Magagandang dahilan kung bakit ka dapat matulog sa kaliwang bahagi ng katawan mo

Napakarami ng bilang ng mga tao sa buong mundo ang siyang nakakaalam na ang wastong oras at kalidad ng tulog ay lubhang napaka halaga para sa mental at pisikal na aspeto ng kanilang kalusugan. Ngunit, alam niyo ba na ang wastong posisyon sa pagtulog ay mayroon ding maitutulong para sa ikatatagal at ikakaganda ng iyong tulog? Kung hindi pa, sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang bagay na ito kaya’t marapat lamang na ituloy tuloy mo lang ang pagbabasa upang malaman ang kakaiba at nakakatulong na impormasyon na ito.

Ayon sa Ayurveda, isang uri ng kaisipan at paggamit ng mga medisina na siyang nagmula pa sa bansang India, ang pagtulog daw na nakaharap sa kaliwang bahagi ng katawan ay mayroong kakayahan na makapagdulot ng malaki para sa pagpapabuti ng kalusugan ng katawan. Napakaraming bilang na ng mga tao ang siyang nagsasabi na totoo ito at nakatutulong ang bagay na ito para sa digestion o sa pagtunaw ng pagkain sa loob ng tiyan, mas napapahimbing din nito ang tulog na siyang nagbibigay ng mas mahabang oras at magandang kalidad ng tulog, nakakatulong din ito para sa likod, puso at maging sa iba’t iba pang parte ng katawan.

Narito ang anim (6) na posibleng maitutulong sa iyo ng pagtulog na nakaharap sa kaliwang bahagi ng katawan:

  • Ito ay mabuti para sa kalusugan ng puso

Ipinapayo at inirerekomenda ng mga doktor para sa mga buntis na babae na matulog sa ganitong klase ng posisyon dahil ito ay nakabubuti para sa circulation ng kanilang puso. Sa kabilang banda, kahit hindi ka buntis na babae, ang pagtulog sa ganitong uri ng posisyon ay makakatulong din para maibsan ang pressure na siyang nakalagay sa puso ng dahil sa gravity na siyang dahilan ng pagkakaroon ng lymph drainage na kalaunan ay nauuwi sa aortic circulation palayo sa puso.

  • Ito rin ay nakabubuti para sa kalagayan ng digestion

Sa kabilang banda, pagdating naman sa pagtunaw ng pagkain sa loob ng tiyan, ang pagtulog na nakaharap sa kaliwang bahagi ng katawan ay epektibo at nirerekomenda kesa sa kabila ng dahil sa gravity. Sa pagtulog sa ganitong klase ng posisyon, mas napapadali ang pagdaloy ng mga pagkain sa large intestine patungo sa colon at upang makaranas ng bowel movement o maging sa kagustuhang makapaglabas ng dumi pagdating sa umaga. Ang ganitong klase ng posisyon ay para rin sa mabuting kalusugan ng iyong bituka at ng iyong pancreas para sa isang maayos na produksyon ng pancreas enzymes at iba pang mga uri ng digestive related na mga processes sa loob ng tiyan ng tao.

  • Ito ay may kakayahan na palakasin ang lymphatic system

Ang pagtulog sa ganitong uri ng posisyon ay nakakatulong upang mas mapadali ang pagsala ng lymph fluid at iba pang mga dumi sa tulong at pamamagitan ng lymph nodes ayon sa Ayurvedic medicine. Bilang karagdagan, ang pagtulog sa kaliwang bahagi ng katawan ay kilala rin na isang aktibo at dominante na lymphatic side. Ito ay mayroong kakaibang klase na kakayahan na siyang makakatulong para sa pagproproseso ng dumi na nagmula sa utak ayon sa pananaliksik ng mga eksperto mula sa kanluran.

  • Ito ay makakatulong para maibsan ang heartburn

Isang uri ng pagaaral ang siyang isinagawa ng The Journal of Clinical Gastroenterology na siyang nakadiskubre na ang pagtulog sa kaliwang bahagi ng katawan ay nakakatulong upang mabawasan ang mga sintomas ng acid reflux. Ito ay nagiging possible ng dahil sa posisyon ng bituka na nakalagay sa kaliwang bahagi ng katawan. Sa kabilang banda, kabaligtaran naman nito ang nangyayari kapag natulog ka na sa nakaharap naman sa kanan na bahagi ng katawan at baka mapalala pa nito ang sintomas ng ganitong uri ng kondisyon. Mabilis lamang ang epekto na kayang gawin ito, kung nahihirapan ka sa epekto ng heartburn pagkatapos mong kumain, subukan mo lamang na humiga na nakaharap sa kaliwa sa loob ng mahigit sampung (10) minuto.

  • Ito ay mayroong kakayahan na mabawasan ang sakit sa likod 

Ang mga tao na siyang madalas na nakakaranas ng chronic o ng paulit ulit at madalas na pananakit ng likod ay talagang matutulungan ng ganitong uri ng posisyon sa tuwing sila ay matutulog dahil ito ay nakakatulong upang mabawasan ang pressure na siyang nakalagay sa spine. Giginhawa ang kanilang pakiramdam at mababawasam ang sakit na nararamdaman, higit sa lahat, mas hahaba at mas hihimbing na ang kanilang tulog sa gabi.

  • Ito ay epektibo para sa mga buntis na babae 

Ang pagtulog sa kaliwang bahagi ng katawan ay mabuti para sa circulation ng dugo para sa mga buntis na babae. Ito rin ay sinasabing nakakatulong upang mabawasan ang pressure na siyang nararamdaman sa likod at para maiwasan na rin na maipit ng uterus ang atay. Mayroon din itong kakayahan na itaas ang daloy ng dugo papunta sa uterus, bato at maging sa fetus. Dahil sa mga dahilan na ito, madalas pinapayo ng mga doktor sa mga nagbubuntis na matulog sa ganitong posisyon hindi lamang para sa kanilang kalusugan kung hindi para na rin sa kalusugan ng kanilang magiging baby habang ito ay nasa sinapupunan pa.

Tandaan:

Dahil nakakakumbinsi at kapani kapaniwala ang mga ganitong dahilan na aming ibinahagi sa inyo na siyang totoo naman pagdating sa pagtulog sa ganitong klase ng posisyon, ngunit dapat niyo ring malaman at dapat niyo ring tandaan lalong lalo na para sa mga taong mayroong sakit kagaya na lamang ng sakit sa puso, sleep apnea, glaucoma at carpal tunnel syndrome ay hindi epektibo ang ganitong klase ng gawain. Kung ikaw ay hindi siguro sa kung ano bang uri ng posisyon ang iyong maaring gawin, dapat kang bumisita sa isang espesyalista o sa iyong doktor upang makapagtanong at makasiguro.

Paano mo gagawin ang paglipat?

Kung hand aka nang gumamit at subukan ang ganitong klase ng posisyon sa pagtulog ay baka mahirapan ka sa unang pagsubok mo nito dahil hindi ito madalas gawin ng nakararami. Mabuti na lamang at mayroong paraan upang mas mapadali na maiwasan ang paglihis ng iyong katawan sa kanan habang ikaw ay mahimbing na natutulog. Maari ka rin naman lumipat sa kabilang parte ng kama para hindi maiba ang orientation o ang direksyon ng paligid mo sa iyong pagtulog.

Napakahalaga rin na pumili ka ng komportable at nababagay na mattress na siyang maganda at nakatutulong para sa iyong magandang pagtulog habang ikaw ay nakaharap sa kaliwa. Dahil ang ganitong klase ng posisyon ay naglalagay ng karagdagang pressure sa iyong balakang at balikaw, makakatulong dito ang paggamit ng isang malambot na kama. Maghanap ka rin ng mattress na mabuti pra sa isang natural alignment ng iyong spine. Ito rin ay dapat komportable at maginhawa para sa iyong pakiramdam. Ang kombinasyon ng isang magandang kama at isang epektibong posisyon sa pagtulog ay lubos na makakatulong upang magkaroon ng benepisyo ang iyong katawan sa madaling paraan lamang.

You may also like...