromyalgia at madalas na pagkapagod ay pinapayuhan ng mga eksperto na uminom ng lemon juice sa pang araw araw at sabayan ito ng ilang yoga exercises.

11. Colitis

Ang colitis ay kilala bilang isang imbalance ng acid o ng alkaline levels sa loob ng katawan. Ang lemon juice ay lubhang mabisa para sa ganitong uri ng kalagayan dahil ito ay nakatutulong upang mapanatili ang magandang pH levels sa loob ng katawan ng tao.

12. Weight Loss

Ang pectin na siyang matatagpuan sa lemon juice ay mayroong kakayahan na makatulong para sa iyo upang mabawasan ang sobrang pagkain. Ito rin ay mayroong kakayahan na ayusin ang antas ng blood sugar at gawin itong normal para sa iyong katawan. Dahil dito, mabilis nitong binabawasan ang timbang ng tao.

13. Acne

Ang regular at normal na paginom ng lemon juice tuwing umaga ay talagang nakatutulong upang maging maayos ang acidity sa katawan ng tao at hindi na lumabas pa o kumalat at dumami ang acne sa mukha.

14. Gastroesophageal Reflux Disease o GERD 

Kung tutuusin, maari mong palitan ang tinatawag na TUMS ng lemon water tuwing umaga.

15. Sore Muscles

Nirerekomenda ng mga eksperto at mga doktor na uminom ng lemon juice pagkatapos ng isang matinding workout o exercise dahil ito ay kilalang mabisa sa pagbawas ng pananakit ng mga muscles at kalamnan.

16. Joint Pain at Swelling

Kilala ang lemon juice na mayaman sa uric acid kaya ito ay magandang gamitin sa mga pananakit at maging sa mga pamamaga ng mga kasukasuan. Maganda at nakatutulong din ito sa mga tao na mayroong rayuma o arthritis.

Ano pa ang hinihintay mo? Pagkatapos malaman ang lahat ng mga epekto at tulong na kayang ibigay at ibahagi ng lemon juice para sa iyo, magdadalawang isip ka pa ban a magkonsumo nito? Kakailanganin mo lamang na uminom ng lemon juice sa pang araw araw tuwing umaga. Pagkatapos ay makikita mo na lamang bigla ang mga magagandang resulta na siyang hatid nito para sa iyo.

Ibahagi mo rin ang artikel na ito sa iyong mga kaibigan at mga mahal sa buhay upang matulungan din sila sa mga ganitong klase ng kalagayan!

You may also like...